Chapter 57

29 6 8
                                    

9:18 AM

"Ngayon, mag-ready ka sa panibagong pupuntahan natin." nakangiting sabi niya sa akin.

"Saan?" mausisa kong tanong sakaniya.

Nilahad niya ang kamay sa akin at kaagad ko naman inabot iyon.

"Mauna na kami sainyo ah! Kayo na ang bahala." nakangiting paalam niya sa mga admins ko.

"Thank you admins, you made me so happy today. Mauna na kami!" nakangiting paalam ko sa mga admins ko.

Tumango lang sila sa amin at ngumiti ng malapad. Naglakad na kami papalabas pagkatapos ay nag-antay kami ng jeep na sasakyan daw namin papunta sa lugar kung saan gusto niya akong dalhin.

Ilang minuto pa ay dumaan na ang jeep pagkatapos ay kaagad namin iyong pinara.

Inalalayan niya ako ng maayos upang makapasok sa loob ng jeep at makasakay.

"Ayos ka lang ba? Siksikan dito sa jeep, pasyensya ka na. Commute lang muna tayo ngayon." nahihiyang sabi niya sa akin.

"Sanay naman akong sumakay sa jeep, alam mo namang nanggaling din ako sa pagiging commuter lang. Siksikan talaga sa jeep." malumanay kong sagot sakaniya.

"Huwag kang mag-alala, malapit naman na tayo sa lugar na pupuntahan natin. Konting tiis lang ha?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Hindi mo naman kailangan mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." malumanay kong sagot sakaniya.

"Huwag ka ngang magtapang-tapangan sa harap ko, hindi bagay." kumunot ang noo at ramdam ko ang inis niya sa bawat salitang binibitiwan niya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo Trev, ang tanging mayroon lang sa paglisan ng araw ay ang sarili ko lamang." tumingin ako sakaniya at tipid ko siyang nginitian.

"Pero ngayon hindi ka na nagiisa, nandito na ako sa tabi mo. Kahit saan man ako dalhin ng mundo, mananatiling babalik pa rin ako sayo." ngumiti siya sa akin sabay hawi ng aking buhok.

"Maraming salamat Trev!" nakangiting pasasalamat ko sakaniya.

Hindi naman kita hiniling pero kusang dumating . . . . .

Nabihag mo ang puso ko sa isang tingin . . . . .

Biyayang hindi ko inaasahan na ayaw ko nang pakawalan . . . . .

Natagpuan sayo ang nawawala kong tahanan . . . . .

Tara pasyal tayo kahit saan mang parte ng mundo . . .  .

Gusto kitang makasama kahit na ang mundo ay magulo . . . . .

Naiiba ka sa lahat, ningning mo tila'y isang bituin . . . . .

Nagbibigay liwanag sa buhay kong madilim . . . . .

"Kanina ka pang nakatitig sa akin, may problema ba?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"Wala, gusto lang kitang titigan. Makabisado ang pigura ng buong mukha mo."  nakangiting sagot ko sakaniya.

Salamat sa taas binigay ka niya sa akin ng buong-buo . . . . .

Tingin mo sa akin ay tila'y anghel na bumaba sa mundo . . . . .

Ikaw ay pipiliin na makasama sa habang buhay . . . . .

Laking pasasalamat ko kay tadhana . . . . .

Laging pinagdadasal ko kay bathala . . . . .

"Salamat sa Diyos na ika'y dumating kahit na hindi ko inaasahan, napasakin sa biglaan." nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay pinat niya ang ulo ko.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now