Chapter 42: Euphy's Uncle

257K 3.6K 321
                                    

Chapter 42: Euphy's Uncle

EUPHY'S POV

2 hours.

2 hours nang lutang ang isip ko sa mga nangyayari. One hour na lang at magkikita na kami ng tito ko. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?

Syempre, una sa lahat sasabihan ko siya ng 'hi', 'hello', 'I miss you' at 'kamusta!'.

Eh pagkatapos nun? Tatadtarin na ako nun ng kay dami daming tanong tungkol sa buhay ko. Paano ko iuungkat yung tungkol saamin ni Charles?

Hay life! Natatakot akong makaharap siya pero at the same time namimiss ko na siya. Siya ang tumayong magulang ko nang mawalan ako ng mga magulang kaya mahal na mahal ko siya. Kaya talaga natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang kasal na ako.

Akala ko naman kasi next year pa yun uuwi. Eh bakit napaaga?

Aaaah!!! Ano nang gagawin ko?

Sinadya ko talagang tapusin yung mga ginagawa ko para makaalis ako ng maaga to meet my uncle. Si Charles naman, ayun, hindi lumalabas ng opisina niya. Malay ko ba dun. Mukhang badtrip talaga! Aba'y bahala rin siya sa buhay niya.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito at binasa ko yung text.

From: Tito

Nandito na ako sa meeting place natin. Nasan ka na? Miss na miss ko na ang pamangkin ko kaya pumunta ka na dito. Marami tayong pag-uusapan.

"Marami tayong pag-uusapan" nasambit ko nang mahina ang huling pangungusap sa text niya.

Ang aga niya naman. Excited na makita ako.

Kinabahan na naman ulit ako. Marami nga kaming pag-uusapan at marami nga akong dapat ipaliwanag. Alam niya na kaya? Sinabi kaya sa kanya ni Joseph? Pero hindi naman diba kasi nangako sa akin si Joseph na hindi siya magsasalita about dun.

Si Joseph naman kasi eh, hindi man lang tumatawag at sabihing nandito na si Tito.

Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko makontrol tong bilis ng tibok ng puso ko.

Kaya naman linigpit ko na yung mga gamit ko at kinuha ko na yung bag ko. Aalis na ako upang makipagkita sa tito ko. Hindi ko rin sinabi kay Charles yung tungkol sa pagdating ng tito ko. Ayokong malaman niya. Natatakot talaga akong makitang magkaharap sila.

Di pa nga ako nakakalabas ng pintuan, nanginginig na ako. Lalabas na sana ako nang maalala kong hindi ako nagpaalam sa boss ko kaya naman pinasok ko ang opisina niya.

Naabutan ko siya dun na hawak ang ballpen at may binabasang papeles. Napatingin naman siya sa gawi ko nang makitang pumasok ako.

"Aah... Sir.."

"Ano?" tanong nito sakin. Wow ha, tingin pa lang niya parang matutunaw na ako. Kung galit siya, fine! Eh di galit rin ako. Kailangan ko lang talagang magpaalam sa kanya.

"May pupuntahan lang po akong napakaimportanteng bagay kaya kung mararapatin po sana ay mauna na akong umalis. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako makikipagdate kung yan ang inaakala niyo. Importanteng bagay lang po itong pupuntahan ko. Huwag mo na rin ho akong hintayin at uuwi rin lang naman ako" Dire-diretso kong sabi sa kanya. Bago pa man siya makapagtanong ay umalis na ako ng opisina niya. Nagmadali rin akong umalis sa pinagtatrabahuhan ko para hindi ako maabutan nun. Malinaw ko namang sinabi sa kanya ang lahat. Tingnan niya lang kung hindi siya maniniwala sa akin.

Bigla naman akong pumara ng taxi at tumungo na sa restaurant kung saan kami magkikita ni tito. Sinabihan ko kasi siyang sa isang restaurant na lang kami magkita kung saan pwedeng makapagpareserve ng private dining room para buwelo kaming makapag-usap.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon