Chapter 97

14 1 0
                                    

6:19 AM

Mabilis ang mga araw at tila'y dumating na ang aming pinakahihintay.

Ngayon, magaganap ang Regular Season ng MPL Season 7.

Napagkasunduan namin na kina Nicole na lang kami manonood ng live stream ng laban nina Vee para sa ML tournament.

Flashback

9:18 PM

"Saan nga pala tayo pwedeng manood ng livestream para isang place na lang?" nakangiting tanong ko sakanilang lahat.

"Suggest ko lang! Sa place na lang nina Nicole since silang dalawang mag-kapatid saka maids and drivers nila ang nasa bahay." nakangiting sagot sa akin ni Ysabel.

"Pwede! Mahilig din naman si Nathan sa mga online games katulad ng ML. For sure, mae-enjoy niya ang manood ng mga livestream." nakangiting sang-ayon ni Chezka kay Ysabel.

"Sinong Nathan ang tinutukoy mo?" nagtatakang tanong ni Kiel kay Chezka.

"Younger brother siya ni Nicole." nakangiting sagot ni Chezka kay Nicole pagkatapos ay may kinalikot ito sa kaniyang phone.

Noong makita na niya ang kaniyang hinahanap ay iniharap ni Chezka ang phone niya kay Kiel upang ipakita kung ano ang itsura ni Nathan.

"Ang cute naman ng kapatid mo Nicole. Halatang bine-baby ng ate niya." nakangiting sabi ni Kiel kay Nicole.

"Syempre! Mana sa Ate Nicole ang cuteness, ako na kaya ang nagpalaki diyan noong mga panahon na kailangang magtrabaho ng parents namin para sa kinabukasan namin." nakangiting sagot ni Nicole kay Kiel.

"Naging instant Mommy ka na talaga noong pinapalaki mo si Nathan." nakangiting biro ni Ysabel kay Nicole.

"Sarap siguro maging rich Tita ni Nathan no?" natatawang gatong pa ni Chezka.

"Pwede naman! Gusto niyo ba? Kunin ko pa kayong mga Ninong at Ninang sa kumpil." natatawang sakay sa biro ni Nicole.

"Ay wala pa kaming maiibigay na pakimkim diyan sa mga inaanak sa kumpil. Apir na lang muna!" natatawang biro pa ni Kuya Adrixennus kay Nicole.

"Grabe, ngayon pa lang ay nararamdaman ko na magiging Ninong ako sa lahat ng mga anak niyo ay talagang mauutas ako tuwing pasko kapag hihingi ng aguinaldo." natatawang gatong pa ni Kuya Adrixennon.

Nagsi-tawanan ang lahat nang marinig ang pangga-gatong ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus.

"Ganon talaga Kuya! Alam kong magiging mabuti kang ehemplo sakanila kapag ikaw ang naging Ninong ng mga anak namin." natatawang biro ko kay Kuya Adrixennon.

"Future CEO ang galawan kamo!" nakangiting sagot sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Uy totoo ba? Congratulations Kuya Adrixennon!" nakangiting sabi ni Ysabel kay Kuya Adrixennon.

"Trainee pa lang naman ako sa kumpanya ni Daddy, gusto ko lang talaga magkaroon ng experience when it comes to business." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennon kay Ysabel.

"Mabuti na lang din talaga, may magmamana na ng kumpanya niyo Kuya Adrixennon. Si Kuya Adrixennus, future engineer. Si Adrixeinna, future flight attendant. Ikaw, businessman." nakangiting sabi ni Nicole kay Kuya Adrixennon.

"Sa wakas, mayroon na agad akong future co-businessman." nakangiting sabi ni Danerie kay Kuya Adrixennon.

"Magiging mahaba pa ang proseso sa pagiging CEO ng business corporations namin pero sisikapin ko na mapamahalaan ang kumpanya bilang isang trainee para sa magandang kinabukasan ng mga tauhan namin sa legal na paraan." nakangiting sabi ni Kuya Adrixennon kay Nicole.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now