Chapter 31

22 11 2
                                    

6:45 AM

This is the day.

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw.

Ngumiti ako at tumayo sa kama pagkatapos ay hinawi ko ang mga kurtina upang masinagan ako ng araw.

Napapikit ako at dinama ang init ng araw na unti-unting dumadampi sa aking katawan. Napakaganda upang simulan ang araw ng isang tulad ko.

"Anak, let's have breakfast na? I prepared everything. Baba ka agad." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

Naghilamos lang ako ng mukha pagkatapos ay nagsuklay ng buhok. Bumaba na ako sa hagdan upang makisalo kina Mommy ng almusal ngayong umaga.

Naglakad ako papuntang lamesa at hinila ang isang upuan para makaupo. Binigyan naman ako ni Mommy ng plato, kutsara, tinidor at baso.

Kumuha ako ng sinangag, tapa at itlog sa hapag. Nag-salin din ako ng tubig sa baso ko.

"Anak, napag-usapan niyo na ba yung school activity na gagawin niyo for today?" malumanay na tanong ni Mommy habang kumakain kami ng almusal.

"Yes po Mommy, we will have a refreshment activity for this day. Gusto namin na light muna yung mga ganap this day." nakangiting sagot ko kay Mommy habang kumakain kami ng almusal.

"Mabuti naman, lalabas ka ba mamaya?" malumanay na tanong ni Mommy habang kumakain kami ng almusal.

"Hindi ko po sigurado Mommy, siguro kapag may importante akong lakad ngayong araw." nakangiting sagot ko kay Mommy habang kumakain kami ng almusal.

"Sama ka ba sakin mamaya Xeinna? May basketball kami mamaya nina Kuya Zach. Friendly match." nakangiting sabi sa akin ni Kuya sa akin habang patuloy sa pagkain ng almusal.

"Sure Kuya! Hindi naman gaano busy schedules ko today! Sabihan mo ako kung anong oras tayo aalis para makapag-ready ako okay?" nakangiting sabi ko kay Kuya habang patuloy pa rin ako sa pagkain ng almusal.

"Sure, 4PM. Mag-ready ka na ng 3PM para hindi tayo ma-late okay?" nakangiting sabi ni Kuya pagkatapos ay pinat niya ang ulo ko at ginugulo-gulo ang buhok ko.

"Noted!" tumatango-tango lang si Kuya pagkatapos ay nag-salin ng tubig sa kaniyang baso.

"Anong oras mo iuuwi ang kapatid mo Theodore? Baka mamaya gabi na, wala pa kayo sa bahay." seryosong sabi ni Mommy kay Kuya.

"Wag kang magaalala Mommy okay? Kuya ako ni Xeinna, kapatid ko siya. Ako ang bahala sakaniya Mommy." magalang na sagot ni Kuya kay Mommy.

"Siguraduhin mo lang na babalik kayo sa bahay ng buong-buo at walang galos. Kung hindi humanap na kayo ng kapatid mo ng ibang bahay, lumayas na kayo." seryosong sabi ni Mommy ngunit bakas sa mata niya ang pagaalala niya sa amin ni Kuya bilang isang ina.

"Mommy, alam kong nagaalala kayo sa amin ni Xeinna pero hayaan niyo naman kaming maging malaya at masaya." magalang na sagot ni Kuya kay Mommy.

"Mommy pinalaki niyo kami ni Daddy ng tama, sana naman magkaroon kayo ng tiwala." malumanay kong sabi kay Mommy.

"Fine. Ingatan mo yang kapatid mo Theodore ha. Umayos ka. Lagot ka talaga sa akin kapag may nangyaring masama sa inyo ng kapatid mo." seryosong sabi ni Mommy kay Kuya.

Tumango-tango lang si Kuya sa mga paalala ni Mommy.

She's strict but she's caring.

"Busog na po ako Mommy, huhugasan ko na po itong pinagkainan natin." nakangiting sabi ko kay Mommy habang pinapatas ko ang mga plato, kutsara, tinidor at baso upang dalhin sa kusina.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now