The Dragon Prince

By Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 110

401 32 0
By Queen_Phoenix28

Yves's POV

"Yves." napatingin ako sa harap ng palasyo ng may tumawag sa akin. Nandito na kami ngayon sa Dragon Kingdom. Kababalik lang namin. Si Frost ang tumawag sa akin. "Nakabalik na kayo." masayang sabi niya ng nasa harap na namin siya. Ngumiti lang ako pero napatingin siya sa mga kasama namin. May mga nagsilapitan na ding mga kalahi ko at pati na rin mga taga-Aragon. Nagtataka sila sa mga kasama namin. Sumama sa pagbalik namin si Archangel. At nagsama rin siya ng apat na Angel na sila daw ang pinakamalakas sa pangkat nila. Ang apat ay lumilipad sa itaas na parang nagbabantay sa paligid.

"Tawagin mo ang Mahal na Reyna." utos ko kay Frost.

"Hindi na kailangan." napatingin ako sa nagsalita. Ang Ina ko. Naglalakad siya palapit sa kinaroroonan namin kasama ang Ama ko. Kasama rin nila ang mga magulang ni Cris pati na rin ang mga Guardian.

"Lucy." narinig kong sabi ni Archangel.

"Ama.?" hindi makapaniwalang sabi ng Ina ko. Tumakbo siya palapit sa kanya at mahigpit niya itong yinakap. "Namiss po kita.. sobra." maluha luhang sabi niya habang nakayakap ito sa ama niya.

"Ganun din ako." sagot niya. Halata sa boses niya ang sobrang saya na nararamdaman niya ngayon. "Hindi ko akalain na makikita ulit kita."

"Sino siya?" napatingin ako sa nagtanong sa akin. Si Frost.

"Hindi mo siya kilala?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Huwag mong sabihing.." tinignan niya ako na halatang nagulat siya. "Si Archangel??" ngumiti lang ako. "At?? Ama siya ng Ina mo?" tumango ako. "Siya ang Lolo mo??" gulat na sabi niya dahilan yun para mapatawa ako sa naging reaksiyon niya. "Wow." mahinang dagdag niya.

"Babe." napatingin ako kay Cris dahil hinawakan niya ang likod ko. "Ipasok ko lang siya." tinutukoy niya si Dale na karga karga niya. Natutulog na siya.

"Sasama na ako." sagot ko.

"Hindi na.. Dito ka muna." tumango na lamang ako bago siya pumasok sa palasyo.

"Kamusta si Dale?" bumalik ang atensiyon ko kay Frost.

"Maayos na siya." malungkot na sagot ko.

"Bakit?. May problema ba?"

Ngumiti ako ng pilit. "Nalulungkot lang ako.." sabi ko. "Dahil hindi na muna niya magagamit ang majika niya."

"Pero, mas mabuti na yon.. Mas magiging ligtas siya." tumango na lamang ako.

"Yves." napatingin ako kay Archangel. Lumapit ako sa kanya. "Aalis na kami." paalam niya.

"Kailan po ulit kita makikita?"

"Sa tamang panahon." nakangiting sagot niya. Ngumiti na lamang ako bago ko siya yakapin. Humiwalay ako sa kanya tsaka dumistansiya. "Hanggang sa muli." sabi niya bago sila kunin ng liwanag mula sa kalangitan.


"Anak." napatingin ako sa aking Ina. Lumapit ako sa kanya tsaka siya yinakap. "Maraming salamat." napangiti na lamang ako.

"Magpapahinga na po muna ako." sabi ko sa kanya ng humiwalay ako. Tumango lang siya habang nakangiti. Yinakap ko muna ang Ama ko bago ako pumasok sa palasyo at tinungo ang kwarto namin.

"Mabuti naman at nakabalik ka ng ligtas." narinig ko mula sa loob ng kwarto ko dahilan yun para mapatigil ako sa pagbukas ng pinto nito. Nagtaka ako kung sino ito kaya sumilip ako mula sa pinto.

"Kagura?" mahinang bigkas ko. At ang hindi ko naiintindihan ay kung bakit magkayakap sila?. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako umalis sa harap ng kwarto ko.


Napaatras ako ng biglang may nabangga ako sa biglang pagliko ko. "Kaizer?" napaangat ako ng ulo. Si Dad. "Anong problema?"

Umiling ako. "Saan po kayo papunta?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang mga tagasunod na nasa likod niya.

"Sa kwarto.. Gusto ko na munang magpahinga." nakangiting sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Pwede po bang? Sumama muna ako sa'yo Dad."

Tinignan niya ako ng nagtataka. "Parang may kakaiba sa'yo ngayon.?"

"Wala po.. Wala po.." depensa ko. "Gusto ko lamang po kayong makasama." wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon.


"Magtapat ka nga sa akin." tanong niya ng makapasok kami sa loob ng kwarto. Hindi na sumunod ang mga tagasilbi at nasa labas lang sila. "May problema ba?" halata na sa kanya ang pag-aalala. Yumakap ako sa kanya. "Nag-aalala na talaga ako sa'yo."

"Huwag niyo na po akong alalahanin.. Pagod lang po siguro ako." sabi ko ng kumalas ako sa Ama ko.

"Kung gayon, ay magpahinga ka na muna." nakangiting sabi niya. Tumango lang ako bago ko tinungo ang kama nila ng Ina ko at humiga dito. Hindi ko na siya narinig na nagsalita kaya natulog na ako.


----

Nagising ako ng may naramdaman akong humawak sa pisngi ko.

"Mom." mahinang bigkas ko. Sinubukan kong bumangon.

"Bakit dito ka natulog?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lamang po kayong makasama." pagsisinungaling ko. Hindi na siya nagsalita at umiling na lang ito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ko. Liningon ko ang bintana at napansing madilim na. "Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa Ina ko ng patungo siya sa pinto ng kwarto.


"Titignan ko lamang sila." sagot niya.


"Sino pong sila?" taka kong tanong.

"Magpapadala kami ng mga tao para tignan ang Aragon." sagot niya tsaka siya lumingon sa akin. "Naniniwala kami na buhay pa ang mga Elemental Dragon. At kailangan natin silang mahanap." lumapit ako sa kanya. 

"Ako na po ang mangunguna." seryoso kong sabi.

"Ngunit, kababalik mo lang." nag-aalalang sabi niya.


"Ayos lamang po ako. Huwag niyo po akong alalahanin." nakangiting sabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Mukhang may problema nga gaya ng sabi ng Ama mo sa akin."


Umiling ako. "Wala po ito."

Huminga siya ng malalim. "Sigurado ka bang kaya mo?" Tumango na lamang ako sa kanya bago kami lumabas at pumunta sa isang kwarto.


"Sila po ang ipapadala niyo?" taka kong tanong pagpasok namin. Pumunta kami sa tabi ng Ama ko. Nakahanay sila at nakaharap sa amin. Nasa kabilang gilid niya ang Hari at Reyna ng Aragon. Si Aries, Cyclone, Burn, Warren, at si Jack ang tinutukoy ko. Mukhang sasama din si Aria at Rain sa kanila. Ngumiti lang ang Ina ko sa akin. "Kung gayon ay sasama na rin ako." sabi ko dahilan yun para mapalingon ang Ama ko ganun din ang mga nasa tabi nito.



"Hindi ako makakapayag sa kagustuhan mo." seryosong sabi ng Ama ko sa akin.




"Dad..." tinignan ko siya ng seryoso. "Hindi na po ako ang mangunguna sa kanila." tumingin ako sa Ina ko bago ko tignan ulit ang Ama ko. "Sasama po ako sa kanila.. At buo na po ang desisyon ko." matigas na sabi ko.



"Matigas talaga ang ulo mo." sabi ng Ina ko sa Link kaya napalingon ako sa kanya. "Alam na ba ito ni Cris?"




"Huwag niyo na lang po ipaalam sa kanya." sagot ko sa kanya gamit ang Link.



"Pero, paniguradong mag-aalala yun sa'yo." sabi niya. Hinawakan niya ang braso ko.


"Kung naaalala pa niya ako." malungkot na sabi ko bago ko hawakan ang kamay ng Ina ko na nakahawak sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi niya gamit pa rin ang Link namin.



"Anong pinag-uusapan niyo?" sabay kaming napatingin sa Ama ko ng magsalita ito dahilan yun para maabala kami sa pag-uusap namin ng Ina ko. Umiling na lamang ako. Lumapit ang Ina ko sa kanya tsaka niya hinawakan ang braso niya.



"Mag-iingat kayo." sabi ng Ama ko sa kanila bago kami umalis patungo sa Aragon. Napangiti na lang ako ng mapansin kong suot ko pa rin ang kasuotan ko nung pumunta kami sa Land of Deity. Napailing na lang ako bago ko sinundan ang mga kasama ko palabas ng palasyo.








---------
A/N: Keep it up..




(thank you po sa vote at sa pag-follow sa akin... love you guys... next week ulit... mwahhhh..)

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...