Chapter 27

17 11 4
                                    

11:45 AM

"Anak, sino ba yang kausap mo? Walang mapagsidlan ng tuwa diyan sa mga labi na umaabot ang saya sa mata mo." nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Si Trevyn lang po Mommy. Nagka-kamustahan lang po kami." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Sigurado ka bang kamustahan lang talaga?" nakangising asar sa akin ni Mommy.

"MOMMY!" sinamaan ko ito ng tingin upang sawayin siya.

"Anak, nagtatanong lang naman ang Mommy mo. Bakit ganiyan ka maka-react?" kalmadong tanong sa akin ni Daddy.

"Si Mommy po. Inaasar niya po ako. May gusto po siyang palabasin." sumbong ko kay Daddy.

"Mahal, dalaga't binata na talaga ang mga anak natin." nakangiting sabi ni Daddy.

"Oo nga, nakakalungkot. Ang bilis nilang lumaki mahal. Parang kailan lang." kalmadong sabi ni Daddy kay Mommy.

"O siya, maiwan ko muna kayo. Magluluto lang ako ng ulam natin para sa tanghalian." nakangiting sabi sa amin ni Mommy.

Tumayo na si Mommy sa sofa at nag-umpisang maglakad papuntang kusina.

Napalingon naman ako kay Daddy sa pagsasalita nito.

"Alam mo anak, sobrang swerte ko sa Mommy mo. Isa siya sa mga natatanging wife material na kilala ko." nakangiting sabi ni Daddy sa akin.

"Swerte po kayo sa isa't-isa Daddy. Naamaze ako sa love story niyo. Yung hindi lang puro kilig at saya. Darating din sa puntong may sakit at lungkot. Iba ang pag-ibig." nakangiting sagot ko kay Daddy.

"Anak kapag sobrang mahal mo kasi yung tao, lahat gagawin mo. We fight. We fix. We stay. Walang perpektong tao, relasyon pa kaya? Love is all about loving a person perfectly imperfect." nakangiting sabi ni Daddy sa akin.

"Daddy naniniwala po ba kayo na sa pag-ibig, may maling tao?" curious kong tanong kay Daddy.

"Anak, naniniwala ako na walang maling tao sa pag-ibig. Hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa." kalmadong sagot ni Daddy sa aking tanong.

"Daddy, paano mo masasabi siya na ang tamang tao para sayo?" curious kong tanong kay Daddy.

"Dalawa lang tao sa mundo na maaring pumasok sa buhay mo. Yung blessing at lesson sa buhay ng isang tao. People come and go. May mga taong pansamantala at panghabang-buhay. Paano mo malalaman kung ang tamang tao sayo? Simple lang, you are blessing to him." kalmadong sagot ni Daddy sa aking tanong.

"Daddy nagkaroon po ba kayo ng time na nagcool-off or nagbreak kayo ni Mommy nung magkarelasyon pa lang kayo?" curious kong tanong kay Daddy.

"Hindi kami dumaan sa ganiyang stage ng Mommy mo. Hangga't maari, pinipili naming ayusin kesa tapusin." kalmadong sagot ni Daddy sa aking tanong.

"Nahot-seat ka na ba Daddy? Kalma ka lang, ako lang to. Pinagpapawisan ka na oh." kumuha ako ng tissue sa lamesa na malapit sa sofa at ipinunas sa noo at buong mukha ni Daddy.

"Hindi naman, sobrang sarap lang kasi balikan noong magkasintahan pa lang kami ng Mommy mo. Sobrang simple lang ng mga bagay na makakapagpasaya sa amin. Kakain kami sa tabi-tabi lang. Lahat ng mga efforts, sobrang balance lang. Parehas may ambag sa relasyon." nakangiting sabi ni Daddy sa akin.

Hindi ko napansin si Kuya na nakabalik na dahil sa pagwalk-out niya kay Daddy.

"Mukhang seryosong usapan yan ah? Sali naman ako." nakangiting sabi ni Kuya sa aming dalawa ni Daddy.

"Sige lang anak, hina-hotseat ako nitong kapatid mo e." kalmadong sagot ni Daddy kay Kuya.

"Kuya, wala pa ba talagang pumapasa sa mga standards mo?" malumanay na tanong ko kay Kuya.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now