Chapter 78

12 1 1
                                    

5:25 AM

Nagising ako nang maalimpungatan sa pagyugyog sa akin ng kapatid ko na parang wala ng bukas.

"Gising na diyan! First day mo ngayon oh, hindi ka ba excited?" bungad sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Eto na nga, babangon na ako!" bumangon na ako sa pagkakahiga pagkatapos ay nagpunta ako ng bathroom upang maghilamos ng mukha at magtooth-brush.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ang dalawang Kuya ko saka si Daddy na magkakasama sa hapagkainan habang naghahain si Mommy ng mga pagkain para sa agahan.

"Good morning princess! It's your first day as SHS 12 student, how was your sleep?" nakangiting bati sa akin ni Daddy at bumeso siya sa akin.

"Good morning Daddy! Maayos naman ang tulog ko today, saktong-sakto lang kapag may schooling kami ni Kuya." nakangiting bati ko kay Daddy at bumeso naman ako pabalik sakaniya.

Napansin ko naman kaagad si Kuya Adrixennon na naka-formal attire kaya kaagad ko naman itong binati.

"Good morning Kuya Adrixennon! Saan punta mo today? Naka-formal ka ah." nakangiting bati ko kay Kuya Adrixennon.

"Good morning baby girl! Magiging trainee ako sa kumpanya natin ngayong araw." nakangiting bati sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Talaga? Akala ko nag-enroll ka for College this school year?" nagtatakang tanong ko kay Kuya Adrixennon.

"Minsan lang naman ako mabigyan ng opportunity ni Daddy sa kumpanya kaya igra-grab ko na, mababalikan ko pa naman ang pagaaral ko dahil bata pa ako. Marami pang panahon para sa akin." nakangiting sagot sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Well, maganda rin naman yang experience para sayo Kuya. Mahahasa ka sa mga bussiness production ng kumpanya ng pamilya natin. Galingan mo ha? Naka-support kami sayo palagi." nakangiting sabi ko kay Kuya Adrixennon.

"Kung kailangan mo ng tulong dude, nandito lang ako/kami para maresolba ang mga problema ng magkakasama." nakangiting sabi ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus.

"Maraming salamat sa suporta at tulong niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko habang nasa kumpanya ako ng pamilya natin." nakangiting sabi sa amin ni Kuya Adrixennon.

"Dapat lang! Nakikitaan talaga kita ng potensiyal na kaya mong patakbuhin ang kumpanya kapag wala ako." nakangiting sagot ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"Maraming salamat sa opportunity Daddy na makapasok ako sa kumpanya kahit trainee pa lang ako ay binigyan niyo pa rin ako ng chance para i-prove yung sarili ko." nakangiting sabi ni Kuya Adrixennon kay Daddy.

"Yung mga ganiyang skills at talents sa business, hindi dapat sinasayang. Alam kong magiging isang magaling kang businessman balang araw." nakangiting sagot ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"Oh heto na lahat ng mga pagkain, mag-dasal muna tayo. Mahal, ikaw muna ang mag-lead ng prayer." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy.

Nag-Sign of the Cross kaming lahat pagkatapos ay nagsimula nang magdasal si Daddy pagkatapos ay nagpasalamat kaming lahat para sa biyayang natanggap namin. Nag-Sign of the Cross ulit kami para tapusin na ang aming panalangin at kumuha na kami ng kaniya-kaniyang mga pagkain.

Kumain na kaming lahat pagkatapos ay nagtuloy-tuloy lang ang aming kwentuhan at asaran.

6:00 AM

Noong makatapos na kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang ihanda ang mga kakailanganin ko ngayong araw.

Kinuha ko na ang school uniform at shoes ko for schooling pagkatapos ay nilapag ko iyon sa may kama. Naglagay din ako ng medyas at mga panloob na kasuotan.

I'M INTO YOU SEASON 1Onde histórias criam vida. Descubra agora