Chapter 76

15 0 0
                                    

6: 41 AM

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw at namataan ko si Mommy na hinahawi ang mga kurtina sa kwarto ko.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko upang maging malinaw ang paningin ko. Kaagad naman akong bumangon sa kama at binati si Mommy.

"Good morning Mi! Anong breakfast for today?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"The usual. Ready ka na bang bumalik para sa sunod mong school year?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Well, excited naman akong bumalik sa pagaaral. Mamimiss ko lang siguro ang mga free time ko kagaya noong bakasyon pa kami Mi." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Maiiwan na naman ako sa bahay kapag nagkaroon na kayo ng schooling. Titiisin ko na lang para sa magandang kinabukasan niyo." malungkot na sabi sa akin ni Mommy.

"Ay, nagsesenti ka na ulit ngayon Mi?" natatawang biro ko kay Mommy.

"Hindi naman! Bumaba na nga tayo at naghihintay na ang boys para makapag-breakfast na tayong sabay-sabay." aya naman sa akin ni Mommy.

Bumaba na nga kami ng hagdan at nakita ko ang tatlong lalaki na nakaupo sa silya na malapit sa hapag-kainan.

Nagdasal na kaming lahat para makapagsimula na kaming kumain ng agahan. Si Mommy ang nag-lead ng prayer.

Nagsimula na kaming magsi-kuhanan ng pagkain at nagkwentuhan lamang kami saglit tungkol sa ganap ng isa't-isa.

Noong matapos kaming kumain at magkwentuhan ay tinulungan ko na lang si Mommy na maghugas ng pinaglutuan niya ng agahan at mga pinag-kainan namin. 

Naglakad na ako papuntang hagdan at umakyat para maghanda sa mga kaganapan ko ngayong araw. 

Ang bilis ng araw!

Parang kailan lang noong ihinatid ako ni Czheandrei sa bahay namin para gawin ang last bonding for mean time ng squad.

Ngayon ay mage-enroll na ako as SHS 12 student.

Bibili ng mga bagong school supplies.

Magpi-fitting ng panibagong school uniform.

Biglang nag-vibrate ang phone ko para sa isang notification.

Iyon ay galing kay Czheandrei.

Czheandrei Jeya Pagkaliwagan
• Active Now

Czheandrei: Ngayon ka rin ba mage-enroll sa school? Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?

Adrixeinna: Sure! Ngayon din naman ako mage-enroll sa school. 

Czheandrei: Pwede rin kitang samahang bumili ng mga school supplies mo at magpa-fit ng school uniform para ngayong school year. Kung gusto mo lang naman, hindi naman kita pipilitin.

Adrixeinna: Ayos lang ba sayo, hindi ba ako nakakaabala?

Czheandrei: Kahit kailan, hindi ka naman naging abala sa akin. Lagi naman akong may oras para sayo.

Adrixeinna: Naks! Mga anong oras ba tayo aalis?

Czheandrei: Susunduin ba kita? 

Adrixeinna: Magko-commute na lang ako. So anong oras nga?

Czheandrei: Ayaw mo ba talagang magpasundo sa akin? Sure na yan? Hindi na ba kita mapipilit? Look oh! I'm sad na :(

Adrixeinna: Fine CJ, whatever you want! What time ba ang alis natin?

Czheandrei: 8:30 AM, g ka ba?

Adrixeinna: Sige, magpre-prepare lang ako. Mag-message ka na lang sa akin kung papunta ka na rito.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now