Chapter 65

149K 2.3K 37
                                    



Chapter 65

CHARLE'S POV

"I'm sorry kuya. Hindi ko talaga macontact si Euphy" sabi sa akin ni Kelly na kasalukuyan kong kausap ngayon sa phone ko.

"Okay. Balitaan mo na lang ako kung sakaling makita o makausap mo siya" pakasabi ko nun sa kanya ay agad ko namang binaba ang cellphone ko. Nasa loob ako ngayon ng cctv room para malaman kung anong nangyari kay Euphy.

Ilang beses akong tumawag kay Euphy kanina nung nasa office ako pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya kaya nung maglunch time na ay umuwi ako dahil masama ang kutob ko na baka may nangyari sa kanya. Pagdating ko sa condo, walang tao pero nandun ang phone niya. Pinahanap ko siya sa ibang guards at staff na naroroon pero hindi siya makita. May isang guard naman na nagsabing nakita niya si Euphy na paakyat sa elevator bitbit pa ang mga pinamili sa grocery. Natagpuan din namin doon ang mga pinamili niyang nagkalat sa sahig.

"Sir sorry po pero hindi po gumagana yung cctv sa elevator" paumanhin nung nag ooperate.

"Anong klaseng building ito?!" sa galit ko ay nasuntok ko ang pader. Mukha namang nagulat ang mga tao sa paligid ko kaya nanahimik na lang sila.

"Si-sir, ano po, sorry po. Ang alam po kasi namin ay gumagana po siya at kapag nasira ay pinapalitan agad namin"

"Iyon naman pala! Bakit hindi niyo agad pinapalitan!?" bago ko pa masuntok ang lalaki sa harap ko ay nagsalita ang isang staff.

"Sir! Gumagana po yung cctv kaninang umaga kaso pagdating ng 8:00 am hindi na siya nagfa-function. Hindi ko po alam pero baka nagkataon lang yata o di kaya'y sinadya" may kutob akong sinadya iyon. Nagkukuyom sa galit ang mga kamay ko. Kung sino man iyong demonyong gustong sumira sa buhay ko ay malalagot siya.

"Sir nevermind the cctv on the elevator. May nakuha ako na records ng CCTV sa parking lot." Agad kong pinanood ang nasa screen at tama ang hinala ko. Sinadya nilang kunin ang asawa ko.

EUPHY'S POV

"Oh my god! It's been 3 hours already. Bakit hindi pa siya nagigising? Patay na yata to eh!" naalimpungatan ako. Gising na ang diwa ko pero hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nakahiga ako at nakatali ang aking mga kamay at paa. Maging ang likod ko ay masakit lalong-lalo na sa parte ng aking batok.

Naaalala ko na. Habang pauwi ako kanina, bigla ko na lang naramdaman na may tumama sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay.

OH MY GOD! Nakidnap yata ako!

Narinig ko namang nagsara ang pinto at saka ko naman binuksan ang aking mga mata. Nasa isa akong maliit na kwarto. Malinis naman siya at wala ako sa abandonadong lugar na madalas kong makita sa mga movie na napapanood ko.

Para lang akong nasa kwarto sa isang maliit na bahay. Walang aircon pero may maliit na electric fan namang nakatutok sa akin.

Nasaan ako? Hindi ko alam kung malapit lang ba ito sa tinitirhan namin ni Charles o nasa malayo na kami. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid at isang maliit lang na bintana ang meron doon at syempre ang pintuan. Wala akong choice kundi sa pintuan ako dadaan kung nanaisin ko mang tumakas.

Pinipilit kong kumawala sa pagkakagapos pero mahigpit itong nakatali sa aking mga kamay sa aking likuran. Naiiyak ako. Wala naman akong mabigat na kasalanan para maranasan ko ang bagay na ito. Ni hindi ko nga kilala ang mga kumuha sa akin.Isa lang ang alam ko, masasama silang tao.

Bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad isang lalaking nasa mid 30's ata. Mukha naman siyang disente pero ang mga mata niya, ang sama kung makatingin sa akin.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon