Chapter 55: Run Away

185K 3K 137
                                    

Chapter 55: Run Away

EUPHY’S POV

 

 

“Aray!” bigla na lang akong nagising nang may matigas na bagay ang tumama sa aking ulo. Tiningnan ko naman kung ano ito at nahulugan pala ako ng hilaw na mangga.

Infairness ang sakit nun ah!

Luminga-linga ako sa paligid pagkatapos nun ay bumangon na ako. Nakatulog ako sa ilalim ng punong mangga at sa minamalas ka nga naman ay nahulugan ka pa sa ulo ng bunga nito.

Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon. Nawala rin yung antok ko dahil nakatulog ako. Buti na lang at walang nakapansin sakin dito habang tulog ako dahil baka kung ano pang mangyari sakin.

Kagabi kasi, tumakas ako sa ospital sa oras na ala una ng umaga. Buti na lang at may mga bus pagnagsisidaan kaya madali akong nakasakay sa aking pupuntahan. Buti na lang din at may nadala akong pera. Ilang oras din yung naging biyahe pero hindi ako nakatulog sa biyahe. Ang dami ko kasing iniisip.

Nakarating ako dito kanina ng alas sais ng umaga at dumiretso ako dito sa puntod ng mga magulang ko at dahil sa sobrang puyat ako, nakatulog ako sa tabi nitong puno.

Lumapit ako sa puntod nila. Actually, magkatabi lang ang puntod ni Mama at Papa.

“Good morning Ma, Pa! Pasensya na kung wala akong dalang flowers o kandila. Sorry din kung nagpunta ako dito ng madaling araw. At least nabisita ko ulit kayo matapos ang mahabang panahon” bumuntong hininga ako.

“Buti pa kayo, napakatahimik ng buhay niyo samantalang ako ang gulo-gulo. Sundan ko na lang kaya kayo?” bigla namang may nahulog na mangga sa harap ko. Naku! Buti na lang at hindi sa ulo ko ulit tumama.

Kinilabutan ako.

“Ma, Pa! Huwag niyo naman po akong takutin. Joke lang po yun! Hindi ako magpapakamatay! Promise!” Grabe, hindi ko na nga sila nakikita pero ang lakas pa rin magparamdam.

Bigla na lang akong napangiti kasi alam kong binabantayan talaga nila ako. Never silang nawala sa tabi ko.

Bigla naman akong sumeryoso.

“Miss ko na po kayo. Sana hindi na lang kayo umalis sa tabi ko kasi ang hirap hirap po talaga.” May isang butil ng luha ang bumuhos sa pisngi ko pero bigla ko naman itong hinawi.

“Ano ba yan, nagdadrama na naman ako. Heto na lang, may ikukwento ho ako sa inyo” huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “May nakilala po akong lalaki, sa katunayan boss ko siya. Yung unang tingin ko sa kanya ay napakasungit, napakaarogante at napakayabang pero hindi naman pala. Galit na galit pa nga ako nun eh nung nagsinungaling siya sakin para lang pumayag akong pakasalan siya. Huwag po kayong magagalit ha pagsinabi kong may asawa na ako. Nadala ako sa mga salita niya kaya pumayag akong pakasalan siya”

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon