Mr Bitter meets Ms Proper

By chelitabiees

65.4K 4.1K 977

Dalawang magkaibang ugali ang pinagtagpo ng tadhana. Isang babaeng kung tawagin na PRIM and PROPER at isang l... More

Author's note
Prologue
ONE
TWO
THREE
FOUR
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY - TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY-ONE
FORTY-TWO
FORTY-THREE
FORTY-FOUR
FOURTY-FIVE
FORTY-SIX
FORTY-SEVEN
FORTY-EIGHT
FORTY-NINE
FIFTY
FIFTY-ONE
FIFTY-TWO
FIFTY-THREE
FIFTY-FOUR
FIFTY - FIVE
FIFTY-SIX
FIFTY-SEVEN
FIFTY-EIGHT
FIFTY - NINE
SIXTY
PANIRA MOMENT/EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

FIVE

1.3K 79 22
By chelitabiees

"Nagbabago ang tao Jura. Tao nga di ba, nababago? Feelings pa kaya?"

Ano na naman kaya ang nasa isip ng kumag na ito?

"Ano na naman ang ibig mong sabihin jan?"

"Well, people change in some way at kasabay nito ang pagbabago rin ng nararamdaman nila. Kagaya ko, kung nung una ayaw kita, Pero ngayon Jura, ngayon..










Mas ayaw na kita! Hahahaha!"

SHET LANG HA! ANG SARAP TALAGA PASLANGIN NG LALAKENG TOH EH! ANG KAPAL NG MUKHA! TRIP NA TRIP NIYA TALAGANG BWESITIN AKO EH. NAGTITIMPI LANG AKO DITO.

He is really something, he makes me do things I am not usually fond of doing. Lately parati na akong napapamura at nagagalit. And that is not me. Masyado akong calm para lang magalit. Pero talagang sinusubok niya ang pasensya ko.

Urghhhh! Grabeh talaga ang talent niya sa pag iinis at pang iinsulto eh. Grabeh, di ko ma reach!

Well, hindi ko siya pinansin hanggang sa dumating kami sa school.

Sabay nalang kasi kami pumasok kasi nga nagpalipas oras siya sa amin.

Ayun pagkababa pa lang namin sa sasakyan niya, pinagkaguluhan agad kami ay este pinagkaguluhan agad siya ng mga fangirls niya.

"Mauuna na ako!" Bulyaw ko sa kanya. Nauna akong pumasok sa room. At as usual, wala pang tao. Late comers ba naman mga kaklase ko. Ten minutes nalang kaya at magsisimula na ang klase. Haynaku, itong mga taong to, hindi alam ang salitang kahihiyan at utang na loob.

Nag request si Nathan na maging magkaklase kami sa lahat ng subject. Kinuha niya lahat ng kinuha ko. Galing naman, wala akong privacy kasi sa lahat ng bagay nanjan siya. Gaya gaya rin yung mokong. Obvious na obvious talaga na walang plano sa buhay. May pa sabi pa na mabuti nalang rin daw at Business rin yung kinuha niya dun sa states kaya swak na swak at magkapareho kami ng degree. Naku nga naman.

Nang uupo na sana ako sa chair ko. Nag flashback yung kalaswaang nangyari dito two days ago.

Kaya, umupo muna ako sa kabilang upuan. Well, may new chair na idinagdag. Yung seat ko kasi yung last in row tapos ngayon, may chair pang kasunod sa chair ko. Talaga naman kasing may nireserve na seat in case mayroong magiging sit-in. Ewan ko kung bakit dinagdagan pa ng isa. Baka naman si Nathan rin ang may pakana nito. Sana nga lang hindi kami magkatabi nung asungot na yun.

Sa pag upo ko, I just thought of how fast time flies. Kasi nga two days ago, hindi ko pa kilala si Nathan. Pero ngayon, naging pretend girlfriend niya ako. Ngayon, parang nightmare lahat! Akalain mo yun, ako? Talagang ako pa ang natripan niyang isali sa pagpapanggap niya!

Kung hindi ko lang kasi pinapahalagahan yung studies ko at kung hindi ko lang pinapahalagan ang magulang ko, naku! Baka pinatay ko na yung kumag na yun!

"Hey, Jura right?" OMO! Nagulat naman ako bigla. That voice! Hindi ako pwedeng magkamali.

Lumingon ako and saw him na nakatayo lang sa harap ko.

"Ahhh, yeah. And Javier, right? Nathaniel's best friend."

Tumango siya and looked at me in a weird way.

"Is there a problem?" Inosente kong tanong. Nahalata ba na sobrang saya ko at nakita ko siya?

"Ah, wala naman. It's just that. You are sitting on my chair."

I am sitting on his chair? So ibig sabihin upuan niya itong inuupuan ko ngayon? This means na magkatabi kami? Oh Lord, alam ko naman po na mabait kayo eh. Talagang there is a rainbow after the rain.

Dali dali naman akong tumayo at pinagpagan yung upuan niya.

So ibig sabihin din nito, HINDI SI NATHANIEL JOHN ANG KATABI KO!

Nasa opposite side kasi yung reserved seat. Kaya hindi nga kami magkatabi.

Naku naman, THANK YOU LORD. AS IN, SOBRANG THANK YOU TALAGA!

"Naku, sorry talaga Javier. Hindi ko kasi alam na upuan mo pala toh."

"Ano ka ba, okay lang. So, saan ka pala nakaupo?"

"Diyan." Tinuro ko yung upuang katabi nang chair niya.

"Oh wow! Akala ko I need to adjust sa magiging seatmate ko. Kung alam mo lang kasi, I hate adjusting to people, places and the like. Kaya nga I chose this seat para last in row and last sa column so it would mean na few people lang ang kakausapin ko. And I am glad na ikaw yung seatmate ko. Para kahit papano. Magaangaan na ang loob ko sayo." Naks naman. Magaan na daw yung loob niya sa akin oh.

SHEMMAAAYYY KINIKILIG AKO! Alam kong ang feeling ko, pero minsan lang naman kasi sa tanang buhay ako nagkakaganito. Ngayon nga lang talaga ako naging ganito, to be exact.

Bahala na yung Nathaniel na yun. Makikipag usap ako kay Javier kung gusto ko. Hindi ko naman siya tatay na dapat sundin. He is not even my boyfriend to begin with. For pretend lang kami di ba?

Baka ito na kasi ang pagkakataon na makahanap na ng makakasama sa buhay. At si Javier ko yun. Grabeh, ang lakas lang naman ng kutob ko na si Javier talaga yun.

"Hmmmm. Matanong ko lang. Bakit ninyo naisipan na lumipat sa year na ito? Graduating na naman kayo dun sa old school ninyo sa states, right?"

"Well, family problems and magulo kasi dun sa school namin sa states. People are too liberated, hindi ko type dun. And Nathaniel, he always gets in trouble. Ang dami na niyang record sa Dean's office. Kaya, napag isipan nang Mom niya na dito na siya pag aralin. Para bawat kilos niya, alam nang Mommy niya." Talaga lang ha! Eh alam ba nang Mommy niya na muntik nang maging Motel tong classroom na ito?!

Tsk. Tsk. Tsk.

Yan talaga ang disadvantage sa pamilyang sobrang yaman na. Ang distant na sa isa't isa kaya kahit simpleng bagay hindi magawang alamin.

Siguro na nga rin na gusto nang Mom ni Nathaniel na magkaroon na siya nang sariling pamilya para tumino at maging responsable siya.

Kasi ba naman napaka spoiled lang nya at walang manners. Ang itim lang ng budhi nung kumag na yun.



Nag usap lang kami tungkol sa sarili niya and I discovered na marami pa la kaming similarities.

He loves books, just like I do.

He loves to listen to music, especially classic ones, just like I do too.

His favorite color is blue and all shades of it, samantalang pink ang gusto ko. Di ba, bagay? Kapag magiging kami. Yung bahay namin shades of pink and blue.

Ang kyut kyut lang.

He loves singing. And boys who sing are the best for me. Kasi nga di ba, ang sweet lang pag kinakantahan ka nila?

He also loves playing different kinds of musical instruments, and ako rin.

I just can imagine him playing his guitar and singing such a wonderful song. Naku lang. Ang perfect niya grabi.

At habang nag uusap kami, nagsipasukan na ang mga classmates namin. At ang bukang bibig nila ay kung gaano kagwapo at ka perfect si Nathan. Naku lang, kung magsama kaya kayo nang isang araw, tingnan lang natin kung gwagwapohan pa ba kayo sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit may nakakatiis sa kanya na mga babae at nadadala pa niya. Siguro nga, wala ng pakehan sa ugali, katawan at hitsura lang ang sukatan.

Dumating na rin si Denice, seatmate ko. Mabuti nalang at hindi si Nathan ang katabi ko sa isang side. Naku lang, ang malas ko na lang talaga pag nangyari yun.

Ayun, ipinakilala ko si Denice at si Javier sa isa't isa.

Nagkwentuhan kaming tatlo nang biglang dumating ang taong panira lang sa lahat ng bagay.




"Aheeem." Manigas ka jan Tolentino.

"Bi?" Nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Naku lang.

Nagpatuloy pa rin ako sa pakikipag usap kay Javier at kay Denice. Yun nga lang si Denice, hindi na umimik, na starstruck ba naman kay Nathaniel.

Oh please. Malakas lang charisma niya pero mas gwapo pa rin si Javier ko!

"Ahhh Jura?"

"Yes?" Liningon ko si Denice. Naku naman, huwag ka magpadala jan sa asungot na yan!

"I think ikaw yung BI na tinutukoy nitong si Nathaniel. Hehehehe. Kanina ka pa niya tinatawag, hindi mo ba narinig?" Kanina ko pa siya dinig Denice! Pero hindi mo ba magets na ayaw ko lang talaga siyang kausapin? At isa pa, galit pa rin ako sa kanya ng slight sa pang'iinsulto niya sa akin sa mismong bahay ko kanina.

"Ahhh ehhh. Sige." Tumayo ako at nilapitan si Nathaniel.

At sa paglapit ko sa kanya, kasabay ang paglakas nang mga bulong bulungan ng mga tao dito sa room.

Yumuko lang ako habang naglalakad patungo sa pretend boyfriend kong may attitude problem.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dun?"

"Nag uusap lang naman kami Nathan."

"Di ba sinabi ko sayo na bawal ka makipag usap sa kanya?"

"Eh wala ka naman kasi! Mapapanis yung laway ko kapag magiging tahimik lang ako habang hinihintay ka!"

"Well, sana tinawagan mo nalang ako!"

"Eh kasi naman ho, busying busy ka sa mga fangirls mo!"

"Well, I would still choose to be with you than to be with them kung tinawagan mo lang ako!" Nagulat ako sa sinabi niya. He is going to choose me over his fangirls? Eh ang vain ng kumag na ito. Ang saya pa nga niya sa pag i'entertain sa kanila.

"Halika nga!" Hinila niya ako papunta sa platform, kung saan nasa harap kaming dalawa sa lahat nang klase. Nagsitahimikan silang lahat.

I took a look at Javier, at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi pa ba umabot sa kanya ang nangyaring eksena the day Nathan arrived here? Yung pagpapahiya niya sa dalawang unknown girls? Naku nga naman. Akala ko rin ba best friends sila ni Nathan, then bakit parang hindi niya alam na kami na, I mean, nagpapanggap na kami na?

Oh baka naman hindi lang siya makapaniwala na Nathan is standing in front of all the people na walang nakakaalam kung anong balak niyang gawin.

Kaya, I smiled at Javier and he smiled back at me. Pero there is something in his smile that makes me tell na naguguluhan talaga siya sa nangyayari at sa posibleng mangyari.

"Hoy, ano na naman bang gagawin mo?!" This time, kinakausap ko si Nathan. Naku, feeling ko mapapahamak kami nito eh.

"Bi, I am going to let all of them know na tayo na. So that wala nang fangirls ang lalapit sa akin. Kasi they all know na I belong to you."

"Sigurado ka?" As in sure sha? Or iba na naman ang takbo ng isip niya?

"Yes. Kailan pa ako hindi naging sigurado Jura?" Bigla nalang akong napalunok sa sinabi niya. At ayun I closed my eyes habang pinapakinggan siyang magsalita.

"Goodafternoon! I would just like to inform all of you that this girl beside me, Jura Courtney Ferris is my fiance."

P*TANG INAAA! ANONG FIANCE ANG PINAGSASABI NIYA?!

Nagsipalakpakan ang mga lalake samatalang nagkakagulo ang mga babae. Naku nga naman.

Hinila ko si Nathan sa labas ng room. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya!

"HOY NATHAN, ANONG FIANCE ANG PINAGSASABI MO?!" Naku nga naman, kapag umabot toh sa parents ko, naku lang talaga!

"Well, ginawa ko lang yun para wala nang babaeng lalapit sa akin. Para wala ka ng rason na kausapin pa ulit yung lalaking yun. May problema ba sa ginawa ko?"

"LECHE KA! EH PARA NA NGA AKONG KAKAININ NANG MGA BABAE DUN SA LOOB EHHH!HINDI KA NA NGA NILA LALAPITAN PERO AKO NAMAN ANG PAPATAYIN NILA!"

"That's exactly the point. Ginalit mo kasi ako kaya pagbabayaran mo. Dun ka sa Javier mo, manghingi ka nang tulong sa kanya. Remember, yung pagtatanggol ko sayo the other day was the first and the last." WTH?! Bipolar ba itong isang ito? Bakit ang gulo niyang tao? He says things tapos babawiin niya rin. Urghhhh! Ang sakit niya talaga sa ulo.

Pumasok siya sa room at umupo sa upuan ni Denice.

Sheeeet lang talaga.

I think I would have a new damn seatmate after all.




*******************************

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
147K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...