Chapter 52

28 6 0
                                    

Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.

Inilapag ko na ang mga gamit ko sa isang sulok ng apartment na nirentahan ko.

Gusto ko na lang magpahinga.

Nakakapagod.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko upang makatulog.

Flashback

Naglalakad ako pauwi at naabutan kong may ambulansya sa bahay.

Binilisan ko ang mga hakbang upang malaman kung anong nangyayari.

Narinig ko ang sigaw ng mga tao sa paligid ko. 

Nakakabingi . . . . 

Nag-tungo ako sa loob ng bahay namin at nakita ko ang namamagang paa ni Mommy at namamanas ito.

Hindi ito gumagalaw at nakadilat lamang ang mga mata nito.

Nanlalamig  ang kaniyang kamay kaya umihip ako upang mabigyang init ito.

Nagulat ako nang biglang tumirik ang kaniyang mga mata at nangisay ang kaniyang katawan.

Nakakatakot . . . .

Tinawag ko si Kuya at Daddy para saklolohan si Mommy.

Kaagad namang nilang tinawag ang mga tao sa loob ng ambulansya upang dalhin ang strecther at mailagay doon si Mommy. 

Matapos mailagay si Mommy sa stretcher ay kaagad nila itong inilabas galing sa loob ng bahay upang isakay sa ambulansya.

Tumingin sa akin si Daddy at hinawakan ang balikat ko.

"Doon ka muna titira sa bahay ng Lola mo, magpaka-bait ka doon. Maghanda ka na ng mga gamit mo. Susunduin ka nila dito maya-maya." sabay gulo ng buhok ko.

Niyakap ko muna sina Kuya at Daddy bago sila umalis sakay sa ambulansya.

Heto na naman ako, mag-isa na naman sa bahay.

Inimpake ko na ang mga ilang gamit na gagamitin ko sa pananatili ko sa bahay ng Lola ko.

Ilang minuto ang lumipas ay sinundo ako ng Tita ko.

Bakas sakaniyang mga mata ang pandidiri ngunit binalewala ko na lamang iyon.

Naglakad kami ng Tita ko malapit sa sakayan ng tricycle.

Nakita niya ang kumare nitong nagtitinda ng bananaque at palamig.

Bumili siya at narinig ko ang kwentuhan nila.

Tungkol sa akin at sa pamilya ko.

Puro paninira at panglalait ang natanggap ko sakanila.

Tiniis ko na lamang ang mga masasakit na salita galing sa mga bibig nila.

Matapos naming kumain ng bananaque at palamig ay sumakay na kami ng tricycle.

Umuwi na kami sa bahay ng Lola ko.

Nagmano ako sakaniya at marami na kaagad itong utos sa akin.

Nagpaalam ako sakaniya kung maari bang mamaya ko gawin ang mga pinapagawa niya sapagkat maglalaba pa ako ng damit ko.

Pumayag naman ang Lola ko.

Dala-dala ko ang bag at inilabas lahat ng laman nito.

Ang mga malibag kong damit na nararapat nang malabhan.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon