Step - 18.

1.8K 73 19
                                    

I tried to chase him when he started to walk away. Tawag ako nang tawag sa pangalan niya pero ayaw niyang lumingon. Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa pagtakbo dahil ang bilis niyang maglakad.

"Dude, mali ang iniisip mo. Sana makinig ka muna sa paliwanag namin ni Aly," pakiusap ni Kiel nang abutan niya si Enz sa labas ng compound.

Sumunod siya sa akin dahil gusto niya rin daw magpaliwanag kay Enz kahit na para sa akin, wala naman siyang ginawang mali.

"Enz, please naman, don't get it all twisted," pakiusap ko at sinubukan kong hawakan ang pulsuhan niya nang makalapit ako pero iniwas niya agad 'yon. "Enz, uy..."

"Dude..." tawag ni Kiel at sinubukan niya ring lapitan si Enz pero itinulak siya nito.

"Don't call me that," mariin at seryosong sabi ni Enz. "We're not friends."

"Wala naman siyang ginagawang masama, Enz. 'Wag ka sa kanya magalit," depensa ko at pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Let's talk about this."

"Wala? Really, Aly?" sarcastic pa siyang tumawa at umiling. "I can't believe you."

"Hindi ako nandito para manggulo," depensa naman ni Kiel. "Kung wala kang tiwala sa akin, naiintindihan ko. Pero sana makinig ka kay Aly."

"Stop trying to fix us. Ito naman ang gusto mo, 'di ba? Bahala kayo," galit na sabi ni Enz at mabilis niyang pinara ang tricycle na dumaan.

"Enz! Enz, ano ba!"

Hinila ko ang luggage niya at pinigilan ko siyang 'wag sumakay sa tricycle pero dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko at pagod niya akong tinignan.

"Tama na, Aly. We can't make this work. I'm sorry," sabi niya pa at dire-diretso siyang sumakay sa tricycle.

"Manong, para!" sigaw ko sa mga dumadaang tricycle. I have to follow Enz, I have to fix this.

Sinubukan kong pahintuin lahat ng tricycle na dumadaan pero lahat sila, may sakay na. Para na akong mababaliw dahil wala akong magawa para mahabol ko si Enz.

Kailangan kong magpaliwanag, gusto kong maintindihan niya ang sitwasyon. Na wala siyang kailangang isipin sa pagitan namin ni Kiel.

"Manong, ano ba!" inis na sigaw ko. Muntik na akong mahagip ng isang tricycle kaya hinila ako ni Kiel na kanina pa nanunuod sa akin.

"Aly! Magpapakamatay ka ba?!" sigaw niya. "Hayaan mo munang mawala ang init ng ulo ni Enz kung gusto mo siyang kausapin," mas kalmado niyang sabi at mahina ko namang inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya habang nakatalikod pa rin ako.

"Aly..." Sinubukan niyang iharap ako sa kanya pero nagmatigas ako. "Umiiyak ka ba?" tanong niya at sapilitan niya akong hinarap sa kanya.

"Kiel... I can't lose him," mahinang sabi ko at itinakip ko ang palad ko sa mukha ko. "I don't want to."

"Tahan na," pagpapakalma niya sa akin. "You're not going to lose him, okay? Mahal na mahal ka nun."

"Mahal ba talaga niya ako kung papakawalan niya lang ako ng ganito?" humihikbing tanong ko habang hawak niya ang magkabila kong pisngi. "Pagod na yata siya. Pagod na yata siya sa pag-intindi sa akin."

"He loves you too much and maybe that is why he is willing to let you go over and over again. Siguro, sa tingin niya, sa akin ka pa rin mas magiging masaya," sagot niya at malungkot siyang ngumiti. "Ang tanga ni Enz kapag talagang pinakawalan ka pa niya. He's too blinded by his insecurities that's why he can't see that he is the one who can truly make you happy."

"Kaya nga kailangan may gawin ako. Kailangan ko siyang puntahan. I can't let him dwell on those insecurities alone, Kiel. Ayokong maniwala siya sa mga iniisip niyang hindi naman totoo. Ayokong hayaan na magdalawang isip siya sa pagmamahal ko kasi noong hindi ko mahanap ang sarili ko, hindi siya nagdalawang isip sa akin," paliwanag ko at muli kong sinabukang maghintay ng tricycle.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon