Chapter 5

245 124 19
                                    

5:30 AM

Nagising na lamang ako sa malamig na simoy ng hangin at tila'y hindi ako makatulog, nagulat ako nang makita ko si Ysabel na nakatayo sa may pasilya nitong building.

Agad namang napalingon si Ysabel sa akin at nagsalita.

"Di ka pa makatulog?" usisang tanong ni Ysabel sa akin.

"Oo eh, hindi pa ako makatulog. Sobrang daming bagay lang din talaga ang gumugulo sa isip ko ngayong gabi." kalmadong sabi ko kay Ysabel.

"Ako din, hirap akong makatulog. Tila'y sa isang linggo na nakalipas ay napakaraming naganap sa buhay natin." tulalang sabi ni Ysabel sa akin.

"Wala na talaga akong maintindihan, sa ating apat mukha ako na ata ang susunod na mabibiktima kasi isipin mo lang naman Ysabel. Ikaw nagkaroon ng little misunderstanding ang parents mo tapos tanda mo noong P.E naten? Nadisgrasya ka at nahimatay. Si Nicole naman, si Nathan ay bigla namang nahimatay at isinugod sa ospital tapos malala pa nito wala magbantay at mag-intindi sakanilang magkapatid dahil parehas nasa business trip ang magulang nila tapos si Chezka ang sumunod na nanakawan at sinaktan pa ng holdaper para mawalan ng malay." naguguluhang salaysay ko kay Ysabel ng makaraan ang linggong ito sa amin.

"Hindi na talaga tayo maubusan ng problema no? Sabi nga nila, kung gaano karaming pagsubok o problema ang dala dala mo ganun din ang kalakasan at katapangan mo sa buhay. Hindi mo maiiwasang madapa sa reyalidad ng buhay pero dapat natututo na tayo sa mga pagkakamali natin at natututong bumangon para itama ang lahat." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Lahat naman tayo nahihirapan, lahat tayo napapagod at nasasaktan. Ang pinagkaiba lang natin sa kanila yung iba sumusuko na hindi pa lumalaban." tulalang sabi ko habang nakatitig sa buwan.

"Tama, laban lang palagi. Huwag susuko. Alam ko hindi man marami ang aalalay sayo sa pagbasak mo. Kahit isang tao lang na naniniwala na kaya mo na handa kang saluhin at aalalayan ka kapag nadadapa ka, masasabi ko hangga't may isang tao na nagmamahal sayo. Kakayanin mo kahit nakakapagod, nakakasakit at kahit mahirapan ka kase alam mong may taong may pagmamahal sayo at nakasuporta siya sayo." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel.

"Pero isipin mo no? Ang tatag ng mga taong kahit wala yung mga taong sasalo sa kanila kahit bumagsak sila, okay lang sakanila. Nabibilib lang talaga ko sakanila kase nung mga panahon na dapat may sasalo sakanila wala silang ganon." tulala kong sabi kay Ysabel.

"Nagiging negative effect din sa tao dahil doon pwedeng maging bato ang mga puso nila, nagkakaron ng pader na humaharang sa mga makakasalamuha nila. Mawawalan sila ng ganang magtiwala sa mga taong gustong makapasok sa buhay nila." nakangiting paliwanag ni Ysabel sa akin.

"Ang hirap mapunta sa ganoong sitwasyon, kung ako yata yon parang mababaliw ata ako." naguguluhang sabi ko sabay lingon ko sakaniya.

"Maswerte na lang tayo Xei dahil may mga magulang, kapatid at mga kaibigan tayong masasandalan sa oras ng pangangailangan na may aakay satin kapag nadadapa tayo na may gagawa upang makabangon tayo sa pagkakadapa dulot ng problema." nakangiting ni Ysabel sa akin.

"Oo naman Ysabel, sana nga hanggang sa tumanda tayo nina Nicole. Sana walang magbago kahit anong mangyari. Kung may magbago man sana sa mabuting paraan mangyari yon, di ko kayang mawala kayo sa buhay ko. Yun lang isa sa mga masisigurado ko ngayon sa buhay ko." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Masaya ako sa mga bagay na nae-experience ko kasama kayo na natutunan ko gawin kahit hindi ko pa alam kung paano at masaya ako sa kung anong meron tayong apat. Sana hanggang dulo, tayo pa rin. Hindi mabuwag, walang umalis." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel.

"I will pray for this friendship that it will not ends as the time passes by." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"The friendship will lasts longer if we have same connection of our relationship with God." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now