Chapter 21

29 16 1
                                    

12:45 PM

"Iba talaga kapag future lawyer no? Ang galing ipaglaban ang mga karapatan ng tao at nakakapagpawalang-sala din sila ng mga inosenteng tao. Hindi biro ang mga katulad nila." namamanghang sabi ni Kuya Zach.

"Minsan talaga may mga lawyer din na pera lang ang habol sa kliyente nila. Kapag kriminal ang isang tao, nararapat lang na siya'y makulong. Kahit kailanman ay hindi makatao ang mga taong nagpapalaya ng hustisya." seryosong sagot ko kay Kuya Zach.

"Pinangako ko sa sarili ko na sa susumpaan kong tungkulin bilang isang lawyer ay magiging daan ako upang makamit nila ang hustisya at hindi upang palayain ang may nagkakasala sa batas." nakangiting sabi ni Yvonne sa aming lahat.

"Mabuti naman kung ganoon Yvonne, hindi biro ang mga pinagdadaanan ng mga taong gustong makamit ang hustisya. Huwag lang papasilaw sa pera ng mga kliyente mo kung kapalit naman nito ang dignidad mo bilang tao." kalmadong sagot ni Kuya Zach kay Yvonne.

"Kayo ba? Anong thoughts niyo doon sa importansya ng freedom of speech sa kommunidad natin?" nakangiting tanong ni Ysabel sa kanilang lahat.

"Well, ang freedom of speech ay isa talaga sa mga pinaka-importanteng kontribusyon sa mundo. Isipin niyo na lang ngayon? Kung walang kalayaan ang Pilipinas na magpahayag ng kaniyang sarili ay walang mga business organizations ngayon. Walang mga innovation ng buildings ng iba't-ibang establishments. Walang mga improvements sa technology natin ngayon lalo na yang mga gadgets. Kung walang mga taong magpapahayag ng kanilang suggestions or opinions nila sa isang businesses, technologies or organizations. Maliit ang chance na umunlad ang ating bansa." nakangiting sagot ni Nicole sa tanong ni Kuya Zach kanina.

"Totoo yon, malaking bagay talaga ang naipapahayag natin ang ating mga sarili. Lahat ng matagumpay ngayon ay nagdaan sa lahat ng mga suggestions na maaring mapalawak ang kanilang mga businesses, mga opinions na kinakailangan isaalang-alang upang makagawa ng tamang desisyon, mga plans na kailangan maisakatuparan para maging matagumpay ang isang proyekto o event." nakangiting sagot ni Chezka sa tanong ni Kuya Zach kanina.

"Marami naman talagang kontribusyon ang kalayaan na mapahayag ang ating mga sarili sa pag-unlad ng bansa. Hindi dapat tayo nagii-stick lang sa isang plano. Dapat marunong tayong makinig sa suhestyon ng ibang tao para mas mapabuti ang magiging output niyo. Sa buhay, kailangan matuto kang magplano para sa sarili mo. Kapag nagfail ka sa isang bagay, matuto kang gumawa ulit ng panibagong plano at sumubok para maabot yun. Kumbaga kung hindi gumana si Plan A edi doon tayo sa Plan B hanggang Z. Hangga't nabubuhay tayo, may pag-asa." nakangiting sagot ni Shai sa tanong ni Kuya Zach kanina.

"Tama! Minsan kailangan din nating magtake ng risk. Wala ka namang magagawa kung uupo ka lang diyan at maghihintay. Lahat ng bagay paghihirapan mo para makamit mo ang tagumpay. Kung hindi ka magtitiwala sa mga taong nasa paligid mo at uunahin mo ang ego mo at pride mo, hinding-hindi ka magtatagumpay. Kung may may nagpapahayag ng isang opinyon o damdamin. Dapat marunong tayong makinig sakanila." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa topic namin ngayon.

"A good leader listens to his/her fellowmen. Lahat ng tao ay may karapatan at hindi nararapat na abusuhin ito ng iyong kapwa." nakangiting sagot ni Kuya sa topic namin ngayon.

"Tama ka diyan dude! Mabilis pa naman ang karma ngayon. Minsan talaga ang kulang sa mga tao ay ang salitang "respeto" sa bawat opinyon ng iba't-ibang tao. Imbis na makinig sila para sa ikakabuti nila ay sila pa itong parang dragon na nagbubuga ng apoy." nakangiting dugtong ni Yohannes sa sagot ni Kuya sa topic namin ngayon.

"Nasa sa tao na lang talaga ang pagpapahayag ng kaniyang sarili. Minsan kasi may mali sa choice of words natin o hindi naman kaya ay lack of knowledge tayo doon sa ibang topic. Kung makikichismis ka lang din naman tungkol sa paligid mo tapos kapag nag-disagree sila sayo para sila pa ang biktima." nakangiting sagot ni Vincentius sa topic namin.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now