Chapter 49: Face Off

196K 2.7K 62
                                    

CHAPTER 49: Face Off

 

 

 

KELLY’S POV

 

 

Ano ba naman yan! Day off daw yung mag-asawa ngayong araw na ito. Ayos din ang trip nila ah. Ano bang meron ngayon at naisipan nilang mag absent? Baka naman gumagawa na sila ng pamangkin ko. Ayos din ‘yon.

On second thought, maganda ngang wala sila rito eh. Tinataguan ko kasi si Kuya dahil sigurado akong nakarating na sa kanya ang balitang nakipag-away ako kay Alice kahapon. Ayaw pa naman nun na nakikipagbakbakan ako.

Actually si Euphy lang naman ang gusto kong makita. Hanggang ngayon kasi di ko pa rin naibibigay sa kanya yung gift ko. Plano ko sanang pumunta sa bahay nila kaso huwag na muna, di pa ako ready na makaharap si Kuya.

Nung lunch na ay naisipan kong lumabas na ng opisina. Nakakastress talaga ang mga office works na yan. Maghahalf day na muna ako ngayon total wala rin naman sina kuya. Kung nagpapakasaya sila eh di dapat magpapakasaya rin ako. Gusto ko munang malibang ngayong araw na ito.

Kaya naman ay nagpunta ako ng mall. Kumain ako ng lunch ko sa Greenwich ng mag-isa kahit medyo nakaka-OP kasi puro mga couples ang mga kumakain. Pero okay lang. Maghihiwalay din ang mga yun. Hahaha.

After kong kumain ng lunch ay naisipan kong manood ng movie ng mag-isa ulit. Loner ako ngayong araw na ito eh, anong magagawa ko? Naisipan ko na cartoon na lang papanoorin ko kasi alam kong marami na naman ang mga couples ang manonood dun sa kabilang sinehan. Romance eh. Tsk tsk.

Matapos kong manood ng sine ay nagshopping na lang ako. Kung anu-ano ang nabili kong damit hanggang sa napadaan ako dun sa section ng mga underwears.

Nagtingin tingin ako dun ng mga underwears. Napangiwi na lang ako nang makita ko yung ibang mga design lalo na yung mga very sexy na halos wala nang maitago. At the end, nakapili rin ako. Babayaran ko na sana sa counter nang paglingon ko ay nakita kong may lalaking nakatayo sa harap ko at nakangiti.

“Anong ginagawa mo dito?” With matching taray effect.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagsalita pa ito ng kalokohan.

“So, dito ka pala bumibili ng mga underwears mo? Magkano naman?” Tapos kinuha niya yung ilan sa hawak kong bra. “Wow. Push up bra? Sa tingin mo bagay ‘to sayo eh wala ka namang hinaharap” At tumawa siya ng nakakaloko.

Bigla kong inagaw sa kanya yung bra. Ako naman ay namumula sa hiya. How dare he! Aaargh!

“Pwede ba Henry! Huwag mo kong pakialaman! At ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?!” I glared at him.

“Sinusundan ba ang tawag dun sa taong aksidente ka lang na nakita habang busy na pumipili ng mga bra?” At ngumiti na naman siya ng nakakaloko!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon