Chapter 35: LOL

292K 3.2K 248
                                    

Chapter 35: LOL

EUPHY'S POV

"Euphy, eto na nga pala yung mga documents at files na hinihingi ni Sir. Pakibigay na lang sa kanya" Sabi ni Rita, isa sa mga employee ng kumpanya ni Charles.

"Ah, ba't hindi na lang ikaw ang magbigay?" Tanong ko. Bakit ako pa? Pwede niya namang ibigay ng deretso kay Charles.

"Ah eh, kasi.." Tapos tiningnan niya si Charles sa glass through wall at kitang kita namin ang kurot nitong noo habang may kausap sa phone.

Tsk tsk. Mukhang bad trip na naman ang isang 'to.

And by the looks of Rita, mukhang natatakot itong lumapit sa kanya at baka mapagbuntunan pa siya ng galit.

"Euphy, please, ikaw na magbigay nito sa kanya. Tutal ikaw naman ang asawa niya. Saka marami pa akong gagawin" At nilapag nito yung mga folder sa mesa ko at dali-daling lumabas.

Haist! No way! Wala akong choice kundi ako ang magbibigay nito sa kanya. Naku! Mukhang badtrip pa naman ang taong yun. Si Rita naman kasi eh!

Kaya ang ginawa ko ako na ang nagbigay nung mga folder kay Charles este--Sir. Dapat Sir ang tawag ko sa kanya dito sa opisina.

Kumatok ako. Dirediretso ako sa table niya at linapag ko na yung mga folder. Badtrip nga siya pero buti na lang hindi niya ako napagbuntungan ng stress niyay

"Sir, heto na daw po yung mga hinihingi yung files at documents. Kumpleto po yan" Aalis na sana ako nang tawagin niya ako.

"Wait Euphy"

"Yes Sir?"

"May ipapagawa ako sayo" He acts proffesional every time he's on office. Di mo yan pwedeng mapagtripan or what-so-ever.

"What is it?" Tanong ko.

"You have to make a slideshow for my powerpoint presentation tomorrow" At may iniabot pa siyang mga papel sa akin. Format siguro.

"Okay Sir!" Hahakbang na sana ako palabas ng opisina niya nang may maalala ako. Kaya bumalik ako sa harap niya.

"Ah Sir. May konting problema kasi eh. Sira yung pc ng cubicle ko" Totoo yun. Kaninang umaga lang nung buksan ko yung computer at hindi na mabuksan buksan. Tinawagan ko na rin yung technician pero hindi pa rin dumadating.

"Fine. Use my laptop" At kinuha ko naman yung laptop niya. Bait ha, nagpapahiram na siya ng laptop ngayon. Hihihi.

Pag-upo ko sa cubicle ko, inopen ko na yung laptop niya at nakita ko naman sa tabi ng mesa ko yung brown envelope na binigay sakin ni Kelly kaninang umaga. Kinuha ko ito at binuksan para malaman kung anong lamang nito.

And my oh my golly wow! Walanjo na Kelly na iyon!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon