Chapter 85

9 1 0
                                    

3:14 AM

Nanatili lamang akong tahimik habang yakap-yakap nila ako ng mahigpit.

Ilang minuto pa ang itinagal ito bago sila kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Anak, alam kong pagod ka. Magpahinga ka na, may pasok ka pa bukas." nakangiting sabi sa akin ni Mommy pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

"Huwag kang magaalala, magiging ayos lang ang lahat. Magtiwala ka lang." nakangiting sabi sa akin ni Daddy pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.

Tumango lang ako sakanila at umakyat na ako sa hagdan upang pumunta sa aking kwarto.

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ng aking kwarto.

Inilapag ko sa aking study table ang bag at ang mga pagkaing natira ko kanina sa 24 hours convenient store.

Kumuha ako ng damit pantulog at naligo ako upang mabilis akong dalawin ng antok.

Noong nakatapos akong maligo ay kaagad kong sinuot ang wardrobe ko at ibinalot ang towel sa ulo ko upang mabilis itong matuyo.

Lumabas na ako ng bathroom at nag-bihis na ako ng damit pantulog.

Naglagay na ako ng night skin-care routine ko pagkatapos ay chinarge ko ang phone ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ako ng hagdan.

Nilagay ko sa may ref ang mga pagkaing tira ko kanina.

Matapos kong gawin iyon ay kumuha ako ng milk sa ref at naglagay ako sa isang baso.

Ininom ko iyon at kaagad na hinugasan ang baso pagkatapos ay nilagay ko sa lagayan kasama ng mga utensils namin sa bahay.

Umakyat na akong muli sa aking kwarto at nagdasal ng taimtim sa Diyos.

Sa dami ng pinagdaanan ko ngayong araw ay mabilis akong dinalaw ng antok.

6:12 AM

Nagising ako sa mainit at malinawag na sikat ng araw.

Nakita ko si Mommy na hinahawi ang mga kurtina ko sa kwarto.

Shocks! 3 hours lang talaga tulog ko?!

Nakakabangag naman ngayong umaga!

Wala pa ako sa huswisyo at matinong pagiisip ngayong araw.

Dinaig ko pa ang pinagsamang sabog at lutang sa isang katangian ng tao.

Kaloka!

Bigla kong naalala lahat ng mga pangyayari kagabi.

Nalungkot ako nang bahagya at tila'y nahiya para sa aking sarili.

Am I still liking him after all?

He's always in my thoughts.

I don't know myself anymore . . . .

Nawala naman lahat ng pangamba ko nang tapikin ni Mommy ang balikat ko.

"Anak, nawawala ka sa sarili mo ngayong araw? Ano bang nangyayari sayo?" nagaalalang tanong sa akin ni Mommy.

"Wala Mi, may iniisip lang po siguro ako. Wag niyo po akong aalahanin masyado, ayos lamang po ako." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Anak, paalala ko lang bilang isang ina. Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon, pag-isipan mong mabuti ang lahat para sa huli ay hindi ka magsisi." malumanay na paalala sa akin ni Mommy.

Those lines from my mother hits different.

Ano ba talagang nangyayari sa akin?

Bakit ba ako nagkakaganito?

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now