Chapter 39

28 12 20
                                    

12:39 PM

Nadatnan ko sina Mommy at Kuya na nakaupo sa silya at nagkwe-kwentuhan sa harap ng hapag-kainan.

"Oh ayan na pala ang kapatid mo. Magsimula na tayong mag-dasal. Ikaw ang mag-lead ng prayer Xeinna."

Nag-Sign of The Cross na kami at sinimulan ko na ang panalangin.

"Panginoon, maraming salamat po sa biyaya niyo sa araw na ito. Nawa'y palakasin niyo ang mga pangangatawan namin sa bawat araw na lumilipas. Kayo na po ang bahala sa amin. Iniiaalay po namin ang panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus. Amen." taimtim kong dasal sa Poong Maykapal.

Nag-Sign of The Cross ulit kami upang tapusin ang panalangin.

Nagluto si Mommy ng pritong Tilapia at ginataang kalabasa.

Ang bango! Mukhang ang sarap!

Kumuha ako ng kanin at kumuha ng isang Tilapia pagkatapos ay nagsandok din ako ng gulay.

May toyomansi pang kasama tsaka sili! A perfect combination!

Sobrang simple lang pero sobrang sarap!

Kumuha ako ng laman ng Tilapia at sinawsaw sa toyomansi. Ang lutong ng isda! Napaka-lambot! Maganda ang pagkakaluto sakaniya.

Ang sarap! Nag-kamay na lang ako para mas madagdagan lalo ng flavor ang pagkain.

Kumuha ako ng kanin at gulay pagkatapos ay sinubo ko na sa bibig ko sabay kuha ng laman ng Tilapia na sinasawsaw sa toyomansi.

Habang kumakain ako ay nag-simula na kaming magkwentuhan nina Mommy at Kuya.

"Kamusta ang DAY 2 niyo anak? Is it successful ba?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy na ngayo'y nagka-kamay na din.

"It was a successful meeting for our mental awareness and self-worth advocacy. Sobrang nakaka-proud ang mga estyudyante sa Taga-Luna habang pinapakinggan ko ang mga kwento nila." nakangiting sagot ko kay Mommy habang nagka-kamay ng pagkain namin para sa tanghalian.

"Everyday na magche-check ako ng social media, kayo palagi ang talk of town. You really did a great job princess!" masiglang puri sa akin ni Kuya.

"Ay hindi ko pa nache-check, nakikipag-chikahan ako kanina sa Messenger." natatawang sagot ko kay Kuya.

"Uy kilala niyo yung isang kapit-bahay natin? Maagang nabuntis ang anak niya. Ang bali-balita ay palaging nag-aaway ang magulang dahil babaero ang lalaki at workaholic ang babae, pressured sa mga accomplishments ng mga kaibigan, tinakbuhan ng kasintahan yung batang pinagbubuntis nung anak ng kapit-bahay natin." malungkot na kwento ni Mommy sa amin.

"Eto talaga ang mga resulta ng toxic culture and beliefs ng mga tao sa Pilipinas, ipapakasal dahil magkakaanak. Normalize being parents to a child without marriage." tumaas ang kilay ko nang marinig ang kwentong iyon mula kay Mommy.

"Unang-una, wag tayong maging enablers ng teenage pregnancy. Isipin niyo na lang yung batang maaring mabuo. Yung buhay na kagigisnan niya. Yung magulang na kalalakihan niya. Yung environment na kalalagyan niya. Don't enable it, guidance is the key." seryosong sabi ni Kuya sa amin.

"Huwag na huwag tayong masasanay sa kultura na kapag nabuntis ang babae ng lalaki ay ipapakasal ng magulang. Aminin na natin, hindi lahat ng marriage ng mga mag-asawa ngayon ay successful. Hindi lahat ng tao kayang matutunan mahalin ang isang tao. Nararamdaman yan." seryosong sabi ko kina Mommy at Kuya.

"Sa panahon ngayon, sobrang swerte kami ng Daddy niyo. Aminin na natin, maraming unsuccessful marriage sa bawat mag-asawa. People should practice co-parenting if the girl was pregnant but they don't love each other. Sagrado ang kasal, panghabang-buhay na sumpaan. Hindi laro-laro lang. Hindi pwede yung napaso sa lugaw, iluluwa mo na. Not all marriage is successful. Alam natin yun, the biggest cause is the manipulative culture and beliefs in the Philippines. Ipapakasal kayo dahil magkakaanak. Look, hindi lahat ng tao ay nasa libro na fixed ang plot na kailangan maiinlove yung leading man sa leading lady kapag nagkaanak sila ng maaga. Nasa reyalidad tayo. There's always a big rensponsibility in marriage to work on." mahabang paliwanag ni Mommy sa amin ni Kuya.

I'M INTO YOU SEASON 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें