Chapter 87

9 1 0
                                    

5:45 AM

Mabilis na lumipas ang araw at eleksyon na pala para sa Student Council Officers.

Maaga akong nagising at inayos ko na lahat ng mga gamit ko sa school.

Naligo na ako at nag-bihis ng uniform saka school shoes ko.

Naglagay na din ako ng morning skin-care routine ko at lotion ko sa katawan.

Nagsuklay na ako at gumamit ako ng blower saka hair iron para ma-straight ng sobra ang buhok ko.

Naglagay ako ng maroon headband sa ulo ko at naglagay na ako ng perfume sa katawan.

Tinanggal ko sa pagkakasaksak ang charger ng phone ko at isinilid ko na din sa bag ko ang earphones ko para hindi ko makalimutan.

6:20 AM

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Mommy na nagluluto habang si Daddy saka ang dalawa kong Kuya ay may kaniya-kaniyang ginagawa.

"Good morning princess, ready ka na ba sa pag-file ng candidacy mo for President ng Student Council?" nakangiting bati sa akin ni Daddy.

"Good morning Daddy, matagal ko nang pinag-isipan ang tungkol dito sa pagpa-file ng candidacy ko sa pagiging President ng Student Council. Noong una, hesitant ako dahil marami akong kailangang gampanan na responsibilidad pero napagtanto ko na hindi ako nagiisa. Palagi kong kasama ang mga kapwa estyudyante ko na naniniwala sa akin na kaya mong pamunuan ng maayos ang Student Council para sa pagbabago." nakangiting bati ko rin kay Daddy.

"Huwag kang magaalala, College student man ako. Hindi magbabago ang suporta ko para sayo princess. Alam kong magagawa mo ang responsibilidad mo bilang isang magaling na President ng Student Council sa SHS Department." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Thank you Kuya Adrixennus! Ikaw ba? Tatakbo ka ba ulit bilang President ng Student Council sa College Department?" malumanay kong tanong kay Kuya Adrixennus.

"Inaaya ako ng mga ka-partido ko pero hindi ko pa alam kung tatakbo ulit bilang Presidente. Ipapaalam ko naman kaagad sakanila ang desisyon ko kapag nagkaroon na ako ng plano." nakangiting sagot sa akin ni Adrixennus.

"Baby girl, wala man ako sa tabi mo kapag nag-campaign ka sa school niyo pero alam kong may magagawa kang pagbabago sa school niyo. Nandito lang ako palagi kung kailan mo ng tulong ko, sabihan mo lang si Kuya ha?" nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Thank you Kuya Adrixennon! Sobrang laking tulong ng mga pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa akin ngayong darating na eleksyon." nakangiting pasasalamat ko kay Kuya Adrixennon.

"Nakakatuwa naman na ang mga anak ko ay nagsu-suportahan sa kaniya-kaniyang ganap ng isa't-isa. Nakaka-proud na hindi kami nagkamali ng pagpapalaki sainyo ng Daddy niyo, hindi man perpekto pero totoong-totoo tayo." nakangiting sabi sa aming tatlo ni Mommy.

Hinanda na ni Mommy ang breakfast at natapos na pala siya sa pagluluto niya kanina.

Mabilis talaga ang kilos ng mga nanay pagdating sa kusina!

The best sila!

"Ang bilis niyong lumaki mga anak, parang kailan lang nangyari ang lahat. Habang tumatanda kami, tumatanda na rin kayo. Magkakaroon ng mga sari-sariling buhay at tatahaking landas sa hinaharap. Sana walang magbago kahit may mga pami-pamilya na kayo." nakangiting sabi sa aming tatlo ni Daddy.

"Ay agang-aga kayo parents! Nagpapaiyak naman agad kayo eh wala pa naman tayo sa exciting part." natatawang biro ni Kuya Adrixennus sa aming lahat.

"Kaya nga dude eh! Akala ko nga nagho-homily si Father sa bahay." natatawang sakay sa biro ni Kuya Adrixennon.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now