Chapter 19: First Night with Hubby!

378K 4.2K 388
                                    

Chapter 19: First Night with Hubby!

EUPHY'S POV   


Pagkatapos nung wedding ceremony, kumain lang kami sa isang high class restaurant para magcelebrate. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!" Diyos ko, makasigaw naman ito si Kelly. Natawa na lamang sa kanya ang mga magulang niya. Itinaas niya yung basong hawak niya na may wine.

Kaya itinaas na din namin yung mga hawak naming glass na may wine at sabay sabay kaming nagsabi ng "cheers".


"So, ano munang balak niyo sa ngayon? Are you plannning na bumili ng bahay o sa condo muna ni Charles kayo titira?" 
Tanong ni Papa sa amin.

"Sa condo muna. Then, maybe kapag nasanay na kami sa marriage life saka na kami bibili ng bahay" Hmmp. Galing umarte ni Sir.

Kahapon kasi, pumunta sa bahay ko si Kelly sinabihan akong iligpit na lahat ng gamit ko dahil after ng kasal namin, sa condo na ako ni Sir titira. Inutusan kasi siya ni Sir. Expected ko na talaga iyon. Saan ka ba nakakita na bagong kasal na mag-asawa ay hindi sa iisang bubong nakatira?

So, ganun nga. Linigpit ko lahat ng gamit ko kahapon. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Kelly. Tapos, pinadala niya na lang yung gamit ko sa driver niya at nag stay na kami sa hotel at doon na kami natulog. Kailangan ko na daw ng beauty rest para sa kasal. Kung tutuusin hindi naman ako ready magpakasal eh. Naipit nga lang kasi ako. Naipit sa sitwasyon. 

At ngayon pa lang, kapag iniisip ko nang titira kami ni Sir sa iisang bahay, feeling ko hindi matatahimik ang bawat araw ko. Lord, ikaw na po bahala sa akin!

"What about Euphy? Magtatrabaho ka pa rin ba?" Tanong ni Mama.

"Of course, she's still my secretary" Sagot naman nitong Boss ko.

"Kakaiba talaga kayo. Samantalang yung iba, ayaw na nilang pagtrabahuhin yung mga asawa nila. Sabagay, wala pa naman kayong anak" Nasamid ako sa sinabi ni Papa. Inoopen na naman nila yung topic about sa anak anak na iyan.

"Katulad mo! Nung kasal na tayo ayaw mo akong pagtrabahuhin." Nakapout na sabi ni Mama kay Papa. Wow! Ang cute nilang maglambingan.

"Eh syempre. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang nagpapakahirap" Sabi naman ni Papa.

"Kahit na, kaya ko naman magtrabaho nun eh" Ang cute cute talaga nila! Lalo na si Mama, hindi mo aakalaing may sakit. 

"Ma, Pa, kung umasta kayo, parang kayo yung bagong kasal" Suway ni Kelly sa mga magulang niya. Natawa na lamang kami sa sinabi ni Kelly.

"Ooops. Sorry. Magboyfriend ka na kasi ng magkaroon ka na rin ng kalampungan" Natawa na din ako sa sinabi ni Kelly. Actually, curious ako masyado sa lovelife ng babaeng ito.

Marrying My Boss [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora