Chapter 14

87 39 9
                                    

9:45 AM

Naghanap na ako ng maletang paglalagayan ko ng gamit ko. Inilagay ko ang mga napili kong damit sa maleta pati na rin ang ibang kailangan ko nang maayos ko na ang maleta ko ay agad ko itong isinarado.

Bumaba na ako papuntang kusina upang magpaalam kay Mommy na mapapaaga ang bakasyon namin.

"Mommy, may ipagpapaalam po sana ako sainyo kung pwede?" nakangiti ngunit kinakabahang sabi ko kay Mommy.

"Oo alam ko na yang sasabihin mo, magpapaalam ka na mapapaaga ang bakasyon niyo." malumanay na sagot ni Mommy sa akin.

"Hindi lang po iyon Mommy bago po sana kami magbakasyon ay magiis-sleep over po muna kami tapos doon na rin po kami magpre-prepare kung okay lang po sainyo?" nakangiting paalam ko kay Mommy.

"Basta magiingat kayo doon, tiwala naman ako sa mga kaibigan mo na hindi ka nila pababayaan. Nakapaghanda ka na ba ng gamit na dadalhin mo sa bakasyon niyo tsaka yung ipangiis-sleep over mo?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Yung sa bakasyon naman po, naiayos ko na ang mga gamit ko sa maleta. Yung sa ipangiis-sleep over ko naman po baka sigurong mamayang gabi nalang. Dadalhin ko nalang yung isang back pack ko." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Mabuti naman kung ganoon, may gagawin ka ba mamaya? May pupuntahan tayo." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Saan naman po tayo pupunta Mommy? Isasama rin ba natin si Kuya?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Sa park tayo pupunta malapit sa village natin at kung isasama ang Kuya mo, hindi siya makakasama. Pupunta raw siya sa mga kabarkada niya, may practice daw sila ng banda." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"Kaya naman pala bihis na bihis na naman si Kuya, pupunta na naman pala sa mga kabarkada niya." nakangiting sabi ko kay Kuya.

Nagulat ako nang may biglang nagsalita, si Kuya. Nakasuot siya ng white T-shirt na pinatungan nang red checkered jacket tapos black pants at black sneakers dala ang gitara niya.

"Oo, may band practice kami. Siguro naman ngayon updated ka na sa balita? Hindi ka na nahuhuli. Check ka rin kasi minsan ng phone mo. Lagi kang tulog eh." natatawang sabi sa akin si Kuya.

"Nakatulog nga kasi ako, mahina ba ang pang intindi mo Kuya? Kawawa ka naman, mukha kasing wala ka noon e." nakangising sagot ko kay Kuya.

"Tumigil ka na, malalate na ako sa practice namin. Umayos ka ah!" napipikon na sabi ni Kuya sa akin.

"Stop. Agang-aga ha, kanina pa kayo sa almusal kanina. Time out muna. Sige na lumakad ka na sa pupuntahan mo Theodore para maaga ka ring makauwi." kalmadong sabi ni Mommy sa amin.

Yumakap si Kuya kay Mommy sabay beso sakaniya at gayundin sa akin.

"Sige na Mommy, alis na ako!" sabay kaway sa amin ni Mommy at pumasok na sa loob ng kotse.

"Maghanda ka na, may gagawin tayong activity mamaya." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Ano po yun Mommy?" nagtatakang tanong ko naman kay Mommy.

"Magsuot ka ng ginagamit mong pang-practice ng volleyball. Doon tayo maglalaro sa may park." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"Ay namiss kong maglaro Mommy! Sige po, maghahanda lang ako." nakangiting sabi ko kay Mommy.

Umakyat na ako sa hagdan at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Inilapag ko ang phone ko sa table. Inihanda ko na rin ang sports attire ko at kumuha ako ng tuwalya pagkatapos ay pumasok ako sa banyo.

Nilagay ko ang tuwalya sa kaniyang sabitan pagkatapos ay hinubad ko na ang damit ko at binasa ko na ang aking ulo gamit ang shower. Kinuha ko na ang shampoo ko at inilagay ito sa aking palad upang ikalat sa ulo ko pagkatapos ay minassage ko ang ulo ko para mas kumapit ang bango ng shampoo.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now