Chapter 38

18 10 0
                                    

11:19 AM

Danerie James Del Rosario
• Active Now

Danerie: Matagal na akong nadevelop sakaniya. Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng ibang tao sa amin. Ang mahalaga, siya at ako. Kaming dalawa. Madalas kapag sinasabi ko kay Vee na mahal ko siya o pinaparamdam ko sakaniya, ayaw niyang maniwala.

Adrixeinna: Willing ka bang i-take risk ang friendship niyo kung sasabihin mo ang nararamdaman mo para sakaniya?

Danerie: Minsan lang ako mabuhay, susulitin ko na. Gusto kong matatatak sa utak ni Vee na kamahal-mahal at karespe-respeto siya maging ano man ang kasarian niya.

Adrixeinna: Paano kung gusto ng parents mo na magkaanak ka at magkaroon ng pamilya pero hindi maiibigay ni Vee? Anong gagawin mo?

Danerie: Puso ko ang pumili sakaniya. Vee is a part of me. Kung mahal talaga ako ng parents ko, mamahalin din nila kung sino yung mahal ko. Ever since, supportive naman sila Mama at Papa sa kung anong mayroon kami ni Vee. Kaya ko siyang ipaglaban kung kinakailangan. Hindi ako magdadalawang-isip. She's everything to me.

Adrixeinna: Nakaka-touch ang ganiyang mindset mo DJ! Pinapahanga mo ako! Madalas kapag napamahal ang lalaki sa bakla ay iniisip agad ng tao na pera-pera lang yan. Matindi ang pangangailangan ng lalaki kaya pumatol sa bakla. Pinatunayan mo sa akin na isa ka sa mga matitinong nakilala ko at may paninindigan sa buhay.

Danerie: Walang kasarian pag-ibig. Maging lalaki, babae, bakla, tomboy, bisexual o trans ka man ay may karapatan kang magmahal o mahalin ng isang tao.

Danerie: Hindi nabibili ang puso ko. Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang pagmamahal ko. Hindi mahihigitan ng kahit anong pera ang kasiyahan na magmahal at mahalin. Walang sasapat na kahit anong materyal na bagay sa nararamdaman ko para sa taong pinakamamahal ko. Maging sino o ano man siya.

Adrixeinna: Awww! Sobrang nakaka-proud ang pagmamahal mo para kay Vee. Kung ako sayo, amin-amin din ng nararamdaman. Mamaya-maya ikaw pa ay maunahan.

Danerie: Isa lang ang masasabi ko, habang nabubuhay ako ay ipaparamdam ko at ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal na mahal ko si Vee. My forever. My endgame.

Adrixeinna: Ay teka DJ, si Edward at Kiel kasama niyo din as professional players?

Danerie: Oo, yung tank namin dati si Uncle Eson pero nitong Season 8. Nabago ulit ang roster namin. Naging ako ang jungler, mid lane si Vee, exp lane si Edward, gold lane si Kiel at tank si Hadji.

Adrixeinna: Now I know bakit ang lakas ng influence mo sa mga ABM strand. Imagine, maging kaklase o schoolmate mo ba naman ang mga professional players ng Mobile Legends? Grabe, sobrang solid!

Danerie: Kailangan muna namin makatapos ng Senior High School, sayang yung dalawang taon. Alam mo bang hindi ako dapat tatakbo ng pagiging P.I.O ng Student Council? Yung mga kaklase ko lang ang nagsuggest na malaki daw ang pwedeng mai-contribute ko as Public Information Officer. Hindi ko naman talaga ineexpect na mananalo ako sa election. Wala naman akong connection dito sa mga Taga-Luna.

Danerie: Minsan iniisip ko na binoto ba nila ako dahil gamer influencer ako? Sobrang nagda-doubt ako sa sarili kung kaya ko bang yung ganito kalaking posisyon sa school. Sobrang thankful ako sa mga kasama natin sa SSG Council, lahat may ambag. Walang tapon.

Adrixeinna: Gusto ko lang sabihin sayo na worth it kayong mapabilang sa SSG Council. Hindi naman ako magiging effective na Student Council President kung wala kayo diba? Malaki yung naitutulong niyo sa akin even though nakikita ko na puyat o pagod na kayo kapag may online meeting tayo. Sobrang naappreciate ko lahat ng efforts niyo. Lahat tayo may contribution sa success ng mga school activities natin.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now