Chapter 54: Hospital

187K 3.2K 313
                                    

CHARLES’ POV

 

 

Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Napansin ko na lang na nasa ibang kwarto ako. Puting kisame, puting dingding. Maging ang kumot ko ay puti. Doon ko lang narealize na nasa ospital ako. May swero ako sa kanang kamay ko at nararamdaman ko ang sakit sa aking ulo.

Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi. Naaksidente nga pala kami ni Euphy.

Teka. Nasaan si Euphy?

Sinubukan kong bumangon sa kama pero nung nakatayo na ako ay bigla na lang akong natumba kaya dahan dahan akong gumalaw para makatayo. May isang malaking salamin ang nakasabit sa dingding ng kwarto kaya hindi makakaiwas sa paningin ko ang mga sugat kong natamo.

May isang malaking benda sa kaliwang bahagi ng noo ko at may mga galos naman ako sa pisngi. Malala pala yung natamo ko sa aksidente.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.

“Sir, gising na pala kayo. Huwag na muna po kayong gumalaw-galaw at baka dumugo ang mga sugat niyo” inalalayan niya akong makahiga ulit sa kama.

“Diyan lang po kayo at tatawagin ko ang doctor” sabi nito na akmang aalis na pero pinigilan ko ito.

“Miss, gaano katagal na akong walang malay?” tanong ko dito.

“Almost 15 hours na po Sir. Tinurukan rin po kasi kayo ng pampatulog kaya mas lalo pang humaba yung tulog niyo” sagot naman nito.

“H-how a-about my wife?” napalunok ako ng laway. I’m hoping that she’s okay.

“Honestly speaking Sir, nasa isang private room rin po siya ngayon. Mas malala po yung naging damage sa kanya gawa nung aksidente kaysa sa inyo. Malakas po yung naging impact ng pagkakatama ng ulo niya kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Mas marami rin pong sugat ang kanyang natamo. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay and worst… humihina rin yung heartbeat niya” oh shit.

“Dalhin mo ko sa kanya” sabi ko dito.

“Sir hindi po pwede, masyado pang sariwa ang mga sugat niyo. Baka dumugo pa ang mga iyan. Pero kung gusto niyo po tatawagin ko muna ang doctor at baka pwede niya kayong payagan” dali-dali itong lumabas ng kwarto ko.

Sht! What have I done? Masyado akong nadala sa galit kagabi to the point na hindi na ako nag-ingat sa pagmamaneho.

Maya-maya pa ay pumasok na ang doctor at ineksamin ako. Nagtanong ito kung may nararamdaman ba ako kaya sinabi ko ang totoo na masakit ang mga sugat ko. Pinayagan niya naman ako na makita ang asawa ko at may isang nurse ang naghatid sa akin kung nasaan si Euphy.

Pinaalis ko muna yung nurse bago ako pumasok sa  kwarto ni Euphy. Pagbukas ko ng pinto ay para akong nanghina sa mga nakita ko.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon