Chapter 10

171 112 21
                                    

12:45 AM

"Oh anak, kamusta ang lakad niyo nina Nathan at ng mga kaibigan mo?" nakangiting salubong sa akin ni Mommy at kaagad na yumakap sa akin.

"Okay naman po, ang dami naming pictures doon sa pinuntahan namin. Sobrang saya po talaga ng mga sandaling yun Mommy yun tipong parang ayaw ko ng matapos." nakangiting kwento ko kay Mommy sabay yakap sakaniya pabalik.

"Nag-enjoy ka ba anak? Sigurado akong pagod ka ngayong araw." nakangiting salubong naman sa akin ni Daddy at kaagad ding yumakap sa akin.

"Opo daddy, super nag-enjoy po talaga ako ngayong araw. Sulit po lahat ng pagod namin kanina." nakangiting sagot ko kay Daddy sabay yakap sakaniya pabalik.

"Gutom ka pa ba anak? May itinira akong pagkain para sayo." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Maraming salamat sainyo Mommy at Daddy pero hindi po ako gutom. Busog na busog pa po ako sa mga kinain ko kanina eh, siguro po kailangan ko ng magpahinga muna sa kwarto ko dahil sa pagod ko kanina sa mga ginawa namin sa Twin Lakes at pagod na rin ako sa byahe." nakangiting sabi ko kay Mommy at Daddy.

Kaagad na akong humalik sakanilang mga pisngi at naglakad na ako papuntang hagdan upang umakyat sa kwarto ko.

Nilagay ko ang shoulder bag ko sa sabitan nito at kinuha doon ang phone ko pagkatapos ay nilagay ko ito sa malapit sa may lamp ko.

Kumuha na ako ng pamalit kong damit na pantulog pagkatapos ay naghalf bath lang ako at naglagay ng mga skin care sa mukha at lotion naman para sa katawan.

Kaagad ko ring sinuot ang pantulog ko at humiga na ako sa aking kama para naman makapagpahinga na ako ngunit ipipikit ko na sana ang mata ko nang tumunog ang phone ko dahil sa notifications.

G I R L S

Nicole: Gising pa kayo? Nag-enjoy ba kayo kanina? @Maureen Ysabel Sanchez @Franchezka Aleah Imperial @Adrixeinna Marie Victoria

Chezka: Oo naman, isang memorable na araw na naman para sa ating apat. Nakakatuwa na may napasaya na naman tayong bata.

Ysabel: Bukod sa nag-enjoy tayo, natupad pa natin ang pangako natin kay Nathan diba? Kita ko yung saya at sigla nung bata nung habang nandoon tayo sa Twin Lakes.

Me: Buti nalang naisip ko yung idea na ipasyal si Nathan no? Ano nga pala sabi sainyo ng parents niyo?

Ysabel: Wala naman, tinatanong lang sakin kung kamusta daw ang gala natin kasama ni Nathan? Kamusta daw ang biyahe papuntang Tagaytay, kung traffic daw ba o hindi.

Chezka: Sinalubong lang ako nina Mommy at Daddy sa bahay at nagtanong sila sa akin ng mga ilang questions about nga doon sa gala natin kanina.

Nicole: Teka ano na nga palang balita doon sa vacation natin? Sunday naman bukas baka pwede na nating iayos yung prepration para sa vacation natin.

Me: Ay oo nga pala, di ko pa kasi nasasabi kina Mommy yung last na plano natin eh since wala pa namang date at place.

Ysabel: Pero nakapagpaalam na kayo? @Adrixeinna Marie Victoria @Carmellaize Nicole Ferrer @Franchezka Aleah Imperial

Chezka: Oo naman, kaharap niyo pa nga si Mommy nung nagpaalam ako diba?

Nicole: Di ko pa nasasabi kina Mommy at Daddy, sa Wednesday pa kasi daw ang uwi nila galing business trip.

Me: Oo nakapagpaalam na ko tsaka kasama naman si Kuya so okay lang yon.

Ysabel: Di pa ba kayo tutulog?

Me: Patulog na ko, tumunog lang yung phone ko at nacurious ako sa notifications tapos eto pala.

Chezka: Di pa ako matutulog eh, may inaanounce pa kasi si Sir pero after nito matutulog na talaga ako.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon