Chapter 43

22 10 21
                                    

9:18 PM

Hawak ko ang mga kamay ni Trevyn at tumambad sa akin ang isang kumikinang na itim na kotse.

"May license ka ba para i-drive yung kotse?" nagaalalang tanong ko kay Trevyn.

Ngumiti lang ito sa akin at binuksan ang isang passenger seat ng kotse.

"Malapit lang naman ang pupuntahan natin, wala namang check point sa daan." sumakay na si Trevyn sa kotse at nag-suot ng seat-belt. 

"Seryoso ka ba?! Paano kung mahuli tayo at dalhin ka nila sa presinto? Sa tingin mo ba pa-piyansahan ka ng magulang mo sa kalokohan mong yan?" tumaas ang kilay ko ng marinig ang mga salitang iyon galing sakaniya.

"Magtiwala ka sakin." tiningnan niya ako sa mata at inaa-assure niya ako na tila'y walang masamang mangyayari sa akin.

Nagaalangan pa akong sumakay pero naniwala ako sa mga matang nakatitig sa direksyon ko.

"Sakay!" bahagyang tumaas ang boses nito kumpara kanina kaya sumakay na ako ng kotse.

Nakakatakot ang awra niya kaya naglagay na ako ng seat-belt at sumunod na lamang sa nais niya.

Ang dating masaya at maliwanag nitong mukha ay napalitan ng kalungkutan at kadiliman.

"May problema ba Trev? Ang lalim ng iniisip mo ah!" pagpuna ko sakaniya.

"Wala, manahimik ka na lang diyan. Malapit na tayo." seryosong sagot sa akin ni Trevyn.

Naninibago ako sa presensya at emosyon na pinapakita niya ngayon. Sa ilang taon na nakalipas, masasabi kong nagbago siya.

Ibang-iba ang tindig at pananalita niya kumpara noong huli kaming magkita kesa ngayon.

"Kanina ka pang tahimik, hindi tuloy ako sanay." malumanay kong sabi kay Trevyn.

"Masanay ka na, iba na ang noon at ngayon. Tanggapin mo na ang katotohanan habang maaga pa." walang emosyong sagot ni Trevyn sa akin.

"Marami na ba talagang nagbago sayo?" tinitigan ko siya ng mabuti at pinutol niya iyon sa isang saglit na nagsalita siya.

"Nagalala ka sakin? Di kailangan. Masaya ako, ikaw lang naman ang pinangarap ko noon. Nakuha ko na ngayon, ano pa bang hihilingin ko?" nasilayan ko na muli ang ngiti sa mga labi niya. 

Napanatag ako nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha.

"Seryoso? Magsabi ka sakin ng totoo." seryosong sabi ko sakaniya.

"Oo naman, ikaw pag-usapan natin. Kamusta ka?" nakangiting sabi niya habang naka-tingin sa daan.

"Kagaya pa rin ng dati, wala namang nabago. Walang exciting na mga ganap sa buhay ko." malumanay na tanong ko sakaniya.

"Sa tingin mo walang excitement ang buhay mo? Hindi kaya. Ang buhay mo ay napaka-makulay." hininto niya ang sasakyan at tinitigan ang mga mata ko.

Nakakasilaw ang liwanag ng mga mata niya ngunit napaka-ganda katulad ng isang masinag na araw sa umaga.

"Pero yung kagaya pa rin ng dati, naniniwala ako na kagaya ka pa rin ng dati diba? Ako kasi, hindi na." makahulugang sabi niya sa akin.

"Walang masama sa pagpapakatotoo sa sarili, masakit lang. Mahirap tanggapin." malumanay kong sagot sakaniya.

"Mas okay magkaroon ng lakas na ipaglaban ang totoo dahil lahat ng kasinungalingan ay may kahinaan sa kahit anong aspeto." seryosong sabi niya sakin.

"Minsan kahit gaano mo kamahal ang isang bagay, hinding-hindi mo malalaban ang tadhana." makahulugang sabi ko sakaniya.

I'M INTO YOU SEASON 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن