Chapter 21: Trip to South Korea

355K 3.5K 253
                                    

dedicated to: GrechelGalaura

May bago nga pala akong story, sana isupport niyo din, makikita niyo siya sa profile ko entitled "I Can't Be Tamed"

Chapter 21: Trip to South Korea

 

EUPHY'S POV

Nandito na kami ngayon sa NAIA. Weee! Excited na excited na ako sa trip to Korea namin. Sa wakas makakapunta na din ako sa dream destination ko!

Pag uwi talaga namin dito next month, ieexplain ko ang lahat kay Kelly na walang nanyari sa amin ng Kuya. Ang green ng utak niya. Nagconclude agad doon sa mga narinig niya.

May ginawa din akong lista ng mga gagawin ko pagdating doon! Syempre, nangunguna na doon ang makita si Lee Min Ho at ang manood ng live performances ng FTIsland. Crush ko kasi si Hongki. Dapat magkaroon ako ng picture kasama sila.

Dapat matikman ko din ang mga pagkaing Korean. Tapos gusto ko ding maexperience ang makasuot ng hanbok, ang traditional na damit ng mga korean. Excited na talaga ako!

"Your smiling alone. Para kang tanga" Sabi nitong katabi ko.

"I'm just happy" Sagot ko sa kanya. Kung ako ay super duper excited, siya naman ay parang wala lang. Sawa na siguro ito magtravel. Syempre, mayaman eh!

Hindi na siya nagsalita. Siguro naman alam na niyang masaya ako kasi sa Korea kami pupunta. Buti nga bati na kami. Remember kagabi nung bigla niya akong sigawan nung niyakap ko siya. Hindi ko naman sinasadya yun eh, nadala lang ako ng sobrang katuwaan ko. Ayaw niya sigurong may yumayakap sa kanya.

Kalalaking tao, ang arte. Hehehe.

Naalala ko, may dala pala akong nerdy glasses. Masuot nga para magmukha naman akong cute. Wala po akong sakit sa mata ah, sadyang gusto ko lang maging cute.

Sinuot ko na ito, wala lang trip ko lang. Pagtingin ko sa katabi ko, nagsuot rin pala ito ng eye glass, tulad nung sa akin. Ang pinagkaiba lang yata ay galing divisoria sa akin samantalang sa kanya ay imported.

"Manggagaya" Sabi ko sa kanya.

"Psh. Nauna ako" Katwiran niya.

"Mas nauna kaya ako" Nauna talaga ako. Promise! Nagpout na lang ako.

"Feeling mo naman cute ka" Whatda? Nagsabi ba akong cute ako? Sabagay, tama siya eh. Hindi naman talaga ako cute kasi maganda ako. Wahahaha.

"Aba! Makapagsalita ka parang ang gwapo mo!"

"Well, it's true" and then he smirked. Ok siya na ang gwapo pero alam niyo ba, hindi pa rin ako sanay na nakakausap ko ng ganito si Charles. Well, diba kadalasan masungit at palaging naninigaw iyan sa office? Ngayon, may umiiba na talaga sa kanya. Is it just me or sanay lang talaga akong sinusungitan niyan?

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon