Chapter 92

10 1 0
                                    

11:52 PM

Nagising ako sa maputi at maliwanag na mga ilaw.

Lumingon-lingon ako sa paligid upang malaman kung nasaan ako.

Nasa ospital ako.

Bumungad sa akin ang mga pinakamamahal at mahahalaga tao sa buhay ko.

Nandito ang family, friends at si Czheandrei.

"Sa wakas, gising ka na!" nakangiting sabi sa akin ni Czheandrei.

"Ilang oras akong nakatulog?" malumanay kong tanong kay Czheandrei.

"Mga dalawang oras mahigit." kalmadong sagot sa akin ni Czheandrei.

"Anak, nagaalala kami sayo! Hindi ka sumabay sa pag-uwi ng Kuya mo. Gabing-gabi na, wala ka pa sa bahay." nagaalalang sabi sa akin ni Mommy.

"Sorry Mommy kung napagalala ko kayo. Ie-explain ko na lang sayo kapag nakalabas na ako ng ospital." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Anong nararamdaman mo ngayon, may masakit ba sayo?" mausisang tanong ni Daddy sa akin.

"Wala naman Daddy, nanghihina lang talaga ang katawan ko. Napaka-daming nangyari na talagang nakakapagod at nakakastress." malumanay kong sagot kay Daddy.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong ibili kita ng pagkain?" sunod-sunod na tanong ni Kuya Adrixennus sa akin.

"Gusto ko lang ng tubig, nauuhaw ako." malumanay kong sagot kay Kuya Adrixennon.

Kumuha naman kaagad si Kuya Adrixennon ng tubig pagkatapos ay inalalayan akong makainom ng tubig upang mapatid ang aking uhaw.

"Kamusta ka? Nagaalala kami sayong lahat. Mabuti na lang, maayos na ang kalagayan mo ngayon." nakangiting sabi sa akin ni Vee.

"Napasugod talaga kami kaagad ng ospital noong nalaman namin na na-confine ka daw rito." kalmadong sabi sa akin ni Danerie.

"Maraming salamat sa lahat ng efforts niyo. Na-appreciate ko na nagpunta pa kayong lahat para i-check kung ano ang kalagayan ko." nakangiting sagot ko kina Vee at Danerie.

"Sus wala yun Pres! Sama-sama diba? Sa hirap man o ginhawa. Walang maiiwan ng mag-isa." nakangiting sabi sa akin ni Edward.

"Totoo! Sobrang lucky namin na isinaalang-alang mo kaming lahat para lang huwag kaming mapahamak sa misyon." nakangiting sang-ayon ni Claire kay Edward.

"Para sa amin, the best leader ka pa rin talaga!" nakangiting sabi sa akin ni Kiel.

"Anong misyon?!" naguguluhang tanong ni Mommy kay Claire.

Tiningnan ako ni Claire at sumenyas ako gamit ang aking mata na huwag niyang sabihin kay Mommy pagkatapos ay mabilis naman niyang nakuha ang nais kong ipahiwatig sakaniya.

"Wala po Tita, parte lamang po iyon ng trabaho namin bilang Student Council Officers since kami ang leader ng school. Marami talaga ang kaganapan na nangyayari sa amin sa loob ng Student Council Office." nakangiting sagot ni Claire kay Mommy.

"Nako Adrixeinna, marami ka talagang dapat ipaliwanag sa akin ha?" maawtoridad na may bahid ng pagiging istrikta na sabi sa akin ni Mommy.

"Huwag po kayong magaalala sa anak niyo Tita, kami po ang bahala sakaniya. Palagi lamang po kaming nasa likod niya kahit anong mangyari." binigyan ni Czheandrei ng katiyakan si Mommy upang mahinto ang kaniyang pagiisip ng mga kung ano-anong negatibong bagay na maaring mangyari sa akin.

"Mabuti naman CJ, ayaw ko pang mawala ang anak ko nang maaga." nakahinga nang maluwag si Mommy noong marinig niya ang mga salita na may katiyakan mula kay Czheandrei.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now