Chapter 42

20 9 1
                                    

7:46 PM

"Paano mo nalaman ang bahay namin?" nagtataka akong tumingin kay Trevyn.

Ngumiti lang ito sa akin at tinuturo ng mga titig ni Trevyn ang direksyon ni Kuya.

Isa-isang lumabas ang mga taong pinakamamahal ko.

Lumapit sa akin si Mommy. Nag-mano si Trevyn kay Mommy at niyakap ako. May hawak siyang isang sunflower na kaagad niyang iniabot sa akin.

"Anak, dalaga ka na talaga! Bawal muna ang boyfriend ha? Magagalit si Daddy HAHAHAHA!" natatawang biro sa akin ni Mommy.

"Mommy naman! Nakakahiya, ang daming tao!" saway ko sakaniya.

Nagtawanan lahat ng tao na nakapaligid sa amin. 

"Ayaw mo nun anak? Isa na ako sa mga cool Mommy sa mundo!" natatawang hirit pa ni Mommy.

"Mommy stop na!" sinamaan ko ng tingin si Mommy at bumaling naman ang tingin niya kay Trevyn.

"Trevyn, ikaw na ang bahala sakaniya." tapik ni Mommy sa balikat ni Trevyn.

"Dating gawi Tita, ako na ang bahala sakaniya. Wag kayong magalala." nakangiting sabi ni Trevyn kay Mommy.

"Aba dapat lang no? Tiwala ako sayo, wag mong sirain ha?" nakangiting sagot ni Mommy kay Trevyn.

Nagyakapan kaming tatlo nina Mommy at Trevyn. 

Lumapit naman sa amin si Daddy, may iniabot din siya sa akin na isang pirasong sunflower.

"Anak, malaki ka na. Palagi mong tandaan ang mga paalala namin sayo. Mahal na mahal ka naming lahat." niyakap ako ni Daddy at niyakap ko siya pabalik.

"Mahal na mahal ko din kayo Daddy, the best kayo!" nakangiting sabi ko kay Daddy habang nakayakap ako sakaniya.

Humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Daddy at tumingin ito kay Trevyn.

"Ipinagkakatiwala ko sayo ang anak ko. Sa oras na malaman kong may masamang nangyari sakaniya, ikaw ang mananagot." seryosong sabi ni Daddy kay Trevyn.

"Wag kayong magaalala Tito, ako na po ang bahala sa prinsesa niyo." kabadong sagot ni Trevyn kay Daddy.

Sumunod namang lumapit si Kuya sa amin at inabutan ako ng isang pirasong sunflower.

"Nagda-dalaga ka na nga talaga, masayang-masaya ako para sayo. I-enjoy mo lang ang lahat ng kaganapan sa paligid mo. Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ako ha? Mahal na mahal ka ni Kuya!" nakangiting sabi sa akin ni Kuya sabay yakap sa akin.

Niyakap ko din siya pabalik at ngumiti sakaniya.

Kumalas na siya sa yakap namin at umakbay kay Trevyn.

"Maraming salamat dahil hinayaan mo na maging parte kami ng surpresa mo sa kapatid ko. Nararamdaman ko ang saya sa puso niya." nakangiting sabi ni Kuya kay Trevyn.

"Walang anuman Kuya, gusto ko lang punan lahat ang mga nawalang sandali sa aming dalawa. Hayaan niyo akong patunayan ang sarili ko upang maging karapat-dapat sa kaniya." nakangiting sabi ni Trevyn kay Kuya.

Matapos ni Kuya magbigay ng message ay sumunod naman ang tatlo na babaeng pinakamamahal ko.

Lumapit sa akin si Nicole, Ysabel at Chezka pagkatapos ay isa-isang nag-abot ng sunflower sa akin.

"Hello girl! Bilang bestfriend mo ng ilang taon, nakita ko ang pag-bloom mo bilang isang babae. Ngayon, masayang-masaya ako para sayo dahil natupad na ang isa sa pinapangarap ng puso mo. Ang makita ang kababata mo." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon