Chapter 30: Meeting Him

339K 3.3K 270
                                    

Yung feeling na tapos mo nang itype yung UD mo tapos nawala lang. Nakakainis! Umulit tuloy ako. >.

Chapter 30: Meeting Him

EUPHY'S POV

"Manong, para po" Tumigil naman ang sinasakyan kong jeep. Inabot ko yung bayad ko at saka ako bumaba.

Nandito ako ngayon sa Luneta Park kung saan napagkasunduan namin ni Joseph na dito magkita. Napaaga yata ako dahil mukhang wala pa siya. Maaari namang nandito na siya pero hindi ko lang makita kasi ang laki-laki ng lugar na ito.

Nagpalinga-linga ako sa paligid but there's no sign of him. Wala pa yata talaga siya.

Nagmadali pa naman akong pumunta dito. Pero okay na rin iyon, at least napaaga ako.

I still waited for how many minutes pero wala pa rin siya. Grabe naman iyon! Minsan na nga lang kami magkita, late pa. Miss na miss ko na nga ang lalaking iyon.

Dapat nandito na siya! Nangako kasi ako sa sarili ko na uuwi na ako ng bahay before 5pm. Hindi dapat malaman ni Charles na umalis ako ng bahay.

On the second thought, dapat lang na magrebelde rin ako minsan sa kumag na iyon. Galit pa rin ako sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang na may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Oh noes!!! Mukhang may nagbabalak na ikidnap ako!

"Ano ba---" Sisigaw na sana ako ng over kaso nga lang nagsalita siya.

"Babygirl" Nawala na yung takot ko nang marinig ko ang boses niya na sinasabi ang pangalan ko, I mean, yun ang tawag niya sa akin imbes na tunay kong pangalan. Ganyan 'yan kasweet.

Inalis niya yung mga kamay na nakatakip sa mga mata ko tapos lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya. Siya nga! Wala nang iba kaya naman ay sinunggaban ko na siya ng napakahigpit ng yakap.

"Joseph!" I missed him so much! Last year ko pa itong huling nakita.

"Babygirl! Kamusta ka na? Long time no see!" At niyakap niya rin ako ng napakahigpit. "Namiss din kita" Sabi pa nito. Aaaaw. Mas lalo siyang naging sweet ngayon ah?

Kumalas na kami sa yakapan namin.

"Mas lalo kang naging gwapo" Compliment ko sa kanya. Pero totoo po iyon. Ang pogi pogi ni Joseph.

"Mas lalo ka namang gumanda" Sabi niya. Alam kong hindi siya nagbibiro.

"I know! Ba't ka nga pala napadpad dito sa Manila?" Nasa probinsiya kasi siya eh.

"We have seminars and lectures to attend. Actually, hindi naman required sa amin pero sumama na ako para makita kita at malaman kung ano ang kalagayan mo dito sa Manila" Sabi niya. Ganun pala, gusto talaga akong makita ng loko.

"As you can see, OK na OK ako dito!" Sabay ngiti ko pa sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman ang mga pinaggagagawa ko.

"Mukha ngang ok na ok ka dito. Mukhang stable ang buhay mo ngayon ah" Stable? Kung alam niya lang.

"Upo muna tayo dun sa bench. Ang init init eh" Hinilia ko siya dun sa bench at umupo kami. Ang init kasi ngayon lalo na't hapon na.

"Ikaw naman kasi eh. Sinabi ko nang itext mo na lang sa akin kung saan ang address mo dahil pupuntahan na lang kita eh ayaw mo naman" Paliwanag niya.

"Sorry naman, medyo magulo eh saka mas mabuti na ring dito tayo nagkita at least pwede tayong makapasyal" Palusot ko. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira. Magtataka iyon kung bakit ako nakatira sa isang mamahaling condo kung gayon ay hindi naman kataasan ang sweldo ko.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon