Chapter 62: Forever

191K 3.4K 325
                                    

January 2013 nung ipost ko dito sa watty ang first chapter ng MMB kaya HAPPY 2ND ANNIVERSARY MARRYING MY BOSS! Akalain niyo yun, two years na di ko pa rin tapos. Si author kasi ang tagal mag UD palagi! >.<

 

**************************************

Chapter 62: Forever

Ilang minuto na akong naglilinis nang lingunin ko ang lugar nina Charles at nagulat na lang ako nang kumpol kumpol na ang mga babae doon.

Yung totoo? General cleaning ba to o general meeting ng mga babae?

Medyo lumapit ako sa lugar nila para mapakinggan ko ang pinag-uusapan nila. Napansin ko rin na busy sa pagbubuhat si Charles kasama ng ibang lalaki ng mga sakong hindi ko alam ang laman samantalang may mga babaeng sunod ng sunod sa kanya.

"Charles, gusto mo punasan ko yung pawis mo?" tanong nung isang nagpapacute.

"Wag na. Ayos lang ako" sagot niya naman.

"Ang gwapo mo! Anong sikreto mo?" tanong din nung isang malandi.

"Ipinanganak na akong ganito eh" ang hangin ng sagot niya pero ang mga babae ay nagtitilian.

"May girlfriend ka?" tanong naman nung isa.

"Wala" at ngumiti siya ng malawak samantalang sobrang nagtitilian naman ang mga babae.

Sa init ng ulo ko ay bigla akong lumapit sa kanya at kinabig ang balikat niya. Buti na lang wala siyang buhat na sako.

"Anong sabi mong wala kang girlfriend?" nagpupuyos kong galit sa kanya.

"Wala naman talaga ha" sabi niya. Nagtawanan naman ang mga babae sa harapan ko. Nagpalinga linga naman ako at buti na lang wala pa si Tito. Umalis muna siya saglit kasi gusto daw siyang makausap nung barangay captain.

"Anong wala? Girlfriend mo kaya ako!" sigaw ko kay Charles. Nagtawanan naman yung mga babae kaya parang namula ang pisngi ko.

"Miss, sinabi niya na kasing wala siyang girlfriend. Nag-iilusyon ka naman"

"Hindi ah." Sabat ko. Ready na sana akong sumugod nang pigilan ako ni Charles kaya umalis na lang ako. Bwisit! Kung pinapasakitan niya ako, aba,effective siya kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis.

Mahigit dalawang oras ang lumipas nang huminto na kami sa ginagawa namin at kasalukuyan na kaming nag iisnak. Bumalik na rin si Tito kaya pinakita ko na lang sa kanya na parang walang nangyari. Busy pa rin si Tito kasi ang daming kumakausap sa kanya kaya loner type ako ngayon. Habang dikit ng dikit pa rin kay Charles ang mga babae.

"Araw araw ka bang nag eexercise? Ang ganda kasing tingnan ng muscle mo eh" ngumiti naman si Charles.

Kanina ko pa gustong manabunot pero hindi ko magawa. Maya-maya ay may lumapit sa akin at sinabing umalis na daw si Tito dahil may sakitin daw na matanda na gustong magpakumpisal. Bilin ni Tito na umuwi na lang kami ni Charles.

Napag-isip isip ko na umalis na rin kasi tapos na rin lang naman akong kumain. Lumapit ako kay Charles.

"Aalis na ko kasi umalis na si Tito. Umuwi ka na lang pagkatapos mong kausapin mga babae mo" sabi na medyo nilakasan ko.

"Ok" yun lang? Yun lang ang sagot niya? Bahala siya.

"Yun yung asyumerang babae kanina diba?" sabi nung isang babae at nagsitawanan naman yung iba.

Tiningnan ko sila ng matalim na tingin lalong lalo na si Charles.

"Hindi ko naman talaga siya girlfriend" at lalong nagsitawanan ang mga babae. Aaaaarrrggghh!!! Sobra na akong napapahiya dito.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon