Chapter 20

48 16 2
                                    

11:52 AM

"Ganyan talaga, ang hirap talagang pakawalan ang isang tao kapag sobrang minamahal mo. Hindi mo naman mapipigil ang paglaki noong bata." nakangiting sabi ko kay Nicole.

"Kung pwede lang talaga pigilin pero ito ang isa sa mga pinakamasakit na katotohanan. Hindi mo pwedeng pigilin ang pagtanda ng isang tao. Lilipas at lilipas ang panahon na lahat ay maaring mabago at wala kang magagawa para mapigilan ang mga bagay na nakatakdang mangyari dahil yun ang reyalidad." nalulungkot na sagot ni Nicole sa akin.

"Ipanalangin mo nalang talaga sa Diyos na lumaking mabuting kabataan/binata si Nathan. Minsan isipin mo din ang kapatid mo kapag nagkaroon ka ng asawa at anak sa future. Hindi naman palaging dapat nakasunod siya sa anino mo. Darating at darating ka din sa point na kailangan mo siyang hayaang tumayo sa sarili niyang paa. Bilang Ate niya, ang magagawa mo lang ay gabayan siya hanggang sa makakaya mo." nakangiting payo ko kay Nicole habang hinahagod-hagod ko ang likod niya.

"Minsan nga iniisip ko, kaya ko ba talagang iwanan ang kapatid ko? Binuo ko ang sarili ko kasama siya. Kapag napapagod ako, andiyan lang siya palagi sa tabi ko para tulungan ako. Kapag nalulungkot ako, niyayakap at dinadamayan niya ako sa lahat. Kapag nasasaktan ako, hinihilom niya ang mga sakit at sugat sa puso ko. Ang hirap lang palayain ng mga taong nakasanayan mo na. Hindi naman masakit yung paghihiwalay, mas masakit yung mga bagay na siya lang ang nakakagawa ay wala ng gagawa kagaya ng ginagawa niya sayo." nalulungkot na sabi Nicole sa akin.

"Always remember, when love is too much stronger, the pain is too much destroying." nakangiting sagot ko sakaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Siguro nga. Alam mo naman na buong buhay ko ay ako na talaga ang nag-aalaga kay Nathan simula pagkabata niya. Sakaniya ko una naranasan paano kumarga ng bata, paano magpalit ng diaper, paano magtimpla ng gatas at paano helehin ang bata para mapatulog. Naranasan ko ang maging ina dahil sakaniya. Hindi naman kasi palaging nakakauwi sina Daddy at Mommy sa trabaho noon. Nagpapadala lang si pera para maipang-gastos namin sa araw-araw at sweldo ng mga kasambahay pati drivers namin. Ang dami kong natutunan simula nung naging Ate ako kay Nathan. Ang dami kong naging bagong experience dahil sakaniya. Hanggang ngayon ay aaminin ko, hindi ko pa kayang ipagkatiwala ang kapatid ko sa ibang tao. Si Nathan yung kapatid ko na para ko na ring anak. Nasubaybayan ko ang paglaki niya. Ako halos ang nagpalaki at nag-alaga sakaniya nung mga panahon na kailangan na kailangan namin ng pera. Ako ang tumayong magulang niya simula nung nagtra-trabaho na sina Mommy at Daddy. Ako ang umako ng rensponsibilidad ng mga magulang ko para maitaguyod nila kami parehas. Ayoko namang mamatay kami sa gutom at uhaw ng kapatid ko. Minahal ko si Nathan ng sobra-sobra kaya siguro nagkakaganito ako. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi malungkot at masaktan habang lumalaki siya." mahabang kwento ni Nicole sa akin.

Nabakas sa mukha ko ang gulat ng malaman ko ang istorya kung bakit silang dalawa lang ni Nathan sa bahay nila palagi.

Hindi ko inasahan na si Nicole ang mag-isang nagpalaki sa kapatid niya. Mahirap ang maging isang magulang at kapatid. Hindi ko maisip paano niya nakakaya ang lahat ng iyon?

Paano nga ba Nicole? Sa atin nina Ysabel, madalas kang nakangiti at tila parang walang prino-problema.

Lagi ikaw ang nagpapayo sa aming lahat. Hindi ka nawala nung mga panahong kailangan na kailangan ka namin. Isa kang tunay na kaibigan.

Balang araw Nicole, kami naman ang sasalo sayo kapag kailangan na kailangan mo kami.

"Sa totoo lang Nicole, hanga ako sa mga taong kagaya mo na nagpapaka-magulang at nagpapaka-ate sa mga kapatid nila. Hindi madali ang magpalaki ng isang bata lalo na ikaw lang ang mag-isa. Hayaan mo, sasamahan ka namin sa pag-aalaga kay Nathan. Hindi ka na mag-iisa, nandito na kami." niyakap ko siya ng mahigpit at hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis upang i-assure siya na magiging ayos lang din ang lahat sakanila pagkatapos ay niyaya niya ako papuntang kubo dahil handa na raw ang pagkain.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now