Chapter 43: Feelings

247K 4.1K 548
                                    

Chapter 43: Feelings

EUPHY’S POV

“I didn’t know that you came from a religious family, Euphy” komento ng daddy ni Charles.

Tahimik na lang akong tumango. Nahihiya pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi naman ganito yung inakala kong mangyayari. Ano ba yan!

“Alam mo Fr. Ramirez, active ang family namin when it comes on charities. We can help you”

Ang daming unexpected happenings ang nangyari today. And who would have thought, nagkasundo agad ang parents ni Charles at ang Tito ko?

Kung kanina, umuusok sa galit ang Tito ko, ngayon naman eh, wala na. Kalmado na. Tuwang-tuwa na siya ngayon kasi nakahanap ng bagong friends.

Nung sinabi ni Tito na gusto niyang makausap ang parents ni Charles ay agad naman itong tinawagan ni Charles and viola, dumating kaagad sila kasi gusto daw nilang makilala ang kapamilya ko lalo na’t alam nilang ulila na ako sa mga magulang ko.

At nung mag meet silang tatlo ay kung saan-saang kwento na sila nakarating. Naging close agad. Bilis ha!

At sa ngayon, ay di na kami makarelate sa mga pinagkukwento nila. Hay!

“Naku Father, huwag ka nang magalit sa pamangkin mo. Oo nga’t naging rush yung kasal nila pero hindi mo naman sila masisisi ng anak ko, masyado lang nilang mahal ang isa’t isa. Kaya hindi na namin sila pinigilan nung malam naming nais na nilang magpakasal” Para akong mabibilaukan nang sabihin iyon ng Mommy ni Charles. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Tito.

“Wala na akong magagawa. Nandyan na eh.” Huminga na lang siya ng malalim.

“Balae naman, may magaganap pang church wedding. Ikaw siguro ang hinihintay nila kaya sa huwes muna sila nagpakasal. Pero gusto ko pag maganap yung church wedding, bonggacious na!” Tuwang-tuwa na sabi ng mommy ni Charles.

Napailing na lang ako. Paano pa ako makakalusot kung si Tito ay mukhang convinced na? Sinasabi ko na nga ba eh, dapat nung una pa lang ay hindi na ako pumayag nang hindi magkagulo ang nananahimik kong buhay.

Isa pa, naiinis rin ako kay Charles. Kanina pa siya nakangiti! Wala ba siyang problema? Hindi niya ba pinoproblema ang problemang ito? Kung tutuusin, siya ang nagpasimuno ng lahat ng ito. Pinilit niya akong magpakasal sa kanya, ngayon tuloy ako ang natalo. Tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.

At natatakot na ako. They’re already expecting a church wedding. Paano na naming sasabihin ang totoo? At sa tingin nila papaya ako na magkaroon ng church wedding? Mangangako kami sa harap ng Diyos ng walang hanggang pag-ibig kung sa katotohana’y ako lang nagmamahal?

“Excuse me ho, CR lang ako” At  lumabas ako papuntang CR. Para kasing hindi ako makahinga sa loob kaya napag-isipan kong lumabas muna.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon