Chapter 30

31 11 6
                                    

5:45 PM

Ilang oras akong nag-intay kay Mang Ernesto upang sunduin niya ako sa Starbucks.

Bagsak ang balikat ni Mang Ernesto at ang malungkot nitong mukha ang bumungad sa akin.

"Hija sumakay ka ng kotse, nagiintay na ang Mommy niyo." walang ganang sabi sa akin ni Mang Ernesto.

Tumingin ako sakaniya at itinanong ko sakaniya kung mayroon ba siyang problema.

"Manong, may problema po ba kayo? Maari niyo po akong pagsabihan. Nandito lamang po ako." tinapik-tapik ko ang balikat ni Manong Ernesto at niyakap.

"May nakilala ako noong babae, si Anastacia. Napaka-ganda at napaka-bait niya. Humanga ako sa kagandahan ng puso niya. Gumawa ako ng paraan para lang magkalapit kami at maging magkaibigan. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sakaniya ng lubusan. Hindi na ako ng nagsayang ng oras at umakyat na ako ng ligaw sakaniya. Pumunta ako sa bahay nina Anastacia upang ipaalam sa kaniyang mga magulang ang malinis kong intensyon sa kabilang anak. Lahat ay ginawa ko para lamang maging boto sila sakin para sa kanilang anak. Nagtagumpay naman ako at naging kasintahan ko si Anastacia. Marami kaming pinagdaanan bilang magkasintahan ni Anastacia. Nariyan ang walang katapusang pagaaway at lambingan. Minahal at tinanggap ni Anastacia ang lahat-lahat sa akin. Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Siya ang naging dahilan ng pag-ngiti ko sa araw-araw. Siya ang tahanan ko. Nakalipas ang ilang taon namin bilang magkasintahan ni Anastacia. Kami ay nagpakasal. Mahaba ang naging preparasyon para sa kasal namin pero hindi ako nagsisi na siya ang babaeng ko. Siya lang ang babaeng gusto kong makasamang humarap sa altar at sumumpa sa Diyos ng aming pagmamahalan. Hindi nagtagal ay ninais naming magkaroon ng anak ngunit hindi ko ito maibigay sakaniya. Isa akong baog Hija. Naging maunawain ang asawa kong si Anastacia at nanatiling mapagmahal. Wala na akong mahihiling pa. Nais ni Anastacia na magkaroon kami ng anak kaya nag-ampon kami ng bata. Nagpunta kami sa bahay-ampunan at doon ko nakita si Ernest, ang batang lalaking inampon namin. Ayon sa mga madreng nakausap namin, hindi siya kayang buhayin ng kaniyang mga magulang sapagkat galing sila sa mahihirap na pamilya at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Tumingin sa akin si Anastacia na tila'y naawa sa bata. Tama, si Ernest ang inampon namin. Masayang-masaya si Anastacia noong magkaroon kami ng ampon. Minahal ito at kinalinga niya na parang tunay niyang anak. Hindi ko akalain sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay mayroon siyang leukemia. Araw-araw ay tila pasan-pasan ko ang mundo. Sa tuwing makikita ko siyang nakaratay sa kama at unti-unting nanghihina ay tila parang nawawala din ang lakas ko. Ilang buwan ang lumipas, inilaban ko siya at ipinagamot ngunit hindi na niya kinaya ang sakit. Nagkaroon ng trauma si Ernest sa pagkawala ng kaniyang tinuturing na ina. Simula ng mamatay si Anastacia ay napadalas ang pagiging tahimik ni Ernest. Gusto niya palaging mapag-isa at nakakulong sa kwarto. Tuwing gabi ay naririnig ko ang pag-iyak niya. Nasasaktan ako para sakaniya. Ilang taon ay natuto na ulit siyang maging masayahin at palakwento. Nakilala niya si Alyana. Ang unang kasintahan ni Ernest. Napaka-galing pumili ng anak ko. Kung anong bait at ganda ng kaniyang ina ay gayundin ang kaniyang kasintahan. Bumalik ang sigla ni Ernest simula ng makilala niya ito. Minahal niya ang kaniyang kasintahan ng buong-buo at puro. Isang araw ay umuwi si Ernest na umiiyak at nakikita ko lungkot sa kaniyang mga mata. Bakas ang galit sa mga kilos nito. Tinanong ko siya kung anong nangyari. Naaksidente si Alyana. Gumuho ang mundo ni Ernest simula ng mangyari ang aksidente. Hindi nagsampa ng kaso ang mga magulang ni Alyana sapagkat binigyan ng pera ng mga magulang ng nakabangga. Wala siyang nagawa kung hindi manahimik pero ngayon ay balak na niyang maghiganti. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit nauwi lamang ito sa pagtatalo. Nagimpake ng mga damit si Ernest at lumayas ng bahay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita, wala na akong naging balita pagkatapos noon. Natatakot ako para kay Ernest. Sigurado akong maimpluwensiya ang pamilya ng nakabangga sa kaniyang kasintahan. Nagaalala ako sakaniya. Hindi biro ang kakalabanin niya sa pagkuha ng hustisya para sa kaniyang kasintahan." mahabang salaysay ni Mang Ernesto.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now