Chapter 22

20 13 0
                                    

1:43 PM

"Oo naman Kuya, alam ko naman kung kailan ako dapat lumaban o manahimik." nakangiting sabi ko kay Kuya.

"Sabihin mo sa akin kapag may mga babaeng ginanyan ka. Akong bahala." seryosong sagot ni Kuya sa akin.

"Masusunod Kuya. Next na, may apat pang hindi nakakasagot." malumanay kong sabi kay Kuya.

Matapos ang usapan naming iyon ni Kuya ay sumagot na yung mga natitira.

"Ang yaman niyo no? Wala ka nga lang kasamang parents." nalulungkot na sagot ni Nathan sa tanong ni Kuya Zach.

Isa ito sa mga reyalidad ng isang anak na may mga workaholic na mga magulang. Marami silang hindi alam sa mga pinagdadaanan nila. Hindi nila nakikitang lumaki ang mga anak nila.

Kung hindi naman magtra-trabaho ang mga magulang nila. Wala silang kakainin at baka mamatay naman sila sa gutom. Wala ka talagang choice kundi magbanat ng buto para lang mabuhay kayo. Hindi naman madali ang bumuhay ng isang anak o bata.

Bilang magulang, rensponsibilidad mo na pakainin, bihisan at pag-aralin ang anak mo. Naiintindihan ko ang mga magulang na kinailangang malayo sa anak nila para lang buhayin ito.

Nakakalungkot isipin na habang patanda ng patanda ang mga magulang natin ay hindi nila naabutan ang paglaki natin.

"Ang galing mo namang magmemorize, para kang robot!" nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong ni Kuya Zach.

Wala namang masama kung magaling kang magmemorize dahil nagbe-benefit naman sayo yun pero sa mga taong inggit, wala silang gagawin kundi ang pabagsakin ka.

Sigurado ako na kahit isang robot ka, minsan may mas maganda ka pang maidudulot kesa sa mga ganiyang tao.

"Bagay ka maging professor, turuan mo yung mga mahihina ang utak na kagaya mo." malungkot na sabi ni Yohannes sa akin.

Kung tutuusin, mahalaga naman talaga ang isang professor sa isang unibersidad.

Kung wala mga professor, walang magtuturo ng mga estyudyante. Edi sana walang doctor, engineer, architect, flight attendant, lawyer at kung ano-ano pa.

Yung mga magulang na may propesyon ngayon. Hindi naman sila makakapagtapos kung hindi sila tumungtong ng kolehiyo at nag-aral. Ang professor nila ang mga nagturo at naging daan para maging kung sino sila ngayon.

Walang mahina ang utak, mayroon lang talagang tinatawag na fast learner at late bloomer.

"Ano pre? Resbakan ba natin? Hindi naman mahina ang utak mo, naiinggit lang siguro yan sayo." kalmadong sabi ni Vincentius kay Yohannes.

"Well, hindi naman kataka-taka na naiinggit sila sa kaibigan natin. Si Yohannes, isang dean lister. Yung grades niya nga ngayon, pwede raw mapasama sa Summa Cumlaude." kalmadong sabi ni Kuya sa aming lahat.

"Hindi pa naman sigurado yung sa Summa Cumlaude. Dean lister pa lang naman ako ngayon." nahihiyang sagot ni Yohannes kay Kuya.

"Well, sino ba rito ang mga dean's lister or may honors ngayon?" mausisang tanong ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Dean's lister ako ngayon. Pinagsasabay ko siya noon sa mga business ko at pagmamake-up ko sa mga kilalang tao. Mabuti na lang, mabait yung mga professors ko. Naiintindihan nila ang sitwasyon ko." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

Hindi na talaga ako magtataka kung Dean's Lister si Ate Cherry. Madami siyang kaibigan at madalas silang gumimik pero alam niya kung ano mga rensponsibilidad niya.

Hanga ako sa mga babaeng katulad niya na nagtra-trabaho pero nakakapag-aral pa rin ng mabuti.

Hindi madali maging Dean's Lister. Yung mga grades na kailangan mong i-maintain kada semester. Yung ilang kape ang iinumin mo para lang hindi ka dalawin ng antok. Yung mga projects mo na kailangan tapusin. Mga presentations at reports na kailangan mong gawin at talagang araw-araw kailangan mong mai-survive ang ganong routine.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now