Chapter 12

103 46 16
                                    

6:22 PM

Naglakad ako papuntang kusina at tinulungan si Mommy sa mga pagkaing ihahanda niya.

"Mommy ano pong maitutulong ko sainyo dyan?" nakangiting tanong ko kay Mommy habang isinusuot ko ang apron.

Lumingon naman ito sa akin at bahagyang napangiti rin sa aking ginawa.

"Oh heto, hugasan mo yung chickens na gagamitin natin mamaya." sabay abot ng manok na nasa plastic pa.

Kinuha ko ang manok na nasa plastic pagkatapos ay nilagay ko ito sa isang lalagyanan pagkatapos ay hinugasan ko na ito at inalis na ang tubig nito.

"Anak, timplahan mo na yung manok dyan. Tatapusin ko lang itong pizza!" malakas na sigaw ni Mommy habang inaayos ang paglalagay ng mga pizza sa oven.

Kagaya ng utos ni Mommy ay tinimplahan ko ang manok, kumuha ako ng asin, paminta, vetsin, hot sauce, harina at itlog.

Ang una kong ginawa ay nilagyan ko ng paminta, vetsin, hot sauce, pagkatapos ay isinama ko na ang itlog at hinalo ko na ito.

"Mommy ako na po ang tatapos nitong Chicken!" malakas na sigaw ko kay Mommy na naroroon pa rin sa oven namin.

"Sige anak, salamat!" malakas na sigaw ni Mommy sa akin habang iniintay maluto ang pizza na prinepare niya.

Binuksan ko na ang harina pagkatapos ay kinuha ko na ang mantika at kinuha ang frying pan pagkatapos ay binuksan ko na ang electric stove para maumpisahan ko nang lutuin ang Fried chicken.

Nilagay ko na ang manok sa harina at pinagulong gulong ko ang manok sa harina nang malagyan na lahat ng parte ng manok ay nilagay ko na ang mantika at inintay na uminit ito.

Nang mainit na ang mantika at isa isa ko nang nilagay sa frying pan ang manok. Ilang minuto ay binaligtad ko na ito para maluto naman ang kabilang parte pagkatapos ay sunod sunod ko na itong niluto at paulit ulit na ganon ang pangyayari.

Kumuha ako ng isang bowl pagkatapos ay nilagay ko doon ang bagong lutong Fried chicken.

Ilang minuto pa ay nakatapos na rin akong magluto ng Fried chicken.

"Xeinna mukhang ang sarap niyan ah! Patikim nga." kukuha na sana sa Fried chicken si Kuya pero tinampal ko ang kaniyang kamay para mapigilan ito sa pagkain.

"Ano ba Kuya! Kakainin din naman natin yan mamaya, intayin mo nalang." sabay titig sakaniya ng masama at ngumuso lang ito sa akin.

"Sige na, can i have one please?" sabay hawak ng kaniyang dalawang kamay at tila nagsusumamo.

"Sige Kuya, papakain ko sayo itong fried chicken pero hindi ka na sasama mamaya." nakangising sabi ko kay Kuya na dahilan pa lalo ng pag nguso nito sa akin.

Napatawa na lamang ako sa tagpong iyon at dinala na ang fried chicken na niluto ko sa lamesa pagkatapos ay naabutan ko naman si Mommy na konti nalang din ay patapos na sakaniyang ginagawa.

Nagtimpla na rin ako ng dalwang pitsel ng juice. Kumuha ako ng orange and mango juice powder pagkatapos ay nilagyan ko ng yelo ang juice at sinalinan ito ng tubig pagkatapos ay nilagay ko na ang juice powder at hinalo ito.

Nang makatapos ako ay nilagay ko na rin yun sa lamesa.

"Oh ready na ba kayo mamaya? May surprise ako sainyo." nakangiting sabi ni Daddy sa amin.

Kumuha na ako ng panlatag at pumunta sa garden area na malapit sa fireplace pagkatapos ay inilatag ko na sapin at nilagay ang mga pagkain na naroroon.

Ilang minuto pa ang makalipas ay dumating na rin si Kuya hawak ang kaniyang gitara. Nakatingin at tila kinakabisado ang kakantahin niya mamaya para sa amin pagkatapos ay dumating na rin si Mommy at Daddy pagkatapos ay umupo na kami doon sa latag na hinanda ko.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon