Chapter 50

39 7 3
                                    

6:16 PM

"May surprise ako sayo! Sama ka sakin!" nakangiting sabi sa akin ni Kuya Xennon sabay lahad niya ng kamay sa akin.

Kaagad ko iyong inabot at hinawakan ang kamay niya.

Pumunta kami sa garahe at sumakay sa itim niyang kotse pagkatapos ay pumunta kami sa isang pamilyar na lugar.

Dito namin nasaksihan ni Trevyn ang unang paglubog ng araw na magkasama kaming dalawa. 

"Anong ginagawa natin dito Kuya Xennon?" mausisa kong tanong sakaniya.

"Lingon ka sa likod mo." itinuro niya sa akin ang direksyon kung saan at nakita ko ang isang espesyal na tao sa paligid ko. 

Si Trevyn.

Lumapit ako sakaniya at may dala itong isang pirasong sunflower na kaagad niyang inabot sa akin.

"Paano?!" naluha ako nang bahagya noong mapagtanto ko na ang nasa harap ko ay ang tunay na Trevyn at hindi pagpapanggap lang.

"Maraming salamat sa pagmamahal na ipinaramdam niyo sa Kuya mo. Iyon ang naging dahilan upang matanggal lahat ng galit at sakit sa puso niya. Nagawa nitong hilumin ang mga sugat ng nakaraan at magpatuloy sa kasalukuyan. Ngayon, ito na ang mga pinatatag na samahan sa paglipas ng panahon." nilahad niya ang mga kamay niya at kaagad ko namang hinawakan ang mga kamay niya.

"Thank you for everything, you're one of the reasons why I realize what I want and what I don't want today. You are the one who comes with the highest of highs and the lowest of lows. You're the best duo I will ever have." nakangiting sabi ko sakaniya habang hawak-hawak ang kamay niya.

Nakita ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko na nakatanaw lamang malayo sa amin. 

Sabay-sabay silang lumapit sa amin pagkatapos ay kaagad kong niyakap si Kuya Adrixennon.

"Maraming salamat Kuya Xennon!" pag-yakap ko sakaniya.

"Gusto lang kitang maging masaya." niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang noo ko.

Ilang minuto pa ay kumalas na kami sa bisig ng isa't-isa.

Nilapitan ni Trevyn si Kuya Adrixennon at tumingin ito sa mga mata niya.

"Patawarin mo ako Kuya Xennon, alam kong hindi naging madali ang paglalakbay mo sa sunod-sunod na pagkawala ng mga taong pinakamamahal mo at pinapahalagahan mo sa buhay mo. Nais ko lang malaman mo na maraming nagmamahal at susuporta sayo ngayon, hindi ka na nagiisa. Kasama mo kaming lahat." tumingin siya isa-isa sa mga taong nasa paligid namin.

"Maraming salamat sa paghihintay na mahanap kong muli ang pagmamahal at kasiyahan sa aking puso Trevyn. Simula sa araw na ito, pinapatawad na kita." niyakap ni Kuya Xennon si Trevyn at niyakap din niya kaagad ito pabalik.

Sila ang konsepto ko na kahit anong dilim ng nakaraan ang pinagdaanan, pipiliin pa ring mabuhay sa liwanag ng kasalukuyan.

Sila ang patunay na kahit anong galit at sakit, nanaising manaig ang pagmamahal at pagpapatawad sa bawat isa.

Pumuwesto kaming lahat at sabay-sabay na sinalubong ang paglubog ng araw. 

7:45 PM

Nandito kami sa Sunset Bar upang kumain at magcelebrate before the Graduation Day.

Binigay na sa amin ng mga waiters kung anong pagkain ang gusto namin sa Menu.

"1 carbonara pasta and 1 bottomless lemonade." order ko doon sa waiter.

Nilista na ng mga waiters ang order namin para dalhin sa chef na magluluto ng mga pagkain.

Nagkwentuhan muna kami sa lamesa habang kumakain ng appetizer nila.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now