Chapter 16

40 19 28
                                    

7:22 PM

Nakangiti ang pamilya ni Trevyn nang salubungin nila ako.

Kinakabahan akong salubungin ang mga tingin nila ngunit sinuklian ko sila ng matatamis kong ngiti upang mabawasan ang nararamdaman kong kaba sa aking dibdib.

Nagtitigan lang kaming lahat at tila inaanalisa ang mga mukha ng isa't-isa.

Binasag ng isang dalaga ang katahimikan nilang lahat.

"Trev, bakit hindi mo ipakilala ang magandang dalaga na nasa ating harapan?" nakangiting tanong ng dalaga kay Trevyn.

"I would like to introduce to you all my childhood sweetheart, Adrixeinna Marie Victoria." nakangiting sabi ni Trevyn sa kaniyang pamilya.

"Hello, nice meeting you again Adri! Ang laki mo na! Parang kailan lang nung ako pa ang nagmamake-up sayo nung bata ka. Ngayon sobrang ganda at sexy mo na talagang bata ka, napaka-natural lang tulad ng dati." sabay yakap sa akin ng mahigpit hinagod ang aking likod at saka bumeso.

"Maraming salamat po sa papuri Ate Cherry! Naikwento ka rin sa akin ni Trevyn na isa ka na daw sikat na make-up artist and also isa ka na ring businesswoman sa comestics industry. Sobrang napro-proud ako sayo Ate, ang layo na ng narating mo!" nakangiting sagot ko kay Ate Cherry sabay yakap pagbalik at bumeso rin ako sakaniya.

"Nako Trevyn, marami kang ikwe-kwento sa amin!" nakangiting tukso ng Mommy ni Trevyn sa amin.

"Wag mo nga i-pressure yung mga bata, hayaan mo silang mag-kwento." kalmadong sabi ng Daddy ni Trevyn sa kaniyang asawa.

"Ay nako basta! Marami tayong paguusapan ngayon. Namiss ko talaga silang magkasama, payakap nga ako!" nakangiting sabi ng Mommy ni Trevyn sabay yakap sa aming dalawa at niyakap din naman namin siya kaagad.

Ilang saglit pa ay kumalas na rin sa yakap ang Mommy ni Trevyn sa amin pagkatapos ay bumulong naman sa akin si Trevyn.

"Pasyensya ka na talaga sa mga inaasal ng pamilya ko, namiss ka lang talaga nila. Ang tagal ka rin nila kasing hindi nakita eh." nahihiyang bulong nito sa akin.

"Okay lang, ang bait pa rin nga ng parents at kapatid mo e. Wala silang pinagbago simula nung mga bata pa tayo." mahinang bulong ko rin sakaniya.

"Anong pinagbubulungan niyo riyan mga anak?" nanunuksong sabi ng Mommy ni Trevyn sa amin.

"Baka future nila Mommy hihihihi!" nakangiting asar ni Ate Cherry sa amin ni Trevyn.

"Ate manahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo!" tiningnan ni Trevyn si Ate Cherry ng masama at hindi nagpatalo ito hanggang sa sumuko rin si Trevyn.

"Maupo na nga muna tayo sa table anak, ang gugulo na naman ng Mommy at Ate mo sa bisita ngayon." buntong-hiningang sabi ng Daddy ni Trevyn sa kaniya.

"Tama ka diyan Dad! Good idea, nagugutom na yata si Adri. May pagkain pa ba tayo diyan?" kalmadong tanong ni Trevyn sa Daddy niya.

"Mayroon pa, labis ang mga pagkain na dinala namin dahil baka magutom tayo rito ng sobra. Nakapaghanda naman kami, don't worry. We got you!" nakangiting sagot ng Daddy ni Trevyn sakaniya.

"Mabuti naman Daddy, papakainin ko rin muna si Adri para hindi siya maubusan ng lakas sa mga itatanong nina Mommy at Ate." kalmadong sabi ni Trevyn sa Daddy niya.

Naglakad na kami kung saan nakaupo kanina ang pamilya ni Trevyn bago nila kami sinalubong kanina.

Ipinaghila ako ng upuan ni Trevyn at umupo naman ako doon. Nagsi-upo na kaming lahat maliban kay Trevyn.

"Saan ka uupo Choco? Dito ka nalang, ayos lang naman ako kahit nakatayo lang." nahihiyang sabi ko sakaniya sabay tayo sa upuan.

"Wag na gatas ko, kukuha nalang ako ng ibang upuan sa ibang table. Ayokong nahihirapan ka kaya sige na, hayaan mo ng gawin ko ito para sayo." nakangiting sagot ni Trevyn sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon