Chapter 91

19 1 1
                                    

Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.

7:30 PM

Tinawagan agad ni Czheandrei si Ma'am Sheiana upang mapabilis ang request nito tungkol sa reward niya.

Nandito kami sa may Student Court Room na malapit sa Principal's Office.

Dito nagaganap ang hearing ng mga estyudyante kapag may nilabag sila sa mga panuntunan ng paaralan.

Napangiti ako nang makita ang Principal at mga officials ng paaralan na kasama si Ma'am Sheiana.

Our chess pieces really did a great job in this mission.

I am the vision.

The queen.

No one can't cancel us.

Not even the traitors.

Naalala ko ang mga plano namin bago mangyari ang pag-atake sa akin ng mga traydor.

Flashback

Bumaba na si Ma'am Sheiana papuntang faculty.

Noong kami-kami na lang ang tao sa loob ng Student Council Office ay doon na namin sinimulan ang plano namin laban sa mga traydor.

"Ngayong hapon, inaasahan ko ang pag-atake ng mga traydor sa akin kaya nakaisip na agad ako ng plano para sakanila." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Anong gusto mong gawin namin Pres?" mausisang tanong ni Danerie sa akin.

"Ako ang gagawa ng play, kayo sa execution. Si Czheandrei ang magha-handle sainyo kung ano ang mga magiging galaw niyo sa mga kalaban." nakangiting sagot ko kay Danerie.

"Matagal na namin itong pinaguusapan ni Adri pagkatapos nating manalo sa eleksyon. Sa mukha pa lang ng mga taong iyon, halata mong hindi tumatanggap ng pagkatalo." nakangiting sabi ni Czheandrei sa aming lahat.

"Ganito ang magiging plan, magiging pain ako ng team. Simple lang, alam kong ito-torture nila ako para bumaba ako sa pwesto ko. Hayaan niyong ipamukha nila sa akin ang pagkanalo nila sa pagpapahirap sa akin at saka kayo sasalakay." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Saan bang parte ng school na madalas ay madilim na lalo na kapag hapon na at hindi mo na makikita kung sino ang mga taong naroroon?" nakangiting tanong ni Czheandrei sa aming lahat.

"Sa likod ng gymnasium." nakangiting sagot ni Edward.

"Gotcha! Sigurado akong doon nila ako dadalhin para walang makapansin ng gagawin nila sa akin dahil wala namang madalas na nadaan doon diba?" nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Kailangan pa natin ng isang kasabwat para magawa ang plano na ito, isang estyudyante rin mula sa school natin." nakangiting sabi ni Czheandrei sa aming lahat.

"May kilala ako, late na rin siya nakakauwi dahil kailangan pa nilang mag-lab dahil may mga ite-test silang mga organisms. It's either sa hayop o tao." nakangiting sagot ni Vee kay Czheandrei.

"Ayun! Isa siya sa magiging susi sa pag-trigger nila sa pag-atake. Malapit ang gymnasium sa faculty kaya mabilis lang natin magagawa ang plano na ito." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

Pinatawagan ko kay Vee ang estyudyante at mabilis naman na ang pumayag ang kakilala niya sa gagawin naming plano.

"Kiel at Edward, kayo ang magha-handle ng mga computer systems natin at flash drives dito sa Student Council Office na gagamitin natin para sa mga ebidensiya pagdating natin sa Student Court Room. Siguraduhin niyong makukuha niyo lahat ng impormasyon ng bawat detalye." malumanay na utos ko kay Edward at Kiel.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon