I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

277K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 24

425 12 3
By Eccedentisiann

"Jacob, ibaba mo nalang kaya ako. Hindi naman na masyadong masakit ang paa ko," sabi ko, pero nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

"No," tipid niyang sagot.

Feeling ko talaga ay nahihirapan na siya sa pagbubuhat sa akin, sa layo ng tinakbo namin ay hindi ko rin alam kung saan banda ng camp itong napuntahan namin.

Tumigil siya sa paglalakad at inayos ang pagkakabuhat sa akin.

"Sorry talaga."

"You will pay me for this."

"Ano? Wala naman sa usapan 'yan ah," agad kung sabi.

Siya ang nagsabi na bubuhatin ako tapos gusto niyang bayaran ko siya.

"I am not talking about money, Samantha," seryoso niyang sabi.

"Eh ano?"

"Grant me a wish."

Laglag ang panga ko.

Ano na naman ang balak ng lalaking 'to?

"Ano ba 'yan?" tanong ko

"Well, hindi ko pa sasabihin ngayon," at saglit akong nilingon.

"Siguraduhin mong madali lang 'yan."

Mas lalo kung hinigpitan ang pagkapit sa kan'yang leeg pero sa paraang hindi siya masasakal.

Ilang minuto ang lumipas pero walang nagsalita sa aming dalawa kaya napatikhim ako.

"Matanong ko lang bakit sa tuwing nakikita kita lagi kang tulog, hindi ka ba natutulog sa bahay niyo?" basag ko sa katihimikan.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko, napaismid ako dahil wala naman nakakatawa doon sa tanong ko.

"Because it's my hobby," sagot niya.

"Hobby ba 'yun? Kahit sa school natutulog," sarkastikong sabi ko.

"School is boring," balik niyang sagot na dahilan ng pagpingot ko sa kan'yang tenga.

"Ano? Anong boring?! Kung ayaw mo pala mag aral edi sana hindi ka nag enroll, nagsasayang ka lang ng pera."

Napahinto siya sa paglalakad at tinanggal ang kamay kung nakahawak sa tenga niya habang natatawa.

"Just kidding!" aniya habang natatawa pa rin.

"Bakit ikaw hindi ko malaman kung ano bang ugali ang meron ka, minsan amazona minsan hindi," muli kung hinila ang tenga niya dahil sa sinabi niya.

Trip din ata ng lalaking ito na mang inis.

"Kung ako talaga nakakalakad ng maayos baka kanina pa kita sinapak ng paulit ulit," inis na sabi ko.

Napairap ako dahil hindi siya matigil sa kakatawa.

"Jacob!"

Sabay kaming napalingon sa taong tumawag sa kan'ya at nakita namin si Harvey na kasama si Klea at nanlalaki ang matang lumapit sa amin.

"Anong nangyari?" tarantang tanong ni Angel at tinitigan kaming dalawa.

Tinapik ko ang balikat ni Jacob, senyales na ibaba ako.

"Nadapa kasi ako at pinulikat kaya hindi ako makalakad ng maayos," sagot ko habang inaalalayan pa rin ako ni Jacob.

"Masakit pa ba?"

Agad akong umiling at nagpatuloy sa paglalakad habang akay akay na ako ni Angel habang si Jacob ay nakaalalay din sa likod ko.

Habang papalapit sa Camp ay napapatingin ang iba sa amin at napapatanong kung anong nangyari.

"Anong nangyari Samantha?" napatingin ako kay Ma'am Romero ng papalapit na sila sa amin.

Sasagot sana ako ng may agad sumingit sa puwesto ni Ma'am Romero na dahilan ng paglaki ng mata ko.

"What happened!?" galit na sabi ni Mateo.

Agad niyang kinwelyuhan si Jacob kaya napasigaw kami sa gulat.

"Mateo!" sigaw ko at napasigaw din ang ibang andito dahil sa biglaang kilos niya.

Kita ko ang maliit na pag ngisi ni Jacob at tinulak si Mateo, kaya agad pumagitna si Sir Fred para awatin ang dalawa.

"Mateo stop!"

Hinawakan din ng iba si Mateo at Jacob sa braso at baka kung ano pa ang mangyari.

"Na..nadapa lang ako," mahina kung sabi.

Pabagsak niyang tinanggal ang mga kamay ng mga kaklase naming umawat sa kan'ya at bumaba ang tingin sa tuhod ko.

Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatitig doon. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

Lumapit siya sa akin at nagulat ng buhatin niya ako na parang bridal style, rinig ko ang singhapan nila.

"Ma..mateo," utal kung sabi.

"I don't fucking care what are they thinking. I don't know what the fuck happened while you're with him," kita ko ang pag iting ng kan'yang panga.

Ibinaba niya na ako sa upuang monoblock at may agad na lumapit sa aming nurse ng school dala dala ang first aid kit. Mabilis nilang ginamot ang sugat ko sa tuhod at lumapit naman ulit  sa akin si Mateo dala dala ang maliit na tuwalya. Nagtaka ako kung para saan iyon nang kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ang putik doon.

Mas lalo lumakas ang singhapan nila kaya napayuko ako. Balak ko sanang kunin ito pero bigla niyang inilayo.

Muli akong napaangat nang tingin ng dumaan si Jacob sa harapan ko at kinuha rin ang maliit na pamunas at pinunasan ang kan'yang kamay. Umiwas agad ako ng tingin ng hinarangan ni Mateo ang tinitignan ko.

Inabot niya ang basong may tubig kaya agad ko 'yun inabot at uminom.

"Samantha, okay ka lang ba talaga?" napatingin ako kay Ma'am Romero.

"Opo Ma'am, kasalanan ko rin naman po kung bakit po ako nadapa."

Tumayo na ang nurse ng matapos lagyan ng band aid ang sugat ko.

Napayuko ako para magpasalamat bago tumayo. Nanlaki ulit ang mata ko nang hawakan ni Mateo ang baywang ko para alalayan ulit.

Kinagat ko ang labi ko dahil lahat sila ay hindi makapaniwala sa nakikita nilang kilos ni Mateo.

"O..okay lang ako," hinawakan ko ang kamay niyang nasa baywang ko para tanggalin iyon pero mas lalo lamang itong humigpit.

"Mateo."

Agad akong napaangat ng tingin kay Klea. Nakatingin siya kay Mateo pababa sa kan'yang kamay.

"Tawag ka ni Sir Fred," malamig niyang sabi.

"Sige na Mateo, okay lang talaga ako," pasimpleng bulong sa kan'ya habang kunwaring inaayos ang buhok ko.

"We will talk later Sam, I want to know what happened to you," bago niya ako binitawan at umalis.

Sinapo ako ng aking noo at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila ang lahat ng nangyari.Mas lalo na kila Angel at Klea.

"You need to rest Samantha," tumango ako kay Ma'am Romero.

Kahit kaya ko nang maglakad nang maayos ay inalalayan pa rin ako nila Angel at Klea papuntang tent namin. Nagbihis muna ako bago ako tuluyan umupo sa harapan nilang dalawa.

"Paano ko ba to uumpisahan?" gulong sabi ni Angel at naningkit ang mata ng makita namin ang anino ng mga kaklase namin sa labas ng tent.

"Saglit lang," sabay sumungaw sa labas.

"Hoy mga chismosang kapitbahay umalis nga kayo diyan! Gustong magpahinga nung tao. Alis! Alis!" sigaw ni Angel.

"Tignan mo mga 'yun akala nila hindi natin sila nakikita, gusto lang naman makinig kung ano rin ang nangyari," dagdag na sabi niya habang naiinis na bumalik sa kan'yang puwesto.

Pati ako ay kinabahan sa mga tanong nila.

"So, paki explain kung anong totoong nangyari. Ano 'yung nakita namin kanina bakit naging gano'n nalang bigla si Mateo? Anong meron? May something ba?" walang preno niyang sabi.

Pumikit ako ng mariin at napahinga ng malalim at ikinwento sa kanila kung ano ba ang nangyari. Halos manlaki ang mata ni Angel ng sinabi ko sa kan'yang minesahe ni Jacob ang paa ko, samantalang tahimik lamang nakikinig si Klea.

"Oh my gosh!" Impit siyang napasigaw at yinugyog ang braso ko. "Gusto ko din madapa tapos mamasaihin ni Jacob ang paa ko tapos ipipiggy back ride niya rin ako."

Hinampas ko ang balikat niya dahil sa totoo lang ay nahihiya rin akong magpakita kay Jacob. Napakasungit ko sa kan'ya tapos siya ay talagang tinulungan ako.

"Eh kay Mateo, bakit gano'n nalang siya makipagreact nung nakita niyang akay akay ka ni Jacob at muntik pang makipagsuntukan."

Napuyuko ako dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Saka may crush din si Angel kay Mateo, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.

"Kasi..Ano..Ahm.." halos diko masabi sabi.

"Ano?" mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Angel! She needs to rest, lumabas muna tayo," sabi ni Klea at hinawakan ang braso ni Angel.

"Wait lang, gusto kung---"

"Angel!"

Biglang sigaw niya pati ako ay napatalon sa gulat.

"Oh okay."

Nagulat si Angel kaya agad siyang sumunod sa kan'ya palabas. Napabuhga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib.

Muntik na iyon.

Sinarado ko muna ang tent bago humiga at saktong tumunog ang cellphone ko.

Mateo:
I'm sorry for what I did earlier. Seeing you hurt makes me scared. Call me when you need something, okay?

Agad akong nagreply sa kan'ya.

Ako:
Don't worry about me. It's just a small wound.

Tumagilid ako ng higa, kung kanina ay gusto kung magpahinga ngayon ay gusto ko nalang siyang kausap.

Mateo:
Even though it's just a small wound, I am worried for you Sam. I am here outside your tent, I want to see you to make sure if you are really okay.

Agad akong napabangon dahil sa reply niya. Nasa labas siya?!

Ako:
Okay lang talaga ako, magpapahinga lang, lalabas din ako mamaya.

Asa labas din sila Angel at Klea, yung mga kaklase ko. Ano iisipin nila pag nakita nila si Mateo na nasa labas ng tent namin.

Mateo:
Okay. You can rest now.

'Yun lamang ang sinabi niya. Binatawan ko na ang cellphone ko at biglang pumasok sa isip ko si Jacob, ano kaya ang iniisip niya ngayon ng muntik na siyang suntukin ni Mateo.

Napasabunot ako sa aking buhok, kung hindi lang ako nadapa hindi sana ito nangyari ngayon.

Muli akong napabuntong hininga at ipinikit na ang mata, ayaw ko nang mag isip ng kung ano ano.

Mabilis lumipas ang oras at namalayan ko nalang na gabi na. Bumangon na ako at kinuha ang jacket ko dahil sa lamig, tila dumoble ang lamig ngayong gabi.

Lumabas na ako at nakita ang lahat na napakalibot sa isang malaking bonfire, kung kagabi ay bawat block ang nangyari ngayon naman ay nagkaisa. Rinig ko ang ibang nagkakantahan at meron ring ibang sumasayaw.

Napasuklay ako nang aking buhok gamit ang aking kamay at hinahanap sila Angel at Klea nang makita ko sila ay lalapit na sana ako ng may agad humawak sa kamay ko, muntik na akong mapasigaw sa pag aakalang multo ay si Mateo lang pala.

"Nakakagulat ka naman," inis na sambit ko pero hindi siya sumagot at agad akong hinila papaalis.

"Saan tayo pupunta? Baka hanapin nila tayo, mas lalo silang magtataka."

Napatingin ako sa dinadaanan namin at halos wala akong makita, tanging dala lamang niyang flashlight ang nagsisilbing ilaw sa daan namin.

Napakapit ako sa braso ni Mateo dahil sa kung anong narinig. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"What's wrong?"

"Wa..wala, saan ba talaga tayo pupunta?" ulit ko.

"You will know later," sagot niya at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Todo lamang ang kapit ko sa kan'ya dahil nakakatakot talaga ang dinadaanan namin.

Bumagal ang kan'yang paglalakad kaya napatingin ako sa kan'ya, kita ko ang maliit niyang ngisi.

"Are you ready?" aniya.

Napakunot noo ako.

Napatingin ako sa kamay namin ng pinagsaklop niya ito. Simpleng hawak lang ay grabe na ang bilis ng kabog ng puso ko.

Muli kaming nagpatuloy sa paglakad hanggang sa mapatakip ako nang aking bibig ng makita kung ano ang nasa harapan namin ngayon.

Mga naglalakihang buildings sa hindi kalayuan at mga ilaw na dahilan kung bakit napakagandang tignan dito sa kinatatayuan namin ngayon, mga ibang nagpapantay sindi sa mga gusali na animo'y kumutikutitap sa ganda. At sa hindi kalayuan sa amin ay may nakita akong nakalatag na mga pagkain tila ba magpipicnic kaming dalawa.

Siya ba ang naghanda nito?

Kita ko na hinawakan niya ang kanyyang batok at nahihiyang tumingin sa akin. "Did you like it? This is a city of lights. Well, I don't know---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad siyang yinakap. Ngayon ko lang siyang nakitang nahiya ng ganito.

"Thank you!"

Ramdam ko rin ang mahigpit na yakap niya at halos maiyak ako dahil ito ang unang nagsurpresa sa akin ng ganito.

Hinarap niya ako at sa unang pagkakataon ay kita ko ang saya sa kan'yang mata habang tinitigan ako.

"You're the only one who makes me smile like this. I'm smiling like an idiot right now," mahina siyang natawa sa kan'yang sinabi.

Muli ko siyang yinakap ng mahigpit, napakaswerte ko talaga sa kan'ya. Hindi ko akalaain na ganito pala siya magmahal ng babae.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"I know this place before and I promised to myself if I found the girl that I love, I would bring her here."

Hinampas ko ang balikat niya, natawa lamang siya at kinurot ang pisngi ko. Paniguradong pulang pula na ang pisngi ko ngayon.

"Let's eat?" tanong niya kaya agad akong tumango at lumapit sa inihanda niyang parang picnic.

Tinignan ko ang mga dala niya at sari saring prutas at mga ulam ang inihanda niya.

"Ikaw ba talaga ang naghanda nito?" tanong ko at humarap sa kan'ya pero agad nagulat ng bumungad sa akin ang hawak niyang mga pulang rosas.

"Flowers for you."

Kita ko ang pagpula ng kan'yang tenga. Ang cute niyang kiligin. Inabot ko iyon at agad na inamoy, sobrang bango.

"Thank you. Paano mo nalaman na favorite ko to?" tanong ko.

"I asked Tita about it and she said that you like red roses."

Nanlaki ang mata ko, si Mommy? Alam niya na bang nanliligaw sa akin si Mateo?

"I asked Tita's permission to court you, and she allowed me."

What?

"Kailan pa?" agad kung tanong, hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya.

"Well, that's a secret," sabi niya at ngumisi. "Don't worry about it, Tita knows about us already, okay?"

'Yung tipong nag iisip palang ako kung paano ko sasabihin kay Mommy tapos alam na pala niya.

Napatitig ako sa kan'ya habang busy siyang  buksan ang tubig at ang juice.

Napangiti ako dahil akala ko ay tila wala siyang pakialam sa mundo, 'yung tipong walang pake sa nararamdaman ng iba pero ngayon ay pinakita niya sa akin kung sino nga ba talaga siya.

Pasimple kung hinawakan ang dibdib ko at ramdam pa rin ang lakas ng kabog nito, mahal ko nga talaga siya at walang makakapagbago nun.

Kumain muna kaming dalawa at pagkatapos ay napag isipan naming humiga para pagmasdan naman ang mga bituin sa langit.

Nakaunan ako sa braso niya habang nagsstar gazing ako. Malaki ang ngiti ko habang ginagawa iyon. Napahinto ako at saglitang siyang tinignan ng may maalalang tanungin.

"Nga pala anong nangyari kanina? Bakit ka pinatawag ni Sir Fred?"

"Nothing," diko alam pero biglang lumamig ang boses niya.

Napapikit ako dahil pinaalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Galit ka pa rin ba?" mahina kung tanong.

"No. Let's avoid that topic, I already know what happened to you. Just stay away from him," muling umangat ang tingin ko sa kan'ya.

Malaki pa rin talaga ang galit nila sa isa't isa.

Sa totoo lang ay mabait rin talaga si Jacob, minsan lang talaga ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang trip niya.

"Please Sam, stay away from him," ulit niya

Dahan dahan akong tumango, ramdam ko ang paghaplos ng kan'yang kamay sa aking balikat.

"Can you promise me one thing?"

"Hmm?" tanong ko at muling nagpatuloy sa pag stargazing.

Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko para patagilin sa pagguhit sa hangin.

"Promise me, you'll never leave me whatever the situation is."

Continue Reading

You'll Also Like

4K 215 55
Bestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided...
5.1K 136 34
Ikakahiya kita hindi kailan man.
6.6K 455 42
Love Series #1 This story is all about how an ex-convict guy accidentally fell in love with an unexpected heiress, not knowing that she's the daught...
26.1K 451 54
"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong...