Chapter 55

32 5 2
                                    

Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.

3:14 PM

Tinulungan niya akong mag-ligpit ng pinagkainan namin at dinala ito sa lababo.

Hahawakan ko na sana ang sponge para lagyan ng diswashing liquid ngunit inagaw iyon sa akin ni Trevyn.

"Magpahinga ka na lang muna, ako na ang maghuhugas." nakangiting sabi niya sa akin sabay halik sa aking noo.

"Pero bisita kita dito Trev, nakakahiya." namumulang sagot ko sa kaniya.

"For a healthy relationship, give and take. Ikaw ang nagluto, ako ang maghuhugas ng plato." nakangiting sabi niya sa akin sabay pat ng ulo ko.

Naglakad ako papunta sa mga groceries na binili ko kanina.

Kumuha ako ng lemon powder at honey upang ipagtimpla siya ng maiinom pagkatapos niyang maghugas ng plato.

Kumuha ako ng dalawang baso at kinuha ko ang takure. Nilagyan ko ito ng tubig at binuksan ang gasul. 

Binuksan ko ang lemon powder at nilagyan ang dalawang baso. Drinizzle ko naman ang honey sa baso pagkatapos ay pinatay ko na ang gasul para kunin ang kumukulong tubig sa takure.

Kumuha naman ako ng kutsara upang haluin ang lemon powder at ang mainit na tubig.

Sakto! Kakatapos lang niya maghugas ng plato, maaya nga dito sa lamesa.

"Trev, nagtimpla ako ng lemonade with honey drizzle." nakangiting sabi ko sakaniya.

Nginitian naman niya ako at ipinaghila niya ako ng upuan. 

Iniabot ko naman sakaniya ang tinimpla kong lemonade with honey drizzle at nginitian niya naman ako.

"Salamat!" nakangiting pasasalamat niya sa akin.

Tiningnan ko lamang siya habang umiinom ng tinimpla kong lemonade with honey drizzle. 

Pinitik naman niya ang noo ko at tumawa.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, panay pa ang titig mo. May problema ba?" kita ko ang pagaalala ng mga mata niya para sa akin.

"Wala, iniisip ko lang yung mga pangyayari sa buhay ko lately. Nakaka-suffocate!" patawa kong sagot sakaniya.

"Alam kong hindi ka pa ready mag-kwento ng lahat-lahat sa akin, wag kang magalala. Hindi kita pipilitin. It's your privacy, nirerespeto kita." kalmadong sabi niya sa akin at tumayo siya. 

Nilahad niya ang kamay niya sa akin at kaagad kong inabot iyon. 

Kinuha niya ang phone niya at pinindot ang isang voice record upang patugtugin.

Ito ang mga oras na nagkaroon kami ng music bonding ni Kuya.

Nirecord namin ang Dancing Lifetime sa voice recorder niya sa phone.

"Paano mo nakuha yan?" malumanay kong tanong sa kaniya.

"Sinend lang yan sa akin ng Kuya mo, miss na miss ko na kasi ang boses mo." nakangiting sagot niya sa akin.

Tumutugtog na ang voice record at hinawakan niya ako sa bewang. Inilagay naman niya ang kamay ko sa kaniyang balikat upang mag-slow dance kaming dalawa.

Dancing Lifetime by bluereinventhusiast

Verse 1

Isasayaw ka sa ilalim ng maliwanag na buwan

Tanging presyensya mo lang aking nararamdaman

Di mapaliwanag ang damdamin tuwing kasama ka

Di mapakali

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now