Chapter 95

14 1 0
                                    

5:24 AM

Mabilis na lumipas ang panahon at  nakabalik na ako sa normal kong buhay.

Ngayong araw, makakabalik na ako muli sa school.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ang dalawang Kuya ko saka si Daddy na magkakasama sa hapagkainan habang naghahain si Mommy ng mga pagkain para sa agahan.

"Good morning! Finally, naka-recover ka na sa physical torture na inabot mo." nakangiting bati sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Grabe ka! Paninindigan mo na talaga ang pagiging hero sa school, handa mong ibuwis ang buhay mo para lang sa mga estyudyante ng SHS department." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"So ano nga ba talaga ang kwento kung bakit nakaranas ka ng physical torture?" malumanay na tanong sa akin ni Mommy.

"Ganito yon Mommy, mayroon akong classmates na transferee sa school namin. Dalawang babae sila, si Petianna at Herathena. Naging competitor ko siya sa election as President of the class. As usual, I won. Akala ko titigil na siya pero tumakbo rin siya as the President of the Student Council, hindi matanggap ng kampo nila na nanalo kami sa eleksyon.  Sinubukan pa nilang i-sabotahe ang eleksyon para makuha nila ang korona bilang Student Council Officers. Inasahan ko nang mangyayari iyon, hindi sila titigil para makapaghiganti lang sa amin. Nakapag-plano kaagad kami ni CJ para makagawa kami ng play and execution sa mga kalaban namin." nakangiting paliwanag ko kay Mommy.

"Ako ang naging pain ng grupo dahil sa lahat ng posisyon ay ito ang pinakamataas. Gusto nilang sukuan ko at bumaba ako sa pwesto ko. So, na-identify namin agad kung sino ang mga accomplice ni Petianna at doon kami nagsimula na kumilos at i-execute ang naging plano namin. Naging matagumpay naman kaming lahat dahil nai-turn over namin sila sa DWSD dahil hindi sila pwedeng makulong sapagkat mga menor de edad pa lang sila." dagdag ko pa.

"Kakaiba talaga ag mga kabataan ngayon, gagawin nila lahat para maging top sa school." buntong-hiningang sabi sa akin ni Daddy.

"Sinabi mo pa mahal! Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama kay Adrixeinna dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang mga batang iyon kapag nagkataon." malumanay na sang-ayon ni Mommy kay Daddy.

"Dapat talaga magbayad sila sa mga kasalanang ginawa nila, hindi biro ang magiging trauma at torture na maaring maranasan ng mga estyudyanteng bibiktimahin nila." kalmadong sabi ni Kuya Adrixennon.

"Totoo! What if namatay o malala ang nangyari sa mga biktima nila? Hindi lang iisa pero lahat ng estyudyante. We never know." kalmadong sang-ayon ni Kuya Adrixennus kay Kuya Adrixennus.

"Oh heto na lahat ng mga pagkain at tumigil muna tayo sa tsismis ngayong umaga, mag-dasal muna tayo. Mahal, ikaw muna ang mag-lead ng prayer." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy.

Nag-Sign of the Cross kaming lahat pagkatapos ay nagsimula nang magdasal si Daddy pagkatapos ay nagpasalamat kaming lahat para sa biyayang natanggap namin. Nag-Sign of the Cross ulit kami para tapusin na ang aming panalangin at kumuha na kami ng kaniya-kaniyang mga pagkain.

Kumain na kaming lahat pagkatapos ay nagtuloy-tuloy lang ang aming kwentuhan at asaran.

5:52 AM

Noong makatapos na kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang ihanda ang mga kakailanganin ko ngayong araw.

Kinuha ko na ang school uniform at shoes ko for schooling pagkatapos ay nilapag ko iyon sa may kama. Naglagay din ako ng medyas at mga panloob na kasuotan.

Kinuha ko na ang wardrobe ko at pumunta ako ng bathroom para maligo. Hinubad ko na lahat ng saplot ko sa katawan at ini-on ko na agad ang shower.

Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang wardrobe ko at ibinalot ko ang towel ko sa may ulo upang mabilis itong matuyo.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon