Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend

387K 4.7K 168
                                    

Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend

Sir Charles on the right side-à

EUPHY'S POV

Matapos ang sagutan namin ni Sir sa kwarto niya, hindi ko na siya inintindi. Pakabihis ko, diretso na akong umuwi sa bahay ko. Buti na lang at hindi na umuulan, hindi na rin baha sa tulay na dinadaanan ko. Nag taxi na lang ako pauwi. Ayoko siyang makausap.

Iniisip ko pa rin yung mga nasabi nya. Ba’t niya kailangan ng girlfriend?

At saka diba may fiancé yun?

T-teka, naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May fiancé si Sir pero gusto niyang magpanggap ako bilang girlfriend niya. Bakit naman? Siguro ayaw niya sa Alice na yun. Eh kung ayaw niya, bakit niya niyayang pakasalan?

Enough na nga! Sumasakit ang ulo sa mga iniisip ko!

AT HINDING HINDI AKO PAPAYAG SA GUSTO NI SIR! Akala niya ha! May nalalaman pa siyang ibibigay ang lahat ng gusto ko basta pumayag lang ako. Ayoko nga.  Kahit may mga gusto akong mabili, hindi ako papayag. Mas maganda pa rin na pinaghirapan mo yung ipambibili mo.

Saka baka ikulam pa ako ni Alice pag nagkataon.

.

.

.

Umaga pa naman. It’s 9am in the morning. Mamaya na lang na hapon ako papasok sa office. Ayoko muna makita pagmumukha ni Sir. Eh ano naman kung pagalitan niya ako at paalisin sa trabaho. Mas maganda nga yun, makakalaya na din ako sa wakas.

Matutulog muna ulit ako. Sana mawala na itong pagka bad trip ko kapag nagising na ako.

.

Nagising ako ng mga bandang 11am. Naghanda na ako sa pagpasok ko sa office.

Pagdating ko sa office, nagtrabaho na ako. Nakahanda na sana ako para marinig ang sigaw at sermon niya pero wala. Buti na lang. Hindi kami nagpapansinan, o baka ako lang ang ayaw pumansin sa kanya. Kung mag-uusap man kami, yun ay tungkol lang sa mga iuutos niya at sa mga paper works. Nothing more.

“Ms. Ramirez” Naramdaman ko na lang na nasa harap ng table ko si Sir.

“Yes Sir? May ipag-uutos pa po ba kayo?” Tanong ko sakanya.

“Actually, no. Can we talk about what happened this morning” Ayoko nga maalala yun tapos ioopen niya yung topic.

“Sir, sinabi ko naman na ayaw kong magpanggap bilang girlfriend mo” Ayoko nga kasi gusto ko totoo.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon