Chapter 18

28 18 4
                                    

9:51 PM

"Yes, lahat naman may chance or possibilities eh." nilagay na ni Trevyn ang kamay niya sa Lie Detector Test at hindi siya nakuryente kaya ibig sabihin ay nagsasabi siya ng totoo.

"Kung darating man ang panahon na liligawan mo ang kapatid ko, dadaan ka muna sakin." seryosong sabi ni Kuya kay Trevyn.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya upang mahiya siya sa sinasabi niya kay Trevyn ngunit tinignan lamang ako ng blangko.

"Alam ko po yun Kuya, di naman po ako nagmamadali. I take it slowly but surely." nakangiting sagot ni Trevyn kay Kuya.

"Good. Mag-tapos muna kayo ng pagaaral ninyo. Hindi naman nakakamatay ang pagiging single." seryosong sabi ni Kuya kay Trevyn at tumango lang ito sakaniya.

Pinaikot ni Trevyn ang bote pagkatapos ay natapatan ako pagkatapos ay si Ate Cherry naman ang natapatan nito kaya ibig sabihin ang magtatanong ay ako at ang sasagot ay si Ate Cherry.

"Kung liligawan ka ba ni Kuya, may pag-asa ba siya sayo? Yes or No?" nakangiting tanong ko kay Ate Cherry.

Sinamaan lamang ako ng tingin ni Kuya pero hindi ko iyon pinansin.

Ang mahalaga ay malaman ko ang sagot ni Ate Cherry at kung ito ang paraan ay gagawin ko.

"Yes." ngumiti ako ng marinig ang sagot niya at nilagay na ni Ate Cherry ang kamay niya sa Lie Detector Test at hindi siya nakuryente kaya ibig sabihin ay nagsasabi siya ng totoo.

"Wala bang marunong magsinungaling sainyo? Mukhang matetengga lang itong alak natin ah." natatawang biro sa amin Kuya Zach.

"Kuya Zach bukod sa ayaw namin makuryente ay ayaw din namin ng lasa ng alak. Ayaw lang namin maging KJ kaya sumali kami sa laro. Wala ng thrill kapag hindi kami sumali." natatawang sagot naman ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Oo nga Kuya Zach, ang pangit ng lasa kaya ng alak. Hindi ko nga alam sa mga lalaki kung bakit gustong-gusto niyo ang lasa niyan eh ang pait-pait naman." natatawang gatong pa ni Nicole sa sagot ni Ysabel.

"Well, sa alak kasi yung mga problemang hindi namin malabas sa tao. Sa alak nalalabas namin. Kahit panandalian, nawawala ang mga iniisip namin at nakakagaan ng loob yon. Kapag nagiinom ka, may lakas ka ng loob para sabihin ang totoo mong nararamdaman. May mga tao ngang ginagamit ang alak para maamin nila ang nararamdaman nila o masabi ang totoo." seryosong sabi ni Kuya Zach sa amin.

"Well, hindi ba kayo maguguluhan? Kung sasabihin sainyo ng taong yon ang feelings/katotohanan kung lasing siya? May tama siya ng alak at hindi siya nakakapag-isip ng tama. Wala siya sa tamang huwisyo. Hindi niya kontrolado ang isip niya. Maniniwala ka ba namang totoo lahat ang sinasabi kung lasing siya at wala sa tamang pagiisip?" nakangiwing tanong ni Chezka kay Kuya Zach.

"Well iba-iba naman tayo ng paniniwala, may advantage at disadvantage naman talaga ang pag-inom ng alak. Nasa tao na lang talaga nakadepende kung ano ang mas paniniwalaan niya sa dalawang panig. Kung yung pag lasing ay nagsasabi ng totoo o yung may tama ng alak na hindi mo alam kung paniniwalaan mo dahil wala siya tamang pagiisip o huwisyo." kalmadong sagot ni Kuya Zach kay Chezka.

Pinaikot ni Ate Cherry ang bote pagkatapos ay natapatan si Ysabel pagkatapos ay si Kuya naman ang natapatan nito kaya ibig sabihin ang magtatanong ay si Ysabel at ang sasagot ay si Kuya.

"Lights on or lights off?" nakangiting tanong ni Ysabel kay Kuya.

"Lights on." nilagay na ni Kuya ang kamay niya sa Lie Detector Test at napamura siya ng mafeel niya kuryente sa katawan.

"Woah! Paano ba yan? Nakuryente ka. Gusto mo pala ng madilim ha, ikaw ha! Ayaw mo yung may nakakakita or nakakahuli." mapanuksong sabi ni Kuya Zach.

"Hoy! Wag ka nga. Sadya namang may light ako kapag natutulog." natatawang sagot ni Kuya kay Kuya Zach.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon