Chapter 37: The Past

306K 3.7K 493
                                    

Hello guys! Sorry dahil hindi na naman ako nagparamdam nitong nakaraang buwan. Ang dami kasing nangyari . Hindi ako makagamit gamit nung laptop at ipad kaya hindi ako makatype ng UD tpos may mga unexpected pang nangyari sa buhay ko. Hindi ko na iisa-isahin. Haha. Ang mahalaga may UD na. Sorry talaga ha!

Dedicated to: BabyLove_eli

 CHAPTER 37: The Past

 

EUPHY’S POV

 

Unti-unting pinapakita nung babae ang kanyang mukha at tumingin ito kay Charles saglit at tumingin ito sa akin.

“Hi!” Bati niya sa akin. Actually, maganda siya, magandang maganda. Pero mukhang nakita ko na itong babaeng ito. Pamilyar ang kanyang mukha pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

“Teka, mukhang nakita na kita. Tama, ikaw nga yung babae sa grocery na nakita ko. Remember me?” Inalala ko naman yung sinabi niya and oo nga pala. Siya yun! At si Kevin, siya yung asawa niya. Kaya pala unang kita ko pa lang kay Kevin ay parang pamilyar na ito.

“Siya yun?” Tanong ni Kevin.

“Oo” Sagot naman ng babae sa kanya.

Magtatanong pa sana ako sa kanya nang bigla na lang akong hilahin ni Charles palayo.

“Halika na” Sabi nito sa akin. Magpupumiglas pa sana ako nang diretso niya na kong hilahin nito.

“Ano ba. Ayan ka na naman sa panghihila na yan! At isa pa, ang bastos mo, may kausap pa tayo oh!” Sigaw ko sa kanya. Eh bastos na bata! Nakita mong may kausap, saka saka mo na lang iiwan? Gusto ko pa nga silang makausap.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay hindi siya nagsasalita. Ang sarap bugbugin ng lalaking ito. Kanina pa siya mula nung umalis kami sa party.

“Get in” Binuksan niya yung pintuan sa katabi ng driver’s seat. Pero imbes na pumasok doon, binuksan ko yung pintuan sa likod ng kotse at doon ako pumasok. Dito ako uupo. Bahala siyang magmukhang driver. Kaya bago pa man siya umangal ay nagsalita na ako.

“Sa ayaw at sa gusto mo, dito ako sasakay” Maawtoridad kong sabi sa kanya. Bakit, siya lang ba ang may kayang mag galit-galitan?

Bale ganun nga, umupo ako dun sa likuran habang siya naman ang nasa unahan at nag dadrive. Tahimik nga kami, ayoko siyang kibuin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga masasakit na sinabi niya kanina.

Nakarating kami sa condo niya na walang kibuan. Pagkapasok naming doon, saka lang siya nagsalita.

“Huwag na huwag kang makikipag-usap o makipagkaibigan dun kina Kevin” Bigla niyang sabi sakin.

“At bakit naman hindi?! Kung tutuusin mukhang mas mababait pa sila kaysa sayo” Sigaw ko. Tandaan mo Euphy, galit ka pa rin sa kanya.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon