Chapter 33

18 11 3
                                    

9:18 AM

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Kuya sa loob at niyakap ako ng mahigpit.

"Congratulations princess, you make us proud again. Thank you." mahinang bulong ni Kuya sa tenga ko habang nakayakap sa akin.

He's still the sweet brother I know.

Niyakap ko pabalik si Kuya at nagpasalamat sa kaniya.

"Maraming salamat sa suporta Kuya! As the President of Student Council in College department, I know you can do it. Goodluck." nakangiting bulong ko sa tenga ni Kuya.

Kumalas na kami sa yakap at sabay na napangiti.

Kinuha ko ang phone ko at patuloy pa ring nakaakbay sa akin si Kuya habang bumababa kami sa hagdan.

Nakita ko si Mommy na nasa lamesa at tila may inaasikaso.

Pumunta kami ni Kuya sa direksyon niya upang sabihin ang magandang balita.

"Mommy, I have a good news for you!" nakangiti kong sabi ni Mommy.

Napahinto si Mommy sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Anong good news yan anak?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"As the President of SSG Council in Senior High School, we are trending in all social media platforms at #1." nakangiting sagot ko kay Mommy.

Kita ko sa mga mata ni Mommy ang gulat at saya sakaniyang mukha.

"Anak, we are so proud of you! You made it again, let's celebrate later for your achievement today!" nakangiting sabi sa akin ni Mommy pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

Ramdam ko ang saya sa bawat salitang binibitawan ni Mommy.

Nakakataba ng puso na maramdaman na proud na proud sayo ang iyong ina.

"Sure! After Kuya's basketball game? G?" nakangiting sagot ko kay Mommy habang mahigpit na yakap din ang isinukli ko sakaniya.

"Hindi niyo ba panunuorin ang laban ko Mommy? Sama kayo if hindi kayo busy." magalang na sabi ni Kuya kay Mommy.

Tumunog ang phone ko at nakareceive ng text mula kay Daddy.

Daddy
Text Message
9:42 AM

Anak, trending daw kayo! Congratulations! You made us proud again. Keep it up! Usap-usapan ka agad dito ng mga empleyado sa kumpanya. Kapag nakauwi na ako, let's celebrate.

Napangiti ako noong nakita ko ang message sa akin ni Daddy. Nag-type naman ako agad para mareplayan ko ang message niya.

"Sinong nagtext?" kalmadong tanong ni Kuya sa akin.

"Si Daddy. Nag-message lang about sa trending achievement ng SSG Council." malumanay na sagot ko kay Kuya.

"Sure ako na usapan mamaya yun sa meeting niya. Isipin mo ba namang maging talk of town kayo anak and trending kayo sa lahat ng social media platforms at #1. Sa aming mga magulang, nakakaproud ang mga ganoong achievements. Alam Kong maliit na bagay lang yun para sainyo pero sa amin sobrang laking bagay dahil alam namin na napalaki namin kayo ng tama at nasa tamang landas ang tinatahak niyo sa buhay." nakangiting sabi sa amin ni Mommy.

"Mommy pahingi naman ng juice tsaka sandwich. Nawala ang energy ko kanina." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Sure anak, ikaw Theodore gusto mo din? Magsabi ka agad. Mamaya ay gutom ka na diyan." malumanay na tanong ni Mommy kay Kuya.

"Yes mi. Thank you!" nakangiti ngunit magalang na sabi ni Kuya kay Mommy.

Nagpunta sa kusina si Mommy at nagsimulang mag-handa ng sandwich.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now