Chapter 59

23 5 5
                                    

4:52 PM

Kumaway ako kay Kuya Jerald na tanda ng aking pagpapaalam sakaniya. Ngumiti lang ito sa akin at kumaway pabalik.

Tumalikod na ako sakaniya at tumingin sa lalaking nasa tabi ko.

"Tara na?" nakangiting aya ko sakaniya.

"Bukas, kailangan mo nang harapin ang pinaka-malaking bubuo ng pagkatao mo." kalmadong sabi niya sa akin.

"Hindi pa ako ready na harapin sila Trev." natatakot kong sagot sakaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"Hindi mo alam kung kailan ka magiging ready sa buhay Adri. Kailangang matutunan mo ring harapin ang mga problema at huwag takasan ang nakaraan. Piliin mo palaging mabuhay sa kasalukuyan para maging matagumpay ka sa hinaharap." nakangiting payo niya sa akin.

"Natatakot ako Trev na baka itakwil ako ng sarili kong pamilya. Hindi ko lang talaga kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi ko kakilala? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Trev." naguguluhang sabi ko sakaniya.

"Huwag kang matakot, hawakan mo lang ang kamay ko. Nandito lang ako sa likod mo okay? Naiintindihan kita." niyakap niya akong mahigpit at hinagod-hagod ang likod ko.

"Paano mo nga pala nalaman ang kaso ni Kuya Jerald?" malumanay na tanong ko sakaniya.

"Noong una, nagtataka ako kung paano niya nalaman ang numero ko. Tinulungan pala siya ng mga pulis sa kulungan upang makontak ako. Nagkakausap na kami at sinabi niya sa akin ang lahat-lahat. Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka sa kwarto mo, sinikap kong hanapin ka saan mang sulok ng bahay niyo. Nakailang-tawag ako sa phone number mo pero walang nasagot. Triny din kitang i-reach out sa social media pero wala akong makitang bahid ng mga social media accounts mo. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero naniniwala pa rin akong makikita kita." kalmadong kwento niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko papalabas sa presinto.

"Wala akong ginawa kundi maghanap ng mga informations na makakapaglead kung nasaan ka. Sinabi ko sa sarili ko na kung umalis ka man sa bahay niyo, may valid na reason ka kung bakit mo iyon ginawa. Isang araw, naghahanap ako ng fruits para sa friend ko. Ni-recommend ng isa sa mga friends ko ang bilihan doon, masasarap at fresh daw lahat ng mga tinitinda nila. Pumunta naman ako kaagad sa bilihan na tinutukoy nila, nakita kita noong bumibili ka ng isda. Noong una, hindi ako maniwala. Iniisip ko na baka sobra lang akong occupied na mahanap ka kaya hindi kita pinansin. Paalis na ako noon ngunit nakita kitang sasakay ka sa isang tricycle at doon ko nakumpirma na ikaw nga iyon." mahabang kwento pa niya sa akin.

"Alam mo kapag para sayo talaga ang isang bagay? Kahit hindi mo antayin, kusa itong ibibigay sayo. Hindi mo kailangan magmadali, darating siya sa tamang oras at pagkakataon kapag handa ka na." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Noong makita kita, nabuhayan ako ng loob. Nagpanggap akong tricycle driver para lang masamahan ka sa pag-uwi. Hangad ko pa rin ang safety mo. Noong inaya mo ako sa apartment mo, na-relief ako. Ipinagpapasalamat ko sa Diyos na ayos lang ang kalagayan mo at masayang-masaya ka sa mga bagay na nararanasan mo. Nag-text sa akin ang Mommy ko at pinapauwi na ako ng bahay, ayaw kitang iwan pero kailangan. Habang naglalakad ako pauwi, iniisip pa rin kita. Nakapa-kapa ko ang ballpen na binigay ko sayo kaya bumalik ako. Kahit umuulan na noon ay wala akong pakialam. Ininda ko lahat ng iyon. Nakita ko kung paano ka magkaroon ng mental breakdown at halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko sa katawan. Hindi kitang iwan noon kaya nagpaalam ako kay Mommy na sa unit ko na lamang ako magiistay. " mahabang kwento pa niya sa akin.

"Anong sabi ni Tita?" mausisang tanong ko sakaniya.

"Pinayagan naman ako ni Mommy. Malaki na raw ako, kaya ko na ang sarili ko. Noong una kitang niyaya sa unit ko, hesitant ka pa noong una. Naiintindihan ko. Nag-isip ako ng paran para makasama ka at masigurado kong ligtas ka. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata mo kaya inaasahan kong pipiliin mong magpa-deliver na lang tayo ng pagkain. Wala naman akong problema doon. Noong gabi, pinili kong matulog sa couch para pasimple kong makuha ang laptop ko at maka-connect sa fandom mo at magkaroon ng mga meet and greet. Naalala ko si Dionne, isa siya sa mga naging friends ko noong nasa ibang bansa pa ako. Nagpatulong ako sakaniya na kung maari kunin ka niya bilang exclusive writer, gusto kitang i-surprise na magiging published author ka na." mahabang kwento niya sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now