Chapter 66

26 1 13
                                    

9:11 AM

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Kuya Adrixennus.

"Excuse me! Sasagutin ko lang ang tawag." naglakad ako papuntang garden upang sagutin ang tawag ni Kuya Adrixennus.

On call

Adrixennus: Kamusta? Nakauwi na ba kayo ng bahay?

Me: Yes Kuya! Nandito na rin ang SQUAD at SSG OFFICERS.

Adrixennus: Nalaman na ba nila ang announcement?

Me: Yup, gulat na gulat ang mga mukha nila. Sayang, hindi ka nakasama rito.

Adrixennus: Kasama niyo ba diyan si Cherry?

Me: Yes Kuya, why? May ipapasabi ka rin ba sakaniya?

Adrixennus: Wala naman, nabanggit lang niya na nililigawan ka na nga daw ni Trevyn.

Me: Kamusta pala kayo diyan nina Lola? Nakapag-bonding ba sina Kuya Adrixennon at ang mga relatives natin sa father side?

Adrixennus: Ay okay naman kami dito, wag mo na kaming alalahanin. Malalaki at matatanda na kami, alam na namin ang mga gagawin namin okay?

Me: Ipaalala mo yung medications ni Mommy ha? Ayokong maulit ang panibagong trahedyang inabot ng pamilya natin.

Adrixennus: Oo naman, chill ka lang diyan. Kami ang bahala kay Mommy dito.

Me: Mabuti naman kung ganoon. Mag-ingat kayo diyan ha? Iintayin ko ang pagbabalik niyo rito sa Manila.

Adrixennus: Hindi ka na ba babalik sa bahay nina Lola?

Me: Marami akong kailangang asikasuhin dito sa Manila, bibisita naman ako diyan kapag may time ako. Babalik ulit ako diyan. Tayong pamilya. Sama-sama. Walang iwanan.

Adrixennus: O siya, mag-ingat ka diyan ha? Tawagan mo kami kung may problema.

Me: Yes Kuya! Bye!

Adrixennus: Bye princess!

The call ended.

Napansin kong may taong nakatingin sa akin sa malayo at kaagad naman akong lumingon doon.

Si Czheandrei.

Lumapit siya sa akin at kaagad akong umiwas sakaniya. Binilisan ko ang lakad ko ngunit naabutan niya pa rin ako.

Hinila niya ang braso ko at hinapit ang aking bewang papalapit sakaniya.

"Ano? Iiwasan mo na naman ako?" nakita ko ang pagkalito at sakit sa kaniyang mata.

"Bakit? Ano bang gusto mong gawin ko!" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin upang makawala sakaniya.

"Mahalin mo ako." niyakap niya ako kasabay nang mahina niyang bulong.

"H-hindi t-tayo p-pwede." nauutal kong sabi sakaniya habang nakayakap siya sa akin.

"Mahal na mahal mo na ba talaga siya?" nagka-crack ang boses niya habang tinatanong ito sa akin.

"Oo!" nagsinungaling ako sakaniya para tigilan na naming dalawa ang kalokohan na ito.

Hinarap niya ako sa mukha niya at tinitigan ang mga mata ko.

"Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong mas gusto mo na siya kesa sa akin." tinitigan niya ako nang malalim at pilit kong iniiwas ang mga tingin ko sakaniya.

"Ayoko." walang emosyon kong sabi sakaniya.

"Tumingin ka sakin. Gusto kong marinig sa bibig mong mahal mo siya. Yun lang, bibitawan na kita." hawak niya pa rin ang mga braso ko at patuloy akong nagpupumiglas sakaniya.

I'M INTO YOU SEASON 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant