Chapter 9

177 112 11
                                    

7:30 AM

Nagising ako sa sinag ng araw nang hawiin ni Mommy ang kurtina sa aking kwarto, napakusot muna ako ng aking mga mata bago bumangon sa aking pagkakahiga.

"Good morning anak! Bumaba ka na sa dining room para kumain, naghanda na ako ng almusal natin. Maagang umalis ang Daddy at Kuya mo, may kaniya-kaniyang lakad yung dalawa." nakangiting bati sa akin ni Mommy habang inaayos ang kwarto ko.

"Ano daw po ang kailangan nilang lakarin Mommy?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

"Yung Daddy mo, kailangan daw siya sa opisina. Yung Kuya mo, kailangan niya daw asikasuhin yung mga templates nila para sa course niya." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Sabado ngayon ah, bakit nasa opisina pa rin si Daddy? Mommy diba rest day niya ngayon?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

"Babalik din mamaya ang Daddy mo, wag ka ng mag-aalala masyado sakaniya okay?" nakangiting pagpapagaan ng loob ni Mommy sa akin sa pagaalala ko kay Daddy.

Tumunog ang cellphone ko dahilan na may nagtext sa akin. Sino naman kayang ganito kaaga magtetext sa akin?

Nicole

Text Message

6:30 AM

Free kami ngayon ng kapatid ko, ngayon nalang kaya natin siya igala?

Kaagad naman akong nagreply rito.

6:35 AM

Natanong mo na ba yung dalawa about dito and nag-agree na ba sila?

Kaagad akong bumangon at nagpunta ng cr. Naghilamos ako at nag toothbrush ng ngipin ko para fresh ako today pagkatapos noon ay kinuha ko na ang phone ko at dinala ito sa pagbaba papuntang dining room.

"Anak, may lakad ka ba mamaya? Papasama sana ako sayo ngayon mamalengke. Wala kasi si manang, umuwi muna sakanila." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Mommy di ko pa po sure eh, si Nicole po kasi nagtext na sa phone ko na nagaaya na ngayon na namin igala si Nathan kasi nung nasa ospital po kami ay nangako po kami nina Nicole na igagala namin siya kapag nagpagaling siya agad." nakangiting paliwanag ko kay Mommy.

"Ah ganun ba? Sige ako nalang ang pupunta ng palengke, sumama ka nalang sakanila. Nakakrompomiso ka na pala." nakangiting sabi ni Mommy ngunit bakas ang pagkalungkot at pagkadismaya sa kaniyang mga mata.

"Mommy maaga pa naman po, gusto niyo samahan ko po muna kayo tapos after natin mamili tsaka po ako sasama sakanila. Pwede pa naman namin igala si Nathan kahit makatanghalian po." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Sigurado ka ba anak, hindi ba magtatampo yung mga kaibigan mo kapag hindi ka agad sumama sakanila?" nagaalalalang sabi ni Mommy sa akin.

"Mommy, alam mo naman na ang mga napagdaanan naming apat simula nung mga bata pa lang kami diba? Kaibigan ko sila, maiintindihan nila yon." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"O siya siya, anong gusto mo maunang kainin sa mga hinanda ko?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Yung waffle nalang mi para hindi masyadong mabigat ang kakainin ko para naman makakain pa ako mamaya sa kakainan namin nina Nathan sa gala namin." nakangiting sagot ko kay Mommy habang linalagyan niya ako ng waffle sa plato.

Kumuha naman ako ng butter at syrup at siyang nilagay ko doon. Nagumpisa na kaming kumain ni Mommy nang magtext ulit si Nicole sa akin.

Nicole

Text Message

7:00 AM

Oo, nag-agree na silang dalawa sakin. Ikaw ba?

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon