Chapter 36:Meeting Them

304K 3.5K 266
                                    

Dedicated to: SweetAdmirer. Sya yung gumawa nung new cover. Ganda nu?

Chapter 36: Meeting Them

EUPHY’S POV

 After a week..

Dug dug. Dug dug.

Naririnig ko na ang malakas na tibok ng puso ko.  Kung pwede lang magback out ngayon, aba’y ginawa ko na! Kaso hindi pwede eh! Magalit pa sa akin tong katabi ko.

“Were here” Sabi ni Charles. Omg! My God, ayoko na sumama sa kanya.

“A-ah, Charles. Pwedeng umuwi na lang tayo?” Tanong ko sa kanya.

He just smirked. “Kung kelan nabilhan na kita ng damit at naayusan ka na saka ka pa magbaback out. Nandito na tayo, harapin na lang natin sila” Dire-diretso niyang sabi.

Lumabas na siya ng kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa braso niya habang naglalakad kami papasok sa lugar kung saan ipagdaraos ang isang malaking party. Naku! Kinakabahan talaga ako.

“Are you nervous?” Tanong sakin ni Charles.

“Syempre” Mahina kong sagot habang nakayuko. Kinakabahan talaga ako.

“Bakit naman? I’m pretty sure that they will like you” Saad niya.

Today is the 28th wedding anniversary of Charles’ uncle which is the brother of Charles’ mom. So that means makikilala ko ang mga relatives ni Charles sa mother side niya.

Actually wala naman talaga akong balak sumama kaso itong si Charles namimilit. Wala na akong nagawa nung hinila na niya ako papuntang salon para ayusan at pinasuot ng formal dress and viola nandito na kami.

“Don’t worry too much, you look beautiful” Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Charles. Halos hindi ko na rin siya matingnan sa mga mata. Ang lapit lapit niya rin sa akin. Feeling ko namumula ako. Ah basta, parang nagtatalon sa tuwa ang puso ko nang marinig yung sinabi.

Dammit Euphy. Stop imagining things.

“Charles? Is that you?” May narinig kaming boses mula sa likod kaya lumingon kami at nakita nga namin ang isang lalaking nasa edad 30 plus ang naglalakad papunta sa amin.

“Hey, Jay! It’s you!” Bati naman ni Charles.

“Ako nga. Binatang binata ka na talaga. So, who’s this beautiful lady with you?” Tanong niya habang nakaturo sa akin.

“Oh, this is Euphy, my wife” Pagpapakilala sa akin ni Charles at nagulat naman ito.

“Your wife? So the rumor is true that your already married?!” Bulalas na sabi ni Jay.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon